~ Chapter Forty

20 1 0
                                    

Parang isang malaking sampal sakin yung tanong niya.

"Sino ka?"

Napaatras ako at nagulat sa mga narinig ko. Pati sila Tito nagulat sa tanong ni Allen.

"Son?" Tiningnan siya ni Tito na may halong pagtataka sa mukha nito.

"What?"

"May masakit ba sayo or anything na hindi normal kang nararamdaman?" pagtatanong ulit nito

"Ha? Wala"

Pagkatapos nun lumabas si Tito Lance ng room.

"I'll just call the Doctor."

Nanlalambot ako ngayon dito sa kinatatayuan ko. Gusto ng lumabas ng luha ko.

"Allen? Dont you know Angela?"

"Angela? What's that?"

"Ako ? Kilala mo ba ko?."

"Anong klaseng tanong yan ha Khristian?"

"but Allen, dont you remember her? She's you're --

Pinutol ko yung sinasabi ni Khristian. "I'm you're, you're friend."

"Friend? How? I dont even know you."

Pagkasabi niya nun, natulala ako. Parang gusto kong magpalamon ng buo sa lupa ng marinig ko yun. Anu ba to joke? Hindi niya daw ako kilala. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko, agad naman akong nilapitan nila Carmi at Berms.

"Angie, okay ka lang?"

"Dont worry Gela, wag kang panghinaan ng loob."

Bumalik naman agad si tito Lance kasama yung doktor, Lumapit naman ito kay Allen at tiningnan ang kalagayan nito. Kelangan daw munang itest si Allen kaya lumabas na muna kaming lahat sa kwarto. Nilapitan nila akong lahat at pinapagaan yung loob ko, kung anu anu yung mga sinasabi nila hindi ko na maintindihan dahil ayoko ding intindihin, ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Allen, pilit kung tinatanong sa sarili ko kung anu bang mga nangyayari, bakit ganun? Bakit hindi niya ko maalala? Bakit?

Tumahimik naman silang lahat ng biglang lumabas yung doktor at kinausap si tito Lance, rinig naman namin yung pinag-uusapan nila.

"He have selective memory loss"

Nagulat ang lahat sa sinabi ng doktor. Hindi na nakapagsalita si Tito, at tanging si Khristian na lang ang nagtanong sa doktor.

"Selective memory loss?"

"It is a form of amnesia. It is a rare side effect of head injuries when the victim loses certain parts of his memory."

"But How come he can't remember just one person?"

"One of the common elements that may be forgotten, is his relationships. Maaring yung taong yun ay nakapagdulot ng malaking bagay sa kanya or that person is too much important that the strain made him forget those memories"

"Oh my God" - Carmi

"I cant believe this." - Khristian

"Kelan magiging normal ang memory niya?" tanong ni tito Lance

"Usually it takes about 6-8 months, but there are cases na hindi na ito bumabalik."

Parang nadurog ang puso ko ng wala sa oras, pakiramdam ko para akong isang taong buhay pero patay. Nagets niyo? Parang lahat ng organs  ko huminto. Panu na ko ngayon, Allen? At muli sunod sunod na bumuhos ang luha sa aking mga mata.

"Nagjojowk lang kayong lahat diba?" tanong ko.

"A-angie" - Carmi

"Tama na please? hindi kase maganda yung biro, ang sakit eh."

"Hija, I'm sorry." sabi ni Tito Lance

Agad akong niyakap ni Carmi

"Angie, it's okay maaalala ka din niya, gagawa tayo ng paraan ha."

"Carmi .. "

It's already midnight, pero andito pa din kami sa ospital. Ayoko pa umalis pero hindi ko din naman magawang malapitan si Allen sa kwarto niya. Sila Carmi pinapauna ko na pero sabi nila sasamahan daw nila ako dito, buti na lang linggo bukas wala kaming pasok. Si Khristian andito din kasama namin, si tito naman andun sa loob binabantayan si Allen.

Medyo inaantok na din ako ngayon, sobrang pagod at sobrang iyak ko kanina parang gusto ko na munang matulog, paiglip na sana ako ng may makita akong isang babae na naka formal attire tapos sa likod niya may mga nakasunod na mga bodyguards, kung titignan mo siya parang bihira sa kanya ang salitang ngiti, yung aura niya napakalakas na akala mo'y isang salitang bitawan niya lang sayo, para kang tatalsik mula dito sa loob hanggang sa labas. Nakita ko na siya dati, at kung tama ang pagkakatanda ko, siya ang mama ni Allen.

"Tita." Tumayo bigla si Khristian, pati kaming tatlo nila Carmi, napatayo na din.

"Uhm good evening po." bati ni Berms

Hindi niya ito pinansin ni tiningnan ay wala, nakatingin lang siya kay Khristian at parang kaming tatlo ay mga istatwa lang na nakatayo sa harapan niya.

"Nasa loob silang dalawa?."

"Opo. Tita"

Pagkatapos nun, bigla na siyang umalis at tumuloy dun sa room kung asan sila Allen at Tito Lance.

"Grabe, kinilabutan ako dun ng bongga >_<" sabi ni Berms

"Mama ba talaga yun ni Allen? Nakakatakot siya tumingin." - Carmi

Allen's POV

"Bakit ba pinagpipilitan niyo? HINDI KO NGA SIYA KILALA." sigaw ko,

Bigla naman bumukas yung pinto at di ko inaasahan yung nakita ko. Natagpuan niya na ko, sabagay hindi naman imposible yun, marami siyang pera at koneksyon sa kung sino sino, siguro matagal niya na ding alam kung saan ako nakatira at sa kung saan ako nag-aaral, hinayaan niya na lang muna ako. Pero bakit ba andito siya? Ano nanaman bang kailangan niya.

Lumapit siya sakin at tiningnan ako na walang kareareaksyon ang mukha.

"Ganun mo na ba ako ayaw makausap? Narinig mo lang ang boses ko, naaksidente ka na ng ganyan?"

"Ayoko po makipagtalo ngayon." sabi ko

"Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kelan!, wala kang pinakikinggan!"

"Ma?! Ano nanaman ba yun? Ano nanaman bang gusto mong ipagawa sakin?!"

Pinanglakihan niya lang ako ng mata. tss.

Andyan nanaman siya. Bakit ba hindi niya na lang ako hayaan. Naiinis na ko sa mga ginagawa niya palagi niya na lang gustong diktahan ang buhay ko.

"Sandra! Please, wag ngayon, nagpapahinga pa si Allen, pwede mo siyang kausapin pag okay na siya. Pwede ba?"

Tumingin ulit siya sakin

"I just want to inform you, she is arriving next week, treat her well."

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon