SUNSHINE'S POV
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kila Summer na aalis ako . I need to go to States .
Ayoko man silang iwan pero , kailangan . Tagal na din kasi akong kinu'kulit ni Mommy na sumunod na daw ako sa kanya doon .
bzzt . bzzt .
1 new message
Kita kits tayo later sa . 8PM . Bar .
Sender : Summer
Hayy . Siguro later ko na lang sasabihin .
MISTY'S POV
Anong trip kaya nitong si Summer at nagyaya mag Bar ?
Psh . Akalain mo pumayag si Dustin na KJ .
Andito na ko sa Bar . As always early bird ako saming apat .
Dito muna ko umupo sa Bar counter , wala pa naman sila eh .
" Margarita . Please " I order to the Bartender
Ito ang gusto ko sa Bar na 'to eh . Mga gwapo ang Bartender . Haha!
" Hi . Alone ? " napa-tingin ako sa biglang tumabi sakin at nagsalita
" No . Just waitin' for my friends . " walang ganang sagot ko
" Oh . Sila Summer ba ? "
" Chismoso lang ? " inis na sabi ko . Kasi naman , di ko talaga trip yung aura niya .
He chuckled . " Grabe ka naman . I'm just asking . Sila kasi ni Dustin ang nagpa'punta sakin dito . " naka'ngiti niyang sabi .
Seryoso ? Pati siya pina'punta din dito ? Anong bang meron ?
" Chismoso pa din tawag dun . " sabi ko bago inumin yung pang 3rd shot ko ng Margarita
" Ganyan ka ba talaga ? " biglang tanong niya
Napa'lingon ako sa kanya . " What do you mean ? " taas kilay kong tanong . Di ko gets eh .
" Yung ganyan . Masungit . " he said plainly
Masungit ba ko ? Sa kanya lang naman ata .
" Siguro . " ayan na lang ang nasagot ko
" Ah . Hmm , anyway natatandaan mo pa naman name ko di ba ? " naka'ngiting tanong niya
Itong lalaki na 'to ang hilig ngumiti . Pa cool masyado .
" Yeah . You're Christian . " confident na sabi ko
" =_________= "
" Bakit ganyan reaction mo ? " ako
" My name is TRISTAN , not Christian . "
Ow . Tristan pala . I thought its Christian . Hoho *O* . Magka'tunog naman ah .
Siya yung dati eh . Yung friend ni Dustin na galing States .
" Ah . Malapit naman di ba ? At is - - - - "
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil may nahagip yung mata ko .
Ayokong tignan , pero di ko mapigilan yung sarili ko .
Ang sakit :(
" What's wrong ? " Tristan
Hindi ko pinansin yung tanong niya dahil hindi ko pa din maalis yung tingin ko sa dalawa , sa kanina ko pa tini-tignan .
Michael and Samantha kissing torridly .
BINABASA MO ANG
Pwede bang ako na lang ULIT?
RomancePaano kung isang araw bumalik sayo ang isang tao na matagal mo ng kinalimutan? Paano kung sa pagbalik niya ay mahal ka pa niya ngunit may mahal ka ng iba? Maari pa kaya na magbago ang lahat at bumalik kayo sa dati?