Chapter 11

98 14 0
                                    

Lewis Montierro POV

"Beer," tinaas ko ang kamay ko at winagayway ito.

"Sir nakakailan na po kayo--"

"Bigyan mo na lang ako!" natuliro iyong babae sa sigaw ko pero binigyan niya rin naman ako. "Ang daming satsat, magbibigay din pala." agad kong tinungga 'yung beer, mabilis kong naubos 'yon kaya kumuha ulit ako.

Hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito sa bar pero ang tanging alam ko lang ay bakit ako nandito....

Kay Molly...

Tumayo ako para pumunta sa restroom ng may bumungo sa akin.

"Hoy! Kung lasing ka na umuwi ka na! Hindi 'yung nangbubunggo ka pa! Panira." tiningnan ko 'yung lalaking nagsalita at bigla akong nakaramdam ng galit.

"Siraulo ka pala e," agad ko siyang sinuntok, hindi ko alam pero nakita ko ang mukha ni kuya sa kaniya kung kaya't hindi ko mapigilan. "Ang dami-daming babae sa mundo pinili mo pa ang taong gusto ko!"

"Nasaan na ba 'yung bouncer?"

"Jusko po!"

"Lewis! Tama na 'yan!"

Kaith Gaiman POV

"E, bakit ka ba kasi kinakabahan, 'yan naman ang gusto mo 'di ba?"

"Iyon na nga kuya e, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko,"

Ilang weeks na ang lumipas simula ng malaman kong sa susunod na pasukan ay bubuksan na ang school na pinatayo ni papa para sa akin. Ready na raw ang lahat, pero ako naman ang hindi ready kaya namomroblema ako.

Nakuwento ko iyon kay Lewis kaya kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko pero nang sabihin niyang gagawa siya ng paraan, ay ibang kaba ang naramdaman ko. Tinanong ko pa si kuya kung sa tingin niya ba ay seryoso si Lewis nang sabihin niya 'yun dahil agad siyang nag-offline. Hindi nakatulog ng maayos si kuya no'n dahil kinukulit ko siya.

At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan kaya ngayong hapon ay napagdesisyunan kong lumabas, masyado kasing mainit kanina kaya napagpasya kong hapon na lang.

Habang naglalakad sa Victory Mall ay may nakita akong dalawang keychain na teddy bear na may heart sa gitna at may letrang nakasulat.

Hindi naman iyon by couple pero magkadikit iyong dalawang teddy bear na may letrang L & K, naisip ko si Lewis kaya napabili ako. Pagkatapos 'nun ay naglakad-lakad uli ako pero hindi mawala ang ngiti ko kapag naiisip ko kung ano ang magiging reaksiyon ni Lewis kapag binigay ko na sa kaniya 'yon.

Aakyat na sana ako ng escelator ng biglang magvibrate ang cellphone ko kaya hindi natuloy ang paghakbang ko dahilan para madulas ako ng kaunti.

"Shit," nakaramdam ako ng kaba pero mas naramdaman ko ang kamay na umalalay sa akin.

"Miss okay ka lang ba?" napatingin ako sa kaniya at agad na napaayos ng tayo.

"Ahh oo nadulas lang, salamat." agad kong kinuha ang cellphone ko. "Kuya Lucky--"

"Magkasama ba kayo ni Lewis ngayon?"

"Hindi po, bakit?"

"Hindi pa kasi umuuwi si Lewis at hindi naman kami nagkasabay na umuwi, umalis lang siya at hindi nagsabi sa akin--"

"Ano po bang dahilan?"

"H-hindi ko alam pero alam kong kailangan ka niya," pahina ng pahina ang boses ni kuya Lucky ng sabihin niya 'yon. Pinatay ko na ang linya pagkatapos niyang sabihin 'yon.


Kailangan niya ako? Nasaktan ba siya at hindi niya kaya? Bakit siya masasaktan? Sa mga naiisip ko, alam kong tao 'yon, kabisado ko na si Lewis at alam ko na kung kanino. Iisa lang naman ang taong nagustuhan niya na alam ko, ang hindi ko lang malaman na nag-uusap pa rin sila, kailan pa?


"Ahh miss--"

"Ano ba?" singhal ko nang may humawak sa braso ko dahilan para mahinto na naman ang paghakbang ko. Nandito pa rin siya?

"Have we met?"

"Bitawan mo 'ko." imbes na sagutin ko siya ay iyon ang sinabi ko na agad niya rin namang sinunod kaya nakatakbo na rin ako.

May alam akong isang bar na lagi naming pinupuntahan tuwing nagce-celebrate kami, pero bakit naman siya roon pupunta kung broken nga siya? Kahit may kutob akong wala siya roon ay 'yun pa rin ang una kong pinuntahan at tama nga ako dahil tatawagan na ako ng mga security guard kung makita nilang nandoon si Lewis at wala ako. Alam kong malapit lang din dito ang pupuntahan ni Lewis kaya agad akong umalis doon. 

Tatlo lang ang bar dito at nakakadalawa na ako. Sana naman ay nandito na siya. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok. Hindi ko nakita ang pinaka-sentro ng bar dahil nagkukumpulan ang mga tao. Hindi na bago sa akin ang eksenang ito pero dahil kinakabahan ako ay lumapit ako roon at tiningnan kung anong meron.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita at napatakip sa bibig. Naluluha ako, naluluha akong makita ang ganitong sitwasyon niya.

Grabe, ang laki ng epekto niya sa 'yo...

"Lewis! Tama na 'yan!" agad akong tumakbo at pinigilan ang mga kamay niyang susuntok na sana.

"Molly?" natigilan ako hindi dahil sa sinabi niya ang pangalan niya pero dahil nakatingin siya sa akin at nakangiti.

"Hoy miss! Binugbog niya ang boyfriend ko!" tumingin ako roon sa babae na puno ng kolerete. Kumuha ako ng pera sa bag ko at binigyan sila ng dalawang libo.

"Sorry 'yan lang ang meron ako," agad kong inakay si Lewis.

"Hoy, Lewis bayaran mo ang pera ko. Akala mo makakatakas ka," saad ko habang inaalalayan ko siya.

Nanghihinayang talaga ako sa pera ko. 

Tumingin sa akin ang dalawang security guard kaya napairap ako at binigyan na rin sila para sa pangugulo ni Lewis pero nagtaka ako ng ibigay uli nila sa 'kin.

"Mukhang broken hearted 'yang kasama mo kanina niya pa sinasabi na si Molly lang ang makakaayos sa kaniya, tapos may sinasabi siyang kuya Lucky na umagaw daw sa taong mahal niya. Siguro ikaw na iyong Molly 'no? Mukhang mahal na mahal ka nitong lalaki na 'to," tinapik niya ang likod ni Lewis.

Hindi naman madaldal si kuyang guard ano?

"Hindi namin mapigil ito at sinapak niya rin iyong kasama ko pati iyong isang bouncer namin, siya pa lang ang pumunta dito na broken hearted, hindi niya ata nabasa iyong karatula sa labas." tumango na lang ako.

"Alis na ho kami, bumibigat na rin po itong kasama ko,"

"Gusto mo ba tulungan na kita? Saan ba kayo pupunta?" naging creepy na siya sa akin pero tinanggap ko na lang din ang alok niya dahil ang bigat ni Lewis.

Pumunta kami roon sa bar na lagi naming pinupuntahan kaya pagdating doon tinulungan na rin kami ng mga kakilala naming security guard kaya nagpasalamat na ako sa guard na tumulong sa pagbuhat kay Lewis.

Agad akong pumwesto sa lagi naming inuupuan at inintindi naman kami ni Danica na kaibigan namin. Napatingin naman ako kay Lewis na ngayon ay nakapikit pa rin.

Hindi ko alam kung makakakaya ko bang samahan ka lalo na at hindi naman ako ang gusto mong makasama...

Kuya Ko (Online Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon