~ Chapter Thirty Three

33 1 0
                                    

HAYYY Rest Day. Wala kaming pasok ngayon, Kakagising ko lang, pagkatapos maghilamos bumaba na ko, andun si Carmi sa kusina nagluluto, binati ko naman siya agad.

"Good Morning Carmi."

"Morning ^_^"

"Ang dami mo atang niluluto ngayon?"

"Ahh, haha yan ba, dadating kasi ngayon si Berms."

(Si John Bermudo pinsan ni Carmi na sa kung anung kinamacho ng pangalan niya eh siya namang kinalambot ng kilos niya.)

"Talaga? Bakit hindi niya man lang ako sinabihan, Kakatampo ah :/"

"Hay naku wag ka ng magtampo dun nagtitipid yun ng load, alam mu na, 15 pesos regular load niya umaabot din ng 15 days, isang text bawat araw."

"HAHA. Taghirap talaga ang buhay ngayon."

Mga ilang minuto biglang may narinig kaming tunog ng tricycle sa labas ng bahay. Kaya agad kong binuksan ang pinto. And huwaaw Its not a bird, not a plane, Its John Bermudo O________O

"Waaah ! Gela darling ikaw ba yan?"

"Oo ako to, Ikaw din ba yan John Bermudo?"

"HINDI ! Berms lang ang pangalan ko bruha ka."

"Grabe ang laki mo na. Kelan ka pa dumating?"

"Ay Hindi after 6 years lumiit ako, balik fetus.Kanina lang teh ^_^"

Bigla namang lumapit sa pinto si Carmi, kung saan ako nakapwesto, habang kinakausap si Berms.

"Oi Bermudo, Pumasok ka na nga para kang baliw diyan, sumisigaw sa may gate." sabi ni Carmi. Haha ay oo nga pala nakalimutan ko din kasi na pagbuksan ng gate to sa sobrang excitement. Kaya ayun nagsisigawan kami habang siya nasa labas tapos ako nasa may pinto ng bahay."

"Ui taray, walang pinagbago dito sa bahay ah." - berms

"Oh kain ka muna" - Carmi

agad kaming pumunta sa may dining room at doon nag-usap usap habang lumalamon si Berms.

"Nakakamiss ka Berms, kwento ka naman, kamusta buhay sa Korea?" tanong ko

"Ayun okay lang, daming papables ^_^"

"Talaga? Teka nakita mo na ba ng personal si Lee-min Ho?"

"Uh si Lee Min Ho baby, Oo naman kinausap pa nga niya ako eh."

"WOW talaga? O____O" Nagulat kami dun sa sinabi ni Berms Waaah Grabe eh patay na patay kami dun ni Carmi eh. Kyaaah Lee Min Ho O_O

Bigla naman ngumiti ng nakakaloko si Berms =___=

"Weeh baka pinagloloko mo lang kami Berms ah? sabi ko

"Tingin mo magsisinungaling ang mukhang to? Sa ganda kong to."

"OO Berms =_=" - Carmi

"OO nga kasi nakita ko na si Lee min ho ng personal >:DD"

"Huweeeh" sabay naming sabi ni Carmi

"Hala ayaw maniwala? Hinawakan niya pa nga ako eh."

"Ha? Panu? Kwento mo na nga Berms Naeexcite kami eh, pero pag yan di totoo humanda ka ng makatikim ng flying tsinelas." pagbabanta ni Carmi

"Kasi ganito yun..

FLASHBACK

First day ko ngayon sa trabaho bilang REYNA ng mga Janitors at Janitress. Kahit di bagay ang beauty ko dito kelangan, taghirap kami ngayon you know bigla kasing nalugi yung business nila mom and dad kaya ako eto gorah sa kahit anung trabaho, working student na ko. Hayy actually nabobored na ko sa ginagawa ko kaya ayun nilibang ko muna ang sarili ko habang naglilinis kumakanta kanta ako, kinakanta ko yung tong tong tong pakitong kitong na ibat iba ang ginagamit na vowels nasa E na nga ako eh

Teng Teng Peketeng keteng Alemenge

Se Deget Meleke et meserep

key herep helehen sepegket

Hay Bongga ! ang galing ko talaga kumanta. Nang bigla bigla nagulat ako My Golly O______O

Lee Min Ho isdatchu?

 "hwa-jang-shi-lee-eo-di-eh-i-sseo-yo?" [ Where is the rest room?]

O___________O Sa sobrang tulala ko wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko

O_O? "gwen-chahn-ah-yo?" [Are you okay?] sabi niya habang hinawakan ako sa braso.

O_________O My Gass I wanna die, Die Berms !  Die now!

Agad na lang nginuso ng kissable lips ko kung san banda yung restroom, nasa may bandang dulo lang naman yun. At nung nakatalikod na siya, nagpagulong gulong ako sa sahig sa sobrang kilig, at kung suswertehin ka pa naman, nakita ako ng supervisor dun na nagwawala sa sahig, akala nila sira ulo ako kaya ayun, I'm Fired xD

End of FLASHBACK

"Kyaaah !  Kaw na talaga Berms" - Carmi

"Grabe Kahit taga kuskos ng libag ni Lee Min Ho masaya na ko, mahawakan ko lang siya" :DDD

"HAHAHA ! Tama ka Gela darling, sa gwapo ba naman nun, naku kahit maging taga linis ako ng kubeta niya tatanggapin ko basta makasama ko lang siya sa condo niya :DD" - Berms

"Hihihi Agree !" - Carmi

"Pero teka lang, kayong dalawa, may mga boyplen na ba kayo huh?" Pag-usisa ni Berms sabay turo saming dalawa ni Carmi

"Ah- haha Ako wala!" sabi ni Carmi

"Wala ka diyan, eh anu mo si Charles?" sabi ko

"Edi BF !"

O___________O "BF? Wow Carmi Kumekerengkeng ka na din?"  - Berms

"BF as in Best Friend ! =__="

"Ahhh" sabay naming sabi ni Berms

"Eh ikaw naman Gela darling?" tanong sakin ni Berms. [Ngapla, Gela tawag sakin ni Berms, para maiba naman daw hindi puro Angie]

"Ahm ako wala noh"

"Huweeeh" sabay sabi ni Carmi

"Naku Berms wag kang maniwala diyan, may soon to be boyfriend yan." :D - Carmi

"Oi Carmi anung pinagsasabi mo diyan !"

"Aba sino naman yun Carmi ha? Curious much :D" - Berms

"Hoi Carmi wag ka nga, tsaka Berms adik ka wag kang magpaniwala diyan sa mga pinagsasabi ni Carmi."

"Ui Carmi, dali na sabihin mo na sino ba yun? Gwapo ba ha?"

"OO Berms Gwapo sobra, pang hearthrob"

"Anung name? Anung name?"

"Ian Allen Monteverde"

"Waaahy Ian Allen Monteverde isesearch ko yan sa facebook ! :D"

"Anak ng Tokwa kayong dalawa magsitigil nga kayo." sabi ko

"Hahay excited na kong dumalaw ng school niyo sa monday." -Berms

"Pupunta ka?" tnong ko

"Hindi lang basta pupunta, dun na kamo ako mag-aaral" xD

Napatalon naman kami sa tuwa dun ni Carmi, Excited much mukhang magiging masaya ang mga darating na araw. Sabi niya sa susunod na pasukan pa siya papasok ng U.P (University of the Polypphines) mag-entrance exam pa daw kasi siya kaya ganun. Dito na din pala titira sa bahay si Berms, inayos na namin ang kwarto para sa kanya, pagkatapos naman nun ay iginala namin siya ni Carmi sa mga malalapit na malls, at yun tuwang tuwa ang bruha :D

"Ui Bagay ba sakin to?" sabay kuha ng tube na red

"HINDI =_=" sabay naming sabi ni Carmi.

"Oh eto" yung hawak niya spaghetti strap dress.

"Tumigil ka na nga diyan Berms, pangRated SPG" =_= - Carmi

"Ang bad niyong dalawa T_T"

"HAHAHA ! Eh kase naman, wag na nga yan ang intindihin mo, tara na't umuwi na tayo."

Mga ilang oras lang kami dun, pagkatapos nun ay umuwi na kami sa bahay. Wahahay Nakakapagod pero Naenjoy namin, nakakatuwang mag Window Shopping lalo na at  kung si Berms ang kasama. Nakakaloka. Buti na lang walang pasok bukas, makakapagpahinga ako ng bongga.

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon