~ Chapter Fifteen

38 1 0
                                    

"Wooh ! Nanalo si Allen ! :D Madaming natuwa nung inannounce nung dean. Nakz Haha President na ng SC yung Abnoy na to. Nagbubunyi na ang lahat

Haha. Mamaya pag nakita ko yun pipilitin ko siyang magblowout.

Sobrang saya talaga ng araw ngayon, Good vibes na Good vibes :D Nang di sa kalayuan may nakita akong nagpabago sa mood ko.

Si Shone, may kasamang babae. Nakahawak to sa braso niya.

Naluluha nanaman ako .. Siya ba yung dahilan kung bakit ? Ayoko na, ayoko ng makita to !

Umalis na ko, Hindi ko mapigilan yung luha ko, tumatakbo ako ngayon papunta sa kung saan.. Hindi ko alam, kung saan ba talaga ako patungo

basta takbo lang ng takbo T___T Ang Sakit.

Kung sino sino na lang ang nabubunggo ko. Bahala na sila, kasalanan ko ba kung nakaharang sila dun? Nagmomoment ako eh T___T

Napunta ako sa may rooftop. Ang lamig dito, ang lakas ng hangin. Umupo na muna ako sa may gilid at dun humagulgol ng iyak.

"Akala ko ba okay na? Akala ko ba wala na? Eh bakit ganito ? Nararamdaman ko nanaman yung sakit. Naaalala ko nanaman yung araw na iniwan niya

ako. Akala ko ba mahal namin ang isat-isa ? Akala ko ba nun walang iwanan ? Sabi niya hindi niya ako kayang saktan. Mahal niya ko.

Eh ano to Shone? ! Anong tawag mo dito !"  Napapasigaw na ko sobra na talaga kase yung sakit SOBRA SOBRA T______________T

"Tama na yan, Wag ka nang umiyak diyan."

Napalingon ako, Si Allen, anung ginagawa niya dito? Inaabutan niya ako ng panyo. Pero hindi ko tinanggap. Patuloy pa din ako sa pag-iyak.

Tahimik lang siya at umupo sa tabi ko.

"Anung ginagawa mo dito?! Umalis ka na wala ako sa mood ngayon makipag asaran sayo." sabi ko.

Hindi siya sumagot, Hindi ko alam pero, pakiramdam ko kagalit ko ang buong mundo kaya nasusungitan ko na tuloy siya ng ganito.

"Anu ba Allen?! Bakit ba ang kulit mo ?! Umalis ka na dito sabi diba?! Tinutulak ko na yung braso niya pero wala pa din siyang pakealam.

Naka-upo pa din siya.

"Umalis ka na dito" T___T

"Ayoko nga diba? Bakit ba mas makulit ka pa?"

Napatingin lang ako sa kanya habang umiiyak.

"Pag nabili mo na tong rooftop tsaka mo lang ako pwedeng paalisin."

"Wala akong pakealam" sabi ko.

"Lahat ng problema may solusyon, Kapag walang solusyon wag mo nang problemahin."

"Gago"

"Haha ngayon minumura mo na ko? Ayos ka din ah, Haha. Wag mo nang ulitin yun di maganda sa babae ang nagmumura."

Kahit papaano ay tumitigil na din ako sa pag-iyak. Adik lang talaga kase to si Allen, balak din atang maging clown. Sorry naman

kung namura ko siya ;-/ Lalo pa akong napatigil sa isa pang sinabi niya.

"Alam mo ba na ang luha ay mas special kesa sa Smile?"

"Eh, ano ngayon?" =_=

"Kasi ang Smile pwede mong ibigay kahit kanino, pero ang luha ay para lang sa taong di mo kayang mawala sayo."

Biruin mo yun kahit loko loko to may sense din pala kausap.

May word of wisdom.

"Ganun? Wala na kong pakealam sa kanya, hindi siya importante sakin."

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon