~ Chapter Fifty Six

29 2 0
                                    

Angie's POV

“Allen, malayo pa ba tayo? Andilim, aalisin ko na tong blind fold ko, sige ka” banta ko sa kanya

o______o “H-hoy! Ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga ako!” nagulat ako nang bigla niya na lang akong pinangko

“Okay, nandito na tayo! At the count of five pwede mo nang alisin ang blind fold mo”

“Okay”

“Five”

“Four”

“Three”

“Two”

“One”

Tinanggal ko na ang blind fold sa mata ko at nagulat ako nang biglang umilaw ang paligid Napagtanto ko ring nasa gitna pala ako ng isang malaking hugis na heart na nagliliwanag. Napakakulay at nagniningning ang paligid, napakarami ring mga bulaklak sa paligid Napakaromantic ng lugar na ito, napatingin ako kay Allen na ngayon ay nakatayo sa isang mini stage at kasama ang kanyang,,,, banda? Bakit, anong meron?

Oh I almost forgot, ang Infinity, ang band nila Allen ay isa na ngayon sa mga pinakasikat at pinagkakaguluhang international bands sa buong mundo  ^_^

"Forever can never be long enough for me

Feel like I’ve had long enough with you

Forget the world now we won’t let them see

But there’s one thing left to do

Now that the weight has lifted

Love has surely shifted my way

Habang kumakanta ay bigla na lang siyang bumaba para puntahan ako. At nung nasa harapan ko na siya hinawakan niya ang kamay ko at tumingin siya sa mga mata ko.

Marry Me

Today and every day

Marry Me

If I ever get the nerve to say

Hello in this cafe

Say you will

Mm-hmm

Say you will

Mm-hmm"

Bigla tuloy bumalik sa alaala ko ilang taon na ang nakalipas, noong hinarana niya ako nung foundation day namin Kung ano yung naramdaman ko noon ay katulad din ng nararamdaman ko ngayong mga sandaling ito

At ngayong nasa harapan ko siya, parang gusto kong atakihin sa puso sa sobrang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko

“Please marry me Angela” lumuhod siya sa harap ko at may inilabas na isang maliit na box, binuksan niya iyon at bumungad sakin ang isang napakandang diamond ring

Habang nakaluhod siya hindi mapigilan ng luha kong tumulo, Hindi ko akalain na pagkatapos ng lahat ng pagsubok na dumaan sa amin ay aabot kami sa ganito.

“Yes I will marry you!” napakasaya ko ngayon, hinding-hindi ko malilimutan itong gabing ito Feeling ako na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo Nagulat ako nang buhatin ako ni Allen matapos niyang isuot sakin yung singsing

“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, wala ng bawian to ah”

“Haha! Oo, wala na talagang bawian!”

“Wait, nasaan yung graduation gift na ibnigay ko sayo?”

“Eto ba?” sabay inilabas ko mula sa bulsa ko yung susing ibinigay niya sakin bago siya umalis “Alam mo ba palagi ko tong dala kahit saan man ako pumunta.”

“I’m glad you keep it”

“Siyempre naman, regalo mo sakin to eh, since hindi kita natanong noon, ngayon tatanungin na kita, bakit susi?” Hanggang ngayon eh nagtataka parin ako kung bakit susi ang naisipan niyang ibigay sakin bilang graduation gift

“Ang susing hawak mo ngayon ay ang susi ng magiging bahay natin Angie, Do you still remember the house, yung tinuluyan ko nang maglayas ako samin? Natatandaan ko pa nung sabihin mong gusto mong magkaroon ng ganoong bahay someday, and now I’ts already yours”

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon, ibig sabihin dati niya pa balak lahat ng to? niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit at napaiyak na lang ako sa sobrang galak na nadarama ko

Habang patuloy sa pagkanta ang Infinity band eh kami naman ni Allen ay sumasabay sa tugtog. Napakasaya ko talaga, wala na siguro akong ibang mahihiling bukod pa dito.

..............

Ngayong nasa akin na ang lalaking pinakamamahal ko. :))

,,,,,,,

“Napakaganda pa rin dito” Kahit kelan eh hinding-hindi ako magsasawang panoorin ang paglubog ng araw

“Bukas Allen, panoorin naman natin ang pagsikat ng araw”

“Sure, basta ba sabi ng asawa ko, kahit kelan pupunta tayo dito.”

Ikinasal kami ni Allen one year after niyang magpropose sakin at ito ang unang araw namin bilang mag-asawa.

Nakakatuwa lang kasi ang dami talagang nangyari ng hindi mo inaasahan at sadyang napaka mapaglaro talaga ng tadhana. Yung taong kinamumuhian  mo noon ay ang taong makapagbibigay pala sayo ng walang hanggang kaligayahan at makakasama mo ngayon, hanggang sa pagtanda at maging sa huling sandali ng iyong buhay.

---The End

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon