~ Chapter Fifty Three

25 1 0
                                    

Angie's POV

Nandito ulit kami ni Allen sa Sun River para panoorin ang paglubog ng araw Napakabilis talaga ng panahon, noon ay freshmen lang kami pero bukas graduation na naming Nakakalungkot na nakakatuwa lang, anggulo lang pero lahat kami ayun ang nararamdaman Masaya kami sa kaalamang nakalagpas at makakapagtapos na rin kami sa pag-aaral, malungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na ang karamihan samin upang harapin ang mga sari-sariling career

“Allen, ano nga pala yung sasabihin mo sakin ngayon?”

“I have a good news and a bad news, which do you want me to tell first?”

“Pwede bang yung good news lang ang sabihin mo saki?, sarilihin mo na lang yung bad news mo”

“haha, Silly” hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting nakikita ko sa mukha niya ngayon, bigla tuloy akong kinabahan idagdag mo pa na may sasabihin siyang hindi magandang balita

“Bakit ba? Pwede naman yun ah, good news na lang ang sabihin mo” pagbibiro ko para mapalis ang kabang nararamdaman ko Ginulo niya lang yung buhok ko

“Sige na nga Tell me the good news first”

“okay, ahhm wala ng engagement party na magaganap Pumayag na si mama na ako ang pumili sa babaeng pakakasalan ko at si Vera, bumalik na siya sa States Angie, malaya na tayo” J

Sa sobrang tuwa ko eh, napayakap ako sa kanya Niyakap niya rin ako ng mahigpit pero parang may kakaiba dun sa yakap niya kaya napakalas ako sa kanya

“Eh a-ano naman yung  bad news?” tanong ko kahit na kinakabahan na talaga ako

“Angie, I’m leaving”

...........................

“tahan na, huwag ka ng umiyak please Alam mo namang ayokong umiiyak ka”

Sobrang nasorpresa talaga ako Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot sa lahat ng nalaman ko ngayon

“Kailan ka babalik?”

“Hindi ko alam kung kalian ako makakabalik pero I’ll promise babalik ako para sayo Please wait for me Angie”

“Oo, hihintayin kita” masakit man pero kanakailangan Kailangang patunayan ni Allen sa mama niya na kaya niyang pamahalaan ang business nila sa kanyang sariling pamamaraan

“Thanks Angie” sabay halik sa noo ko, then kinuha niya yung kamay kong may suot na bracelet na ibinigay ng lola niya “Huwag mong tatanggalin sa kamay mo to ah, gusto ko pagbalik ko suot mo parin yan”

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon