~ Chapter Two

79 3 0
                                    

“YOU?” sabay pa kaming dalawa.

“Teka magkakilala sila?”

“OMG. Friend sobra na talaga tong girl na to”

“Inaagawan niya tayo ng prince charming Grrr.”

“Bakit andito ka?!” sabi ko.

“Eh ikaw bakit andito ka din? Grabe. Ang galing mo talaga mang stalk.” 

Swabeng pagkakasabi nya with matching nakakalokong ngiti.

“Ano ? Ako stalker?! Mamatay muna katabi ko !

“Hala bakit ako.” Singit ng isa naming kaklase.

Ay sorry naman.Bakit ka kase andyan sa tabi ko =_=. Anyway this guy is getting into my nerves.

Kaunti na lang talaga at baka sa bilibid na ko tumira. PWEW.

“Paparating na yung prof. !” sigaw ng isa naming kaklase.

Agad nang nagbalikan sa kanya kanyang upuan ang lahat. At yun na nga dumating na ang aming propesora.

“Good morning class. I would like to introduce first myself.

I’m Leonora Rendorio and I will be your instructor in this subject Business Statistics.” Blah. Blah. Blah. Chuva. Chuva.

“Hayy matagal pa ba” bulungan ng mga kaklase ko sa likod na halatang nabobored na din. Kung anu anu na nga yung mga pinagsasabi ng mga to eh. Si mam daw mukang mananahi. Si mam daw kamukha ni Lolit Solis etc. etc. etc.

“So, aayusin muna natin yang upuan niyo.” Sabi niya.

“Bubunot kayo isa-isa dito. At kung anung numero ang mabunot niyo, yun yung numero ng upuan niyo kung saan kayo pupwesto.”

Nag-umpisa nang magbunutan. 

“Okay, yung 1 dito sa harapan, yung 2 dito yung 3 dyan” …….

Number 14 yung nakuha ko kaya nasa bandang 2nd or 3rd row ako.

“Sinong number 14?”

“Ma’am ako po!”

“Okay,dito ka Ms.Ramirez”, Yung number 15?”

“Ako po.”

Okay maupo ka sa tabi ni Ms.Ramirez, Mr.Monteverde

“Okay maupo ka sa tabi ni Ms.Ramirez, Mr.Monteverde”

“Okay maupo ka sa tabi ni Ms.Ramirez, Mr.Monteverde”

“Okay maupo ka sa tabi ni Ms.Ramirez, Mr.Monteverde”

Huwwwaaaat ! Katabi ko tong isang to ?? !! (=_=) >>> (^_^)V

“Bakit sa dinami daming pwedeng makatabi ikaw pa” T3T

“That’s what you called Destiny Ms. Angela Ramirez”. Sabay ngisi.

“Ehe. Siguro nga.” Binigyan ko siya ng isang pilit na pilit na ngiti.

Eh kase naman, bakit ganun T_T bakit siya pa. Talaga naman oh =______=

FLASHBACK:

Ian Allen Monteverde became my classmate since elementary up to high school.  Sa St. Catherine Academy kami nag-elementary. Sosyalin yung name ng school noh. Private school kase yan, dyan lang naman nag-aaral ang mga anak ng mga mayayamang tao dito sa bansa. Uhm, ang totoo niyan galing din ako sa isang mayamang pamilya dati. Yes “DATI” nung bandang nag high school na ko eh may isang trahedyang nangyari sa family ko.  I was 11 years old when that traumatic accident happens. Papunta sana kami nun sa isang place para magbakasyon ng biglang mabangga ang minamanehong kotse ng Dad ko. Nagising nalang ako nun sa hospital nang mag-isa. Pagkatapos ay sinabi nung nurse na wala na daw sila mom at dad. Iyak ako ng iyak nun sobrang namimiss ko sila :’< Dahil nga wala na kaming iba pang kamag-anak dito eh dinala nalang nila ako sa DSWD. Ayaw na ayaw ko talaga dun kase naman binubully ako ng ibang bata dun, kaya naman tumakas ako.

Gabing-gabi na nun nasa daan ako nang may lumapit saking dalawang lalaking pinsan ata ni SHREK. Takot na takot ako nun lalo na at mga nakainom sila pilit nila akong sinasama sa kung saan. Hindi ko na alam gagawin ko T_T. Buti na lang may dumating para iligtas ako isang lalaki na may kasamang batang babae, at ang batang yun ay si Carmi. Tatay niya yung nagligtas sakin at dahil siguro ay iyak ako ng iyak nung gabing yun eh kinupkop na lang nila ako. Kaya nga close na close kami niyan ni Carmi para na nga kaming magkapatid niyan eh kaya mahal na mahal ko yang bruha na yan :’))))

 Naku iba na tuloy nakwento ko. Haha ! Oh sya si Allen na, yun nga naging classmate ko sya nung elementary. Ewan ko ba asar kami sa isat-isa nun, palage kase kaming nagkukompetensya niyan. Kung hindi siya ang top 1 eh ako naman, basta wala talagang nagpapatalo sa aming dalawa. At isa pa nahawa na din kase kami sa mga magulang namin. Magkakumpetensya din kase pagdating sa business ang family namin parehas kaseng kotse yung business ng mga magulang namin kaya ayun. Ewan ko din ba bakit ganun, pakiramdam ko kase nung nawala yung magulang ko eh parang nabunutan ng isang malaking tinik yung mga magulang niya. Ngayon ang balita ko isa na sila sa pinakamayaman sa buong bansa kaya nga nagtataka din ako bakit nagtransfer dito yan sa school namin. Hayyy.

“Oi” sabi nitong Allen na to, sabay snap sa harap ng mukha ko.

“Ayts bakit ba?

“Tss. Kanina ka pa kasi dyan tulala. Halatang di ka nakikinig sa sinasabi nitong taong nasa harapan”

Maka-taong nasa harapan naman to (=_=) wala talagang galang.

“Eeh ? Pakelam mo ba”

Pagkatapos ko siya sabihan nun eh tiningnan ba naman ako ng masama. Tss hayaan ko na nga lang to, meron lang siguro to :D

After ilang minutes … …

haaayy =_= grabe naman tong professor namin, Ang dami niyang sinasabi halos makatulog na nga kami sa sobrang haba.Tama na please =___=

Nasa kalagitnaan na ko ng day dreaming ko nun nang biglang may isang malakas na boses kaming narinig at napatingin kami sa may bandang pinto.

“Good morning ma’am. Sorry for being late.”

My eyes were glued to him. After 2 years nagkita ulit kami. 

_

_

_

_

_

My EX-BOYFRIEND.

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon