~ Chapter Forty Six

26 1 0
                                    

Sabi nila, ang isang tao kung hindi madaan sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan. Eto na yung last weapon ko para kay Allen. Sabi ni Carmi bukas daw yung Engagement party nila ni Vera. Tapos after 1 week yung kasal na nila. Oo masakit pa din sakin yung mga nangyayari pero walang mangyayari kung iiyak na lang ako ng iiyak.

"Angie ! Okay na nasa SC's office na si Allen."

Si Carmi yun, bale kasi balak nilang ikulong kami ni Allen sa Sc's office para makapag-usap ng matagal.

"Punta ka na dun Angie." Si Khristian naman yun

Malapit na ko sa SC's room, eto na kelangan magawa ko ng ipaalala sa kanya ang lahat, pumasok na ko nakita ko namang galit yung expression ng mukha niya, OO GALIT kung dati GULAT ngayon GALIT na siya. Pikon na Pikon na nga sakin eh.

"Ah- Hi" yan na lang ang nasabi ko medyo, kinakabahan pa kasi ako. Hindi niya naman ako pinansin at lunakad siya papunta ng pinto, siguro para lumabas na pero sorry siya ...

TukkssssHH

Biglang kumalabog yung pinto, that means na lock na nila..

"What the Heck! Hey open the door!"

Kinakalabog niya yung pinto, sinisipa niya na nga eh, pero wa epek hindi yan mabubuksan, Asa ka.

Tumigil na siya sa pag wawala dun sa pinto, bigla naman siyang lumapit sakin

"Is this all your plan!?"

Grabe ganun ba pag nagka amnesia, kelangan english speaking na? nakakadugo ng ilong.

"Oi,oi wag mo nga kong pagbintangan diyan, wala akong alam dito noh" halata sa mukha niyang nagpipigil siya ng galit, baka imbis na mabuti ang kalabasan nitong plano namin eh baka masapak pa ko nito =___=

"Sh**"

"Oi makamura, diba sabi mo sakin dati masama ang nagmumura?"

"tss, at kelan naman tayo naging close para sabihan kita nun?!" Nagtagalog din =______="

"Dati nung umiiyak ako sa ex boyfriend ko, nasa rooftop pa nga tayo nun eh."

Umupo siya sa may sulok, mukhang napagod siya kakatulak ng pinto kanina, umupo naman ako sa tabi niya tiningnan niya lang ako ng masama pero hindi ko siya pinansin.

"Hanggang kelan mo ba balak gawin to?"

"Hanggang sa maalala mo ko."

"Bakit ba hindi mo nalang kasi ako hayaan? Mabuhay ka na lang na parang hindi mo ko nakilala."

*sigh*

"Hindi pwede, kasi may pangako akong kelangan kong tuparin sayo."

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Kasi makulit ka din."

"What?"

"Haha, alam mo bang, namimiss na kita."

Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko, Ewan ko din ba kung bakit ko biglang nasabi yun.

Tumahimik yung paligid, wala ni isang nagsasalita sa amin.

Naninikip yung dibdib ko, ansakit lang kasi Akala ko makakaya kong hindi umiyak sa harapan niya ngayon pero tuluyan nang umagos ang mga luha ko Anlabo na ng paningin ko dahil sa sunud-sunod na pagtulo ng mga luha ko

"T-talaga bang wala kang maalala?"

Hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sakin Halata sa mukha niya ang pagkalito pero hindi na mababakas sa mukha niya na naiinis siya tulad ng nakita ko kanina nang makulong kami Parang naaawa na ewan ang expression ng mukha niya, tumawa ako ng pilit kahit na patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko 

"h-huwag kang tumingin ng ganyan sakin Allen, huwag kang tumingin sakin na para bang awang-awa ka sakin H-hindi iyan ang gusto kong maramdaman mo para sakin"

Nanatili pa rin siyang walang imik.

"S-siguro tuluyan mo na nga akong binura sa buhay mo" sabay ngiti ng pilit Nagulat siya nang mula sa bulsa ko eh inilabas ko yung bracelet na ibinigay ng lola niya para sakin

"K-kay lola yan ah, p-papano napunta yan sayo?"

Tumawa ulit ako ng pilit "Buti pa yung bracelet naaalala mo, eto o" 

"isosoli ko na sa lola mo tong bracelet, ikaw na lang magbigay, wala akong pamasahe papunta ng Hawaii eh"

Natatawa ako na ewan sa sarili ko, nagagawa ko pang ngumiti, tumawa at magbiro kahit na durog na durog na ang puso ko

"Pakisabi na lang sa kanya na salamat dahil sa akin niya ipinagkatiwala tong bracelet niya pero hindi ko na ito matatanggap pa 

Hindi ko na maisusuot tong bracelet na to Noong nasa ilog tayo, yun din yung araw na ibinigay mo sakin to, ang sabi mo sakin, ang babaeng pinakamamahal mo lang ang pwedeng magsuot nito kaya naisip kong hindi na to nararapat para sakin Siguro dati pero hindi na ngayon"

Naguguluhan parin siya sa mga sinasabi ko Inabot ko sa kanya yung bracelet

"Pero kung sakaling maalala mo na ako at gusto mong ibalik ulit sakin iyang bracelet, tatanggapin ko parin yan ng buong puso Kung sakaling maalala mo na ko, bukas sa Sun River, hihintayin kita hanggang paglubog ng araw Pasensya ka na, alam kong naguguluhan at nakukulitan ka na sakin pero promise ko sayo bukas pag lumubog ang araw at hindi ka na dumating, hindi na rin kita kukulitin kahit kailan"

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon