~ Chapter Thirty One

26 1 0
                                    

"Bye Carmi! diretso uwi ha"

"opo, haha!"

Inihatid ko si Carmi hanggang paglabas ng school. Buti pa sila uwian na. Ako rin gusto ko ng umuwi. Hayts.

............

...........

.............

Yes uwian na! After ng 3 hours, makakauwi na rin ako, woooohooo!

Nakalabas na lahat ng mga classmates ko sa classroom. Ako na lang ang natitira, nag-aayos pa kasi ako ng mga gamit ko eh. Bilisan mong kumilos para makuwi ka na Angie.

"Tok tok tok"

Napalingon ako sa may pinto ng room namin. Nandun yung driver ni Allen. o___o

Namumukhaan ko siya, siya yung nagdadrive ng kotse ni Allen nung sinundo niya ko kanina sa bahay.

"B-bakit po?"

..................

....................

..................

Nandito na ko sa loob ng kotse ni Allen. Katabi ko si Ian.......... 

Hindi si Allen ha. Si Ian, yung cute na malaking teddy bear na binigay sakin ni Allen kanina. Tapos sa kabilang side ko naman ay yung isang bouquet ng rose kanina nung kumain kami ni Carmi sa garden

Flashback............

"Bilin po ni sir na ihatid kayo sa pag-uwi, nasa mahalagang meeting po siya ngayon kaya hindi niya kayo makakasabay" :)

"A-ahh, okay lang naman po. Tsaka di niyo na rin po ako kailangang ihatid"

"Sorry po mam pero mahigpit pong bilin sakin ni sir na kung sakaling tumanggi kayo eh huwag daw po akong pumayag"

End of flashback...................

Yun na yun kaya hindi na ako nakatanggi.

Nang huminto yung kotse sa tapat ng bahay namin may, inabot na paper bag sakin yung driver. Laman niyon ay chocolates.

"Para sa inyo po mam, pinabibigay ni sir" :)

"A-ahh s-salamat po" :)

"Walang anuman mam" :)

"Ah ano nga po palang pangalan niyo?"

"Ako nga po pala si Mang Rey"

"Ahhm, Mang Rey pwede po bang huwag niyo na lang akong tawaging mam? Angela na lang po o kaya Angie tsaka huwag niyo na rinakong i-po"

"Ahh, cge iha" :)

"Thank you po ^__^ tska thank you din po sa paghatid  sakin. Ingat po kayo sa pag-uwi niyo"

"Sige iha salamat din" :)

Wala si Carmi sa sala, siguro nasa kwarto yun ngayon. Mailagay nga muna yung mga chocolates sa ref. Mamaya yayayain ko si Carming kumain ng mga to ^_^

Habang inilalagay ko yung mga chocolates sa ref. napansin kong may isang card dun na nakalagay din sa loob ng paper bag. Hindi naman malaki, hindi rin naman maliit. Hmm, mabasa nga...........

Go out with me tomorrow Angie. It's a date. I'll pick you up before seven in the morning. Don't need to be formal,  just be simple. :) 

-Allen

o___o Date? Ha eh pero b-bakit before seven? o__o?

"Talaga Angie?! Ayieee!" ^_^

"P-pero Carmi bakit before 7 am?"

How Can I Hate and Fall for Him at the Same Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon