~ Chapter Eleven

34 1 0
                                    

Biglang nag ring yung Phone ko, pinapapunta ako ni Misha sa office, kaya iniwan ko na muna si Allen dun at nauna na ko.

Naglalakad ako ngayon sa may hallway na nakanguso. Nakakalungkot naman kase yung Lablayp ni Allen, Kawawa naman din pala siya, Hayy

si Kupido naman kase mamamana na nga lang mali mali pa. Lasing ba siya nung ginagawa niya yun? Yan tuloy madaming nasasawi at nasasaktan

ng dahil sa pag-ibig. Hayyy napapabuntong hininga na lang ako.

"Angie, andito ka na pala, kelangan nating mag-usap."

"Ha? Bakit may problema ba Misha?"

"Diba sabi mo 1 week lang yung pangangampanya? Halos wala pa kase tayong nasisimulan para kay Allen"

Naku Oo nga pala tatakbo bilang president si Allen tapos wala pa kaming nauumpisahan.

"Anung gagawin naten Misha?"

"Kelangan na nating mag-isip ngayon din. Slogan, flyers, propaganda, kelangan natin yun sa lalong madaling panahon"

Waah anu ba yan 5 days na lang ang natitira may magagawa pa kaya kami. Pinatawag na ni Misha yung mga kaalyado namin at nagsimula nang

mag-isip ng mga Ideas. Pati si Allen andito na din kahit napipilitan eh kelangan niya talagang sumali. Wala ng panahon para mag-inarte.

Gawa dito, sulat doon, gupit dito, type doon. Busyng busy ang lahat. Si Allen binabasa yung speech niya at pinag-uusapan nila ni Misha

yung mga propagandas niya.

After 8hrs. Tapos na din kahit papaano. Okay ipapaphotocopy na lang yung mga eto para ipamigay bukas. Kelangan mong manalo Allen !

"okay, guyss, umuwi na tayong lahat napa-abot tayo dito ng gabi, bukas na natin ipagpatuloy sa kung anu pang mga pwedeng idagdag."

sabi ni Misha.

Uwian na, mukhang pagod na pagod na talaga ang lahat. Uuwi na din ako. Andun na din siguro si Carmi sa bahay.

"Sige, mauna na ko, Bye, bukas ulit" ^______^

Nagsiuwian na ang lahat. Inaantok na din ako, gusto ko na matulog, Sumakay na ko ng jeep.

Buti na lang mabilis magmaneho si Manong drayber kaya nakauwi na din ako dito agad sa bahay.

Eh kasalukuyan na nga akong nakahiga sa kama, Wala kaming magawa kaya ng Girl talk na muna kami ni Carmi.

"Pagod na pagod ka ata ah?" tanong ni Carmi

"ahh, OO nga eh dami kase naming ginawa ngayon. ANg daming nangyari sa Sc, Carmi"

"Ah, oo nga nabalitaan kong magsasabong sa pagka- President si Allen at Alfred. Haha mukhang exciting" :D

"Exciting ka diyan? Eh nagkakagulo na nga dun, TEka? san ka pumunta kanina? Di ka pumasok, di ka din tuloy naka-attend ng meeting"

"Ah, Diyan lang sa tabi-tabi."

"Huwee? Nakipagdate ka lang ata eh" :P

"Hindi noh, May sinamahan lang ako."

"Lalake?"

"Ahm,"

"oh? haha ! Naku Carmi Ilang araw pa lang ang nakakalipas eh inlab ka na ulit? :D sana ganyan din ako"

"Hayy, Yan ka nanaman, Susugurin ko na talaga yung Shone na yan sisipain ko siya pabalik ng Japan!"

Ngumiti na lang ako, Kung pwede nga lang talaga Carmi, kung magagawa mo lang yung ganun, Matagal ko na sanang nirequest yan sayo :'<

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon