~ Chapter Forty Four

19 1 0
                                    

Angie's POV

1 week na ang nakalipas simula nang maaksidente si Allen, Hindi ko pa siya nakakausap ng matino, dinadalaw ko siya pero palagi niya naman akong pinapaalis, hindi niya naman daw kasi ako kilala, minsan nga naiiyak ako sa harap niya hindi ko mapigilan kasi naman ang sakit eh. Masakit sakin na nakikita siya sa ganung kalagayan, lalo na't hindi niya ko naaalala. Hindi ko alam ang gagawin ko, panu kung hindi niya na ko matandaan? panu kong tuluyan niya na kong makalimutan? Pero hindi, Hindi ako pwedeng sumuko, gagawa ako ng paraan.

"Angie!" si Carmi tumatakbo palapit sakin.

"Bakit? May problema ba? Hingal na hingal ka kakatakbo."

"Hah Hah, A-Angie si hAllen pumasok na siya."

"Ha? Asan siya?"

"hAndun sa may SC's Office."

Agad naman akong tumakbo sa SC's office, at yun, andun nga siya.

"Girl, grabe alam mo bang nabalitang naaksidente yang si Papa Allen, pero tingnan mo naman gwapo pa din"

"Oo nga eh, naku baka dahil sakin kaya pinilit niyang makaligtas ^_^"

"Tse Hindi noh, Asa ka mas bagay kami noh."

Nakita ko siyang nakaupo, medyo nahirapan pa nga ako makalapit sa kanya eh panu ba naman ang daming nakaharang sa may pinto. Pagkapasok ko, agad kong sinara yung pinto, na siya namang kinainis ng ibang nasa labas.

"Ay anu ba ! Sinong nagsara ng pinto"

"Ano ba yan!"

"Pasensiya na pero kelangan kong makausap ngayon si Allen ng solo." sigaw ko

Nakita ko namang gulat yung expression ng mukha niya na may halong pagkainis, Oo alam kong nakukulitan na siya sakin pero, bahala siya basta  kelangan niya kong maalala !

*sigh*

"A-allen"

"Ano nanaman bang kailangan mo!?"

"Allen, please let's talk"

"How many times should I tell you that--"

Pinutol ko yung sinabi niya alam ko na naman yun eh, sasabihin niya nanaman na hindi niya ko kilala, at wala siyang pakialam sakin, tigilan ko na siya kasi hindi siya interesado sakin etc. etc.

"A-allen, ako to si Angie, Angela Ramirez, nakalimutan mo na ba yun, magkaklase tayo nung elementary tapos magkagalit pa tayo nun, magkaribal sa top position, ako yung taong laging inaaway, sinisigawan at inaasar mo, lalo na ngayong nagcollege tayo pero biglang nagbago ang lahat .. ako .. a-ko, yung taong lagi mong pinapatahan pag umiiyak, lagi mong nililibre pag bro-broken hearted .. "

Gusto nang tumulo ng luha ko habang sinasabi ko yun

"Ako yung, yung unang taong nagdala sayo sa star city, sa jollibee .. sa --

Pinutol niya yung sinabi ko..

"Shut up!"

"A-allen naman eh" at this time hindi na napigilang tumulo ng mga luha ko. "A-llen, hindi mo ba natatandaan? ako to si Angie, Please, Please lang alalahanin mo naman ako ..."

Napaiyak nanaman ako sa harapan niya. Hindi ko talaga kasi mapigilan. Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Sorry, pero wala akong matandaang Angela Ramirez” he told me without even looking at me, pagkatapos nun lumabas siya sa office.

"Anu bang dapat kong gawin .. A-llen .."

Pumasok na ko sa klase namin, yung professor namin pinagalitan pa ko kasi late daw ako, next time daw hindi na siya tatanggap ng late.

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon