Angie's POV
Sabi ko na nga ba, dapat hindi na lang ako pumasok
Nandito ako ngayon sa room namin para sa first class namin pero hindi pa man nagsisimula ang klase eh gustung-gusto ko nang umuwi
kanina habang naglalakad kami ni Carmi pagpasok Pinagtitinginan ako ng mga estudyante Kung nakakasakit lang yung mga tinging
ibinibigay nila sakin eh siguro isinugod na ko sa ospital ngayon, may mga nagbubulungan din at halata namang ako ang pinag-uusapan
nila
Ramdam ko ring ilag ang mga classmates ko sakin Halos lahat kasi ng classmates ko ay kasundo ko pero ngayon, ni isa walang gustong
lumapit sakin na parang hindi nila ako kilala except kay Carmi na katabi ko ngayon
"Angie wag kang mag-alala maaayos din to, at nandito lang ako lagi sa tabi mo" si Carmi
"salamat Carmi" sabay hinawakan ko yung kamay niya Sana nga Carmi maayos na ang lahat
Tahimik lang kami ni Carmi g naghihintay para sa first class namin nang may mapadaan o sadyang dumaang grupo ng mga babae sa room
namin
"AHAHAHA! Oh! Look, who's here?"
"OMG!"
"Siya yun di ba?"
"Flirt"
"mang-aagaw"
"kayo dyan, tumigil nga kayo!" lumabas si Carmi para lapitan ang grupo
"Carmi pabayaan mo na sila" lumapit na rin ako para awatin si Carmi
"Mag-iingat kayo sa mga binibitiwan niyong salita, hindi niyo alam ang katotohanan"
"Katotohanan? bakit, meron pa ba kaming hindi nalalaman?"
"i-share mo naman samin Angela"
Ayoko na!
"Angie! San ka pupunta?! Kasalanan niyong lahat ng to!"
hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang ay makalayo sa mga tao, gusto kong mapag-isa
Hinihingal na ko sa pagtakbo pero ayokong huminto hanggang meron pa rin akong nakikitang tao sa paligid ko
"Ahh!"
"S-Sorry miss"
"No i-it's okay"
"Angie?"
o____o
"S-Shone?"
"Wait! Angie!"
Ewan ko ba, nung makita ko si Shone eh lalo lang akong napatakbo ng mabilis Natakot lang ako na baka pati si Shone ay galit sakin
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino ba talaga ang may gawa lahat ng ito Napahinto na lang ako nang makarating ako sa
may garden Dito na lang muna ako, ayokong pumasok sa klase gusto kong mapag-isa
"Angie?"
"Allen"
Agad na lumapit sakin si Allen at niyakap ako
"Are you okay?"
"Oo, okay na ko ngayong nandito ka na sa tabi ko" kapag kasama ko si Allen feeling ko ligtas na ligtas ako, na walang pwedeng
umaway at manakit sakin Naramdaman kong hinalikan niya ko sa ulo
"Hinding-hindi kita pababayaan Huwag kang mag-alala, maaayos na rin ang lahat"
"P-pero papaano?"
"Alam ko na kung sino ang may pakana ng lahat ng to" biglang nagalit yung expression ng mukha niya
"ha? Sino?"
"Si Vera"
"Ako nang bahala Angie, Ako nang aayos nito wag ka ng mag-alala bukas na bukas din matatapos na to." sabi ni Allen.