~ Chapter Eight

49 1 0
                                    

"Naglayas ako ng bahay eh"

"Ha? Anu ? Bakit?"

Nagulat ako dun sa sinabi niya, Adik ba to bakit niya naman ginawa yun? Anung pumasok sa utak ng isang to?

"Basta."

"Anung basta. Bakit nga?"

"Bakit ba kelangan pati yun sabihin ko pa?"

"Ahm, Nakakapagtaka naman kase eh. Napaka-istrikto ng nanay mo diba. Panu ka nakatakas ng ganun?"

"Eh di, nag mala-ninja ako para makawala sa kanila."

"Anu? Eh diba unico hijo ka. Ikaw ang tagapagmana nila, malamang hinahanap ka na nila."

"Siguro nga."

Hayy, walang kwenta namang kausap to =_______= Pero bakit siya lumayas ? Sigurado Yari sya sa magulang niya pag nahanap siya.

Naku tandang tanda ko pa itsura ng mama niya nun nung bata pa ko. May isang malaking event kase nun kasama sila mom at dad

syempre sinama na din nila ako, Grabe unang kita ko pa lang dun parang mangangain ng tao yung mukha niya, yung mga mata niya

nanlilisik na ewan waay boses pa lang niya nakakapanginig na :-{ Pero yung Papa niya ang hindi ko pa nakikita.

"Eh kung lumayas ka at hindi ka pa nakikita ng nanay mo, eh san ka kumukuha ng pera mo pantustos sa pag-aaral mo?"

"Sa Daddy ko."

".____.? So, kasabwat mo pala yung tatay mo. Wow ang bait pala ng tatay mo?"

"Ganun na nga."

"Psh, teka eh asan ba yung tatay mo? Parang bihira ko lang kase din siya makita ang kadalasan ko kaseng nakikita sa tv,

magazines, newspaper etc. eh yung nanay mo? Di ba sila close?"

"Fixed marriage"

"ahhh, gets ko na." Sagot ko.

Ganun talaga pag mayayaman. Pero grabe lang ha, ang bongga ng nanay niya, takot din sa kanya yung tatay ni Allen. Waahay, :/

Natapos na din kami kumain, nagpaalam na siya nun may dadaanan pa daw kase siya, kaya nauna na siya. Hayy minsan ang suplado

niya minsan ang bait niya napaka moody niya. Pero salamat pa din ng madami sa kanya :'>>

He is really my knight in shining armor.

"Angie, san ka galing? Ginabi ka nanaman ah"

Tanong ni Carmi, Andito na kase ako ngayon sa bahay..

"Ah, wala diyan lang, teka ayos ka na ba?"

"ahm, okay na ko. Kaya ko naman eh :]"

"Hahayy :] Yan ang fighting spirit ng kaibigan ko :))"

"Oh, kumain ka na ba? Magluluto ako"

"Naku, Carmi wag na katatapos ko lang, salamat na lang, ay teka nga pala, eto oh kahapon ko pa sana ibibigay sayo to

kaya lang medyo wala ka nun sa mood" Inabot ko sa kanya yung binili kong Blue Magic na teddy bear.

":> Wow ang cute Angie, Salamat ah :'>>>"

"Haha, Welcome, basta ikaw, wag ka na masyado malungkot ha, Sige tulog na ko, Nayt :'>"

Paakyat na sana ako nun nang biglang may sinabi si Carmi ...

"Teka, angie kani-kanina lang nakita ko si Shone sa labas ng bahay. Mukhang alalang-alala yung itsura ng mukha niya"

"Ha? Si Shone?"

"Oo nga, Tapos mga ilang minuto lang din umalis na siya, nu problema nung ex mo?"

"Ahh" Ayoko mag-isip nang kung anu, "Baka napadaan lang siya Carmi"

"Oh? Siguro nga. O baka naman ikaw ang dinadaanan :D Hehe"

"Tss. Nang-asar pa, kala ko ba BH ka, Diba dapat nag-e-emo ka"

"Kainis naman to eh, pinaalala pa saken, oh sya sige na nga umakyat ka na dun sa taas, hayzz :(("

"haha ! Nakakatawa ka talaga Carmi, Sige babush"

"Teka, last na."

"anu nanaman?"

"Si Allen, tumawag kanina."

"Ha?" Ay oo nga pala naiwan ko phone ko kanina pag-alis ko ng bahay.

"Oh? Bakit daw?"

"Miss ka na daw niya"

"Ahh, ganun ba"

Teka ... Yung utak ko naglo-loading

10% ....

50% ....

85% ....

97% ....

100% ...

O___________O

"HA? ANO ULIT YUN ?"

"Miss ka na daw niya"

"Miss ka na daw niya"

"Miss ka na daw niya"

"BWAHAHAHHAhHAHa !" Biglang tumawa ng ganito si Carmi ----> >:DD Hala nasapian?

"Anu ba Carmi nakakagulat ka naman eh !"

"Haha Joke lang yun" (^_____^)V

"Waaah  =_= ! Adik ka talaga Carmi, kaasar ka!"

"Haha, Ayieh, teka Angie ganu karaming blush on ba yung nilagay mo sa mukha mo at pulang pula?" :D

"Psh ! Ewan ko sayo ! BROKEN HEARTED" :P Bleh

"Hweee, Allen" :P

Mukhang Ewan lang si Carmi, Adik langs. Hayy. pero anu nanaman ba problema nun ni Shone? Hayy, hayaan na lang natin sya,

ayoko na mag-isip. Pagod na ko sobra >>_____<< tulog na ....

TEKA lang, hindi ako makatulog ...

"Miss ka na daw niya"

"Miss ka na daw niya"

"Miss ka na daw niya"

O_________O ? Ay ang kulit ? Unlimited ? Tss. Bakit ko ba naiisip yun eh hindi naman talaga niya sinabi yun.

Pero nakakapanibago lang, ngayon ko lang talaga nakakausap ng ganun si Allen, matagal na kami magkakilala niyan simula

nung bata pa pero hindi kami masyadong nag-uusap ng ganun. Palage kase kaming nag-aaway nun laging nauumpisahan ng bulyawan

hanggang sa mgakapikunan, at yun pinagsusumpa namin ang isat-isa, para kaming mga bata.

At least ngayon, kahit papa-anu hindi na kami masyadong ganun, mabait din naman pala siya kahit napaka suplado. :'>

Ahhhh @____@ ngayon dinadapuan na ko ng antok ..

"Kundi ka lang kase sana Abno Allen, baka ikaw sana. Joke lang. xD"

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon