~ Chapter Fifty Two

21 1 0
                                    

Allen's POV

“Do you really know what you are doing?! Do you realize that you’ve just lost the better future of our company because of what you did?”

“Madalas naiisip kong mas mahalaga at mas mahal pa ninyo ang kompanya kaysa sakin”

“Of course not! How can you say that?”

“Pero bakit hindi iyon ang nararamdaman ko? Ma, bakit kailangan niyo pang gawin sakin to? Bakit kailangan niyong manipulahin ang buhay ko?”

“Dahil iyon lang ang alam kong mas makabubuti para sayo”

“Makakabuti? Ma, hindi lang naman iyon ang paraan Kung Itatakwil niyo man ako dahil sa pagpili ko kay Angela, walang akong pagsisisihan”

“Anlakas ng loob mo Allen, alam mo ba ang mga pinagsasasabi mo?!”

“Aanhin ko ang lahat ng karangyaang meron sakin  kung wala naman sakin ang babaeng mahal ko Higit sa lahat ma, ayokong habambuhay na matali sa taong hindi ko mahal Sa ginagawa ninyong pamimilit sakin kay Vera, para niyo na rin akong itinutulak sa bingit ng kamatayan”

Sandra’s POV

Nang sabihin ni Allen ang lahat ng iyon, bumalik sa isipan ko ang mga nangyari noon

Flashback

“hindi ko mahal si Lance! Huwag niyong gawin sakin to please!!

“At anong gusto mong gawin namin? hayaan ka don sa pobreng lalaking yon?!”

“Mahal ko si Kevin, hindi man siya mayaman tulad ng gusto niyo, marangal at may dignidad siya Maligaya ako kay Kevin”

“Alam mo ba ang mga sinasabi mo? Sige! Piliin mo ang lalaking iyon and we will disown you! Tignan lang natin kung hanggang saan aabutin iyang sinasabi mong kaligayahan at tignan natin kung kaya kang buhayin ng pagmamahal na iyan”

Nang sabihin ni papa iyon ay natakot ako Papaano kung tama si papa, kaya ba akong buhayin ng pagmamahal na iyon? Ayoko kong mabuhay nang simple lang, hindi ko kayang talikuran ang karangyaan Kaya’t agad akong nakabuo ng isang desisyon, desisyon na hindi ko inakalang pagsisisihan ko buong buhay Iniwan ko si Kevin at nagpakasal kay Lance, ang akala ko, makakalimutan ko si Kevin at matututunan ko ring mahalin si Lance pero nagkamali ako, napakasakit pero hindi ko na pwedeng bawiin ang lahat Wala akong ibang nagawa kundi gampanan na lang ang napili kong desisyon kahit na ang katumbas pa niyon para sakin ay kamatayan

End of Flashback

“Ma, please Nagmamakaawa po ako sa inyo Hayaan niyo po akong patunayan sa inyo na kaya ko pong gumawa ng paraan, kaya ko pong paunlarin ang kompanya sa sarili kong pamamaraan nang hindi gumagawa ng anumang kasunduan sa ibang tao”

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon