~ ChapterTwenty

40 1 0
                                    

Click*

Click*

Click*

"Okay tapos na Ms.Euphie. Yung susunod naman!"

Hindi nga pala ako pumasok ngayong araw, Kelangan daw kase ng model ngayon sabi ni Tita Mara, sayang naman yung bayad tsaka wala naman kaming

masyadong gagawin ngayon sa school. Mamaya pupunta ako ng MOA para kay Shone. Teka 2:00 na tutal tapos na aalis na din pala ako.

"Alis na po ako Tita Mara, may pupuntahan pa po kase ako."

"Oh sige hija, ingat ha"

"Opo."

Dali-dali na kong sumakay ng bus pa MOA. Mga isang oras din yung biyahe, ayun nakarating din ako. Hinanap ko agad si Shone, asan na ba yun?

(O_o )( O_O).

"Haha late ka"

"huh? Shone, kaw na pala yan, Sorry."

"Okay lang, galing ka kay tita Mara tama ba?"

"Ahm, Oo, Panu mo nalaman?" O___O ?

"Haha,Tara na."

Hindi niya sinagot yung tanong ko bigla niya na lang hinigit yung kamay ko papasok ng mall. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad, ako naman

nakatingin lang sa kanya habang hila hila niya yung kamay ko.

"Ahm, Shone, teka san ba tayo pupunta?"

"Ah, haha sorry di ko nasabi agad sayo, bibili ako ng regalo, remembrance."

"Ah, may birthday?"

"Hindi."

"Ha? Eh para saan?"

"Kay Misha, Despedida party niya mamaya, hindi ka ba pupunta.?"

Ay oo nga pala ininvite ako ni Misha nun dati para sa despedida party niya naku naman nakalimutan ko pa. Hayy, ang paalam ko pa naman kanina

kaya hindi ako pumasok kase masama yung pakiramdam ko tapos pag dating sa party pupunta ako, anu un biglang nawala? =_= Di bale na nga lang

para kay Misha pupunta ako.

"Ah, OO pupunta ako, ahm anu namang bibilhin mong regalo?"

"Ahm, siguro make-up kit, tingin ko kase mahilig ang mga babae dun, kaya siguro naman magugustuhan niya yun."

"Ah, parang alam ko na, nahihiya ka bang bumili ng make-up kit kaya sinama mo ko?"

"Haha, hindi naman sa ganun, gusto ko lang din kasi ng kasama" ^_^

At ayun na nga, bumili kami ng make-up kit para kay Misha, ako naman clip and cute na headband yung binili ko, kahit ako nga parang gusto ko

din to eh, ang kaso di na kasya budget ko para bumili pa ng isa. =_=

Paalis na sana kami nun ng may ihabol si Shone.

"Miss eto, pa pakisama nadin pala to."

Pagtingin ko, yung headband na pinapantasya ko yun ah, bumili din siya ng isa, Hayy .___.  Malamang naman hindi siya ang magsusuot nun, may

pagbibigyan siguro siyang special someone Ang swerte naman ng pagbibigyan ni Shone nun :3

"Oh" sabay abot saken nung headband na nakaplastic.

"Ha?"

"Sayo, yan."

"Ha? talaga ? (*A*) Salamat Shone." :)))

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon