~ Chapter Twenty Nine

23 1 0
                                    

Angie's POV

"Angie gumising ka na may pasok pa tayo ngayon."

"Last 10 mins."

Tinatamad talaga akong pumasok ngayon, matapos nung nangyari kagabi sa foundation day. UUAAAHHH! Hiyang-hiya na talaga ako. T__T

"Bakit parang tamad na tamad ka ngayon? Sayang angganda pa naman ng araw ngayon at mas maganda dapat para sayo." ^__^

Hay nandito na ko ngayon sa school at nakatambay. Si Carmi may klase na kaya ako nalang mag-isa ngayon. Kanina nga nung pagpasok namin, andaming tumitingin sakin pero di ko nalang pinansin. Maya-maya may lalaking lumapit sakin, siguro first year student.

"Ahmm, kayo po ba si Angela Ramirez?"

"Oo ako nga, bakit?"

"May nagpapabigay po kasi sa inyo nito." Sabay abot ng isang tangkay ng red rose sakin.

"Sandali lang-" tatanungin ko sana kung kanino galing yung rose kaya lang nakaalis na siya. May nakita akong maliit na papel na nakasabit sa rose.

Punta ka ngayon sa garden, may makikita kang maliit na red box dun then kunin mo yung nasa loob nun. :)

Ayun yung nakasulat dun sa  papel pero wala namang name na nakalagay kung kanino galing yung rose. Mabuti pa Angie, punta ka nalang dun sa garden para masagot yung tanong mo, pero pano kung dugu-dugu gang yon. UAAHHH! Ayoko pa, bata pa ko, marami pa kong gustong gawin sa buhay ko. Eh, pano naman kung importante? Anggulo! Bahala na nga, makapunta na ngang garden. Kapalaran ko na kung kapalaran ko talaga. 

Pagkapunta ko ng garden, himala walang tao kaya agad kong napansin yung maliit na red box dun sa may ilalim ng puno. Pagkabukas ko ng box, may nakalagay ulit dun na isa pang tangkay ng red rose at may nakasabit na namang maliit na papel. Binasa ko yung papel, nakalagay:

turn around...

ha? turn around daw?

ok, cge.. kaya nang pag-ikot ko..

o___o? "Allen?"

Nagulat ako dahil pag-ikot ko nasa harapan ko na si Allen, nakangiti siya sakin tapos sobrang lapit niya pa sakin. >////////< Kinuha niya yung isang kamay ko then binigay niya yung isang tangkay na red rose na hawak niya. Tatlo na ang rose na hawak ko ngayon pero teka si Allen? Bakit? Napansin ko na may papel din na nakasabit dun sa third rose na binigay niya.

I LOVE YOU ANGELA RAMIREZ, Please let me court you. :)))

Naguguluhan akong tumingin sa kanya, tapos yung puso ko, bakit parang abnormal yung heartbeat ko?!

"Angie naiintindihan ko kung bakit naguguluhan ka ngayon. Simula kasi nung maliliit pa tayo aso't pusa na ang turingan natin sa isa't-isa at kasalanan ko yun. Natatandaan mo ba nung una tayong nagkita sa may garden nung bata pa tayo? Yun din yung araw na inaway kita.

Oo natatandaan ko yun pero hindi ako sumagot, nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy siya sa pagsasalita. 

"Pinagsisihan ko hangggang ngayon kung bakit ko ginawa yun, imbes na mapalapit ako sayo, kinamuhian mo pa tuloy ako dahil sa ginawa ko."

"Nang bigla kang nawala sobra akong nalungkot kasi hindi man lang ako nakapag-sorry sayo."

"A-ayun lang ba? A-akala ko pa naman kung ano na yan. Ano ka ba? Okay lang yun, kalimutan na natin yung nangyari dati." ^___^

o_____o Nagulat na naman ako nang bigla niya akong yakapin. Sobrang higpit ng yakap niya. 

"Pero mas natakot ako, natakot ako kasi baka di na kita makita ulit.......

..........Kasi Angie mahal kita. Mahal na kita simula pa nung malilit pa tayo"

Sinapo niya ng palad niya yung magkabilang pisngi ko.

"Nung una kitang makita, nagustuhan na kita pero nang umalis ka, narealize ko na hindi pala kita gusto. Mahal na pala kita."

Niyakap niya ulit ako.

"Pero ngayong nagtagpo ulit tayo, hindi ko na sasayangin tong pagkakataong to. Angie, hayaan mong patunayan ko sayong mahal kita and this time, hayaan mong makabawi ako."

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon