~ Chapter Sixteen

39 1 0
                                    

Khristian's POV

Aba two days ko nang di nakikita dito si Allen ah, Diba dapat lagi siyang present? Pagkatapos niyang manalo bilang presidente ng SC eh

parang naging matamlay at mailap siya ngayon. Hindi kaya nagkasakit yun ? HEART ACHE :P

Haha mapuntahan nga sa bahay niya ...

Mga ilang oras lang din ay nakarating na ko sa harap ng bahay ni Allen. Nagdorbell na ko sa gate. Grabe ang laki pa din ng bahay na

tinutuluyan niya at meron pa ding mga maids. Parang hindi naman siya naglayas nito, para lang siyang nagbakasyon. (^_^)V

"Good Afternoon po, Mr. Khristian." bati sakin ng mga maids niya, pagpasok ko ng bahay ni Allen.

"Ahm, andyan ba ngayon si Allen?"

"Opo. Nasa taas po siya ngayon sa may kwarto niya. Ang totoo nga po niyan dalawang araw na din po siyang hindi lumalabas ng kwarto niya eh."

malungkot na pagkakasabi ng maid niya.

"Ilang araw na din po siyang kumakain." sabat ng isang maid.

"Haay, Ok sige thanks, ako ng bahala bubuhatin ko siya dito pababa kung kinakailangan."

Umakyat na ko sa taas. Kakatukin ko na sana yung pinto ng kwarto niya. Nang sakto bigla ding nagbukas ito.

"Oh? HAHA. Lumabas din sa wakas, Sakto. Talagang nararamdaman mong andito ang bespren mo." (^_^) V

"Tss. Tumahimik ka na diyan."

Bigla siyang bumaba. Sinundan ko na lang. Haha dumiretso siya sa may kusina nila. Mukhang gutom na gutom na nga to.

"Ipagluto mo ko ng rosted beef, tsaka chicken mozerrella cheese, Chili Pepper Rice.

Magtimpla ka na din ng juice para sa aming dalawa." utos niya sa maid niya.

"Hahaha. Nagutom ka din. Ano ba kasi ang nangyare at parang nag-iba ata yung prinsipyo mo sa buhay ngayong mga nagdaang araw."

"Hindi magagandang pangyayare, Khristian, Tss, ayoko na maalala."

"Ahh, mukhang alam ko na. Tungkol kay Ms.A"

"Nakakaasar talaga yung nangyaring yun."

"Bakit ba hindi ka na lang kasi humanap diyan ng iba, ang daming naghahabol sayo diyang mga magaganda, mayayaman at sexyng babae, lalo

na si ..."

"Tss ! Shut up. Dont you ever state her name infront of my face !"

"HAHAHA ! Okay hindi na. Pero Allen, bakit ba kasi ang tigas ng ulo ng puso mo? Ilang taon na ang lumipas nun ah."

"Ewan ko ba. Tss Tama na nga to kumain na tayo."

Sinerve na ng mga maid niya yung mga pagkain na nirequest niya. Haha nakakatawa lang ang dami niyang nakain. Kala mo hindi kumain ng dalawang

linggo, eh halos ubos na nga yung mga pagkain eh. Pagkatapos namin kumain niyaya niya kong maglaro ng barbie doll JOKE ! Nang mga kung anu

anung laro sa computer niya. Mukhang bumabalik na din siya sa dati kahit papaanu.

"Oh yan. Haha Ang weak mo naman Khristian ! Ayusin mo nga !"

"Haha. Yabang" sabi ko.

"Ah teka, Allen, papasok ka na ba bukas?" tanong ko

"OO. Wag ka na maingay diyan, magfocus ka, masisira ko na base mo oh"

"HAHA. OO na, ikaw na! Babawi ako sa susunod, kala mo humanda ka!"

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon