~ Chapter Twenty Four

48 1 0
                                    

 Allen's POV

Hindi ko alam pero pagkatapos ng araw na yun may mga bagay akong napag-isip-isip, oras na din siguro para aminin ko, baka kasi magsisi nanaman ako bandang huli pero pano? Anong dapat kong gawin?

"Malalim atang iniisip natin ah"

"HA?" Si Khristian pala yun, ano naman kayang ginagawa nito dito? Bigla bigla na lang sumusulpot.

"Ang sarap talagang magmuni muni dito sa garden niyo. ^_^"

"Ano bang ginagawa mo dito sa bahay? Hindi ka ba hinaharang ng mga guards?"

"HAHA. Bakit naman eh kilala naman nila ako noh."

"Tss. Nga pala, kamusta na kayo ni Mary? Ahm Martha?, No, It's Marimar ba? Ano nga bang pangalan ng gf mo? I forgot.

"Ilang beses ko ng nababanggit sayo yung pangalan niya ah pero hindi mo pa din tinatandaan. Margareth bro."

"Ahh, Margareth, so kamusta naman kayo?"

"Ayos lang naman may mga bagay lang kami na hindi napagkakasunduan."

"Baliw ka kasi, namamangka ka sa dalawang ilog."

"Hey, hey wala lang yung samin ni Kate, were just friends."

"Oh Kate. Sino naman si Kate? Chics mo? :D"

"Sira. Ikaw dapat ang topic hindi ako."

"HAHAHAH"

"Ano na pa lang balak mo?

"Saan?"

"Senyo ni ms.A?"

"Ahh.. Hindi ko alam."

"Malapit na Foundation Day ah."

"Oh, bakit?"

"Grabe pre ang energetic mo kausap -___-. Wala ka bang gustong gawin sa F.D? Sayang yung timing."

Napaisip ako sa sinabi ni Khristian. Foundation Day? Bakit nga ba hindi ko naisip yun? Nagkakaroon tuloy ako ng ideas sa sinabi niya.

"Khristian, pwede mo ba akong tulungan?"

"Ha? Sure, tungkol saan ba yun?"

"Marunong ka mag-drums?"

"Syempre, expert ako dun, nakalimutan mo na ba may banda ako?"

"Umalis ka na sa banda mo, bumuo tayo ng bago."

"Ha? anong pumasok sa isip mo at pabigla bigla ka ata?"

"Basta,Gawin mo na lang yung sinasabi ko"

"Ohh Okay.Your wish is my command"

Angie's POV

Grabe, hindi maganda yung pakiramdam ko, ang init ng buong katawan ko, ang sakit pa ng ulo ko, papasok pa ko mamaya >_<  wrong timing naman T_T mukhang mapapa-absent ata ako ngayong araw.

"Ui Angie, Ok ka lang?"

"Carmi .. :(("

"Mukhang matamlay ka ah, teka nga matingnan nga." Inilagay ni Carmi yung kamay niya sa noo ko.

"Ang init mo Angie, nilalagnat ka. Naku, wag ka na muna pumasok at magpahinga ka na muna dito sa bahay."

"Yun na nga ang balak kong gawin Carmi. Balitaan mo na lang ako sa mga pag-uusapan niyo sa meeting tungkol sa F.D"

"Oo sige, basta dito ka muna ka ha, wag ka na muna masyadong magkikilos at baka mabinat ka, dadalhan na lang kita mamaya ng pasalubong."

"Thanks Carmi, Sige na lumakad ka na baka malate ka pa."

"Sige, Bye"

Bumaba na si Carmi, Ako na lang mag-isa dito ngayon sa bahay. Ang bigat naman ng pakiramdam ko, Hindi din ako mapakali kaya bumaba na ko at nanuod muna ng t.v. Natuwa naman ako sa pinanuod ko Doraemon kasi kaya tawa ako ng tawa. Pagkatapos nun kumain ako ng cup noodles, solve na ang tiyan ko pero masama pa din yung pakiramdam ko, hayy kamusta na kaya si Allen. O________O

TEKA, alam ko ba yung sinasabi ko? Anung Allen? Waaah T_T Erase ! Lalo akong magkakasakit niyan eh. Kase naman, pagkatapos nung despedida party ni Misha, pakiramdam ko nag-iba na ang lahat. Malay ko ba sa sarili ko naiinis ako bukod dun naguguluhan ako. Napaka kase ni Allen eh >>__<< Hayy buhay.

"Ding Dong"

Dantes? =___= May nag door-bell. Sino naman kaya yun? Pagbukas ko ng pinto si Allen, ang daming dala? O____O

"Bakit Andito ka?"

"May sakit ka daw?"

"Ah--"

"Papasok ha."

Pumasok na siya ng bahay. Bakit naman andito to? Anu bang balak nito sa buhay? Diba may pasok ngayon? Anu to nagcutting si Mr.President?

"Eto oh, kainin mo to, tapos itong mga gamot inumin mo, nakalagay sa papel diyan kung anung oras mo dapat inumin."

"Ah, salamat. Teka,panu mo nalamang may sakit ako?"

"Ah yun ba kay Carmi."

"Talaga yung babaeng yun >_<"

"Mabuti na nga yun na nalaman ko."

"Ano Ba kasing ginawa mo at nagkasakit ka ha?!"

Natulala lang ako nang sigawan niya ko. Wala na kong masabi sa kanyang iba, ayoko siyang kontrahin sa mga sasabihin niya gaya ng dati, ayoko na munang makipag away sa kanya. Hindi ko alam pero gumagaan ang loob ko sa ginagawa niya. Alam kong nag-aalala siya saken, OO alam kong ganun na nga yun.

"Pano na lang kasi kung may mangyaring masama sayo? Pano kung hindi lang pala lagnat yan, pano kung may mas malala pang nangyari. Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Hindi naman ako mamamatay eh, kaya wag ka nang mag-alala"

"Tss. Magpahinga ka na."

Biglang naging soft tone yung voice niya at hindi ko din inaasahang kasunod ng pagsabi niya nun ay yayakapin niya ko. Bumibilis yung tibok ng puso ko, pakiramdam ko lalo akong magkakasakit sa ginawa niya, pero masaya ako, hindi ko alam kung tama yung word pero masaya talaga ako.

"Aalis na ko, gawin mo yung mga sinabi ko, hahabol na lang ako sa klase."

"Ah-- Oo sige, salamat"

Umalis na siya habang ako nakatulala pa din sa pinto. Anu ba talagang matatawag dito? Hayy, Angela Ramirez, In love ka na ata :/ Mga Ilang oras din ang lumipas nun, pakiramdam ko di pa din ako maka get over. Dumating na din pala ng bahay si Carmi at yun sinalubong ako ng kadaldalan.

"Ui Angie, kamusta na? Masama pa din ba pakiramdam mo? Teka, kanino galing tong mga pagkain dito sa lamesa, ang dami naman."

"Okay na ko Carmi, Ah yan ba, pumunta dito si Allen kanina bitbit ang mga yan"

"Ah, kaya naman pala bigla siyang nawala nun sa school. Hindi nga kami nakapag meeting eh."

"Ganun ba, pasaway talaga yun baka bukas makapag-meeting na"

"siguro, papasok ka na kasi bukas diba? :)"

"Hay naku, tumigil ka nga diyan Carmi, tigilan mo ko sa mga ngiting yan."

"HAHA. Anu ka ba syempre kelangan kasi ni Mr.President ng inspiration pag mga ganung bagay, eh ang kaso nagka lagnat yung INSPIRATION niya kaya next time na lang daw"

Hay naku ayaw nanaman akong tigilan ni Carmi sa pang-aasar, nakakainis >>__<< kahit kelan talaga to.

"Oh matulog na nga tayo Carmi, may pasok pa tayo bukas, masyado ka nang madaldal, awat na Carmi ha."

"Oh sige, gudnayt :)"

"Nayt."

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon