01

1.7K 75 42
                                    

Suri;

"Kasalanan mo to. Dapat ikaw lang yung nandito eh. Bakit kailangan ko ring magdusa kasama ka?"

Sabi ko sa katabi kong si Soobin habang pinapanatili ang balanse sa aking katawan. Nasa labas kami ng classroom. Nakaluhod habang may nakapatong na libro sa ulo at magkabilang kamay.

"Nagrereklamo ka pa eh gusto mo naman akong kasama." sabi niya.

"Bakit? Si Yeonjun oppa ka ba ha? Napaka assuming, feeling mo naman gusto kita."

He suddenly chuckled. Napairap na lang ako. Nagawa pa talaga niyang tumawa sa kabila ng sitwasyon namin.

"Wala kang pag-asa kay Yeonjun hyung. Inlababo pa yun sa ex niya. Alam mo naman siguro yun so bat mo pa siya hinahabol? Ay oo nga pala, talent mo pala ang maging second option." ani niya.

"Wow nagsalita! Sino kaya yung may gusto sa jowa ng kuya niya at hanggang ngayon umaasa pa rin na babalikan siya ng babaeng pag-aari na ng iba?"

KATAHIMIKAN.

Hindi siya umimik. Yan ang pinakatatagong sekreto ng isang Outstanding Campus Leader na si Choi Soobin. He is inlove with his brother's girlfriend. Sounds insane pero yun yung totoo. Sino namang mag aakala na may tinatago pala siyang katangahan. Well, pareho naman kaming tanga. Pero atleast yung sakin lantaran, unlike him.

"Oh? Natahimik ka bigla? Don't tell me nahurt ka sa sinabi ko?"

"Hinaan mo nga yang boses mo. Baka mamaya niyan may makarinig pa sayo." ani niya.

Malapit ko ng makalimutan. Ako lang pala yung nakakaalam ng sekreto niya. Kahit na nangako na ako sa kanya na hindi ko yun ipagkakalat, dikit pa rin siya ng dikit sakin. Sabi niya mabuti na daw yung sigurado.

Hmm pano ko nalaman? Hindi ko naman talaga intensyon na malaman yun. Nagkataon lang na nakita ko silang naghahalikan sa isang park. Yes, they have an affair. Pinagtataksilan ni Soobin yung kuya niya.

Nung una nag iba yung tingin ko sa kanya. Pero nung time na nag explain siya sakin, dun ko naintindihan yung side niya. Mahal na mahal niya si Lia. Mahal na niya si Lia bago pa man naging sila ng kuya niya. Sabi niya, it was just for business kaya daw naging mag on yung kuya niya at si Lia. Lia told him na she do love him the same way he does. Kaya naman nagmahalan sila ng patago.

Pero it didn't last. Kailangang pumunta ni Lia sa States para mag-aral. He wanted to go pero di siya pinayagan ng parents niya. Kaya heto siya ngayon. Naghihintay kung kailan babalik ang babaeng mahal niya na pag-aari na ng iba.

"Alam mo, naiintindihan naman kita eh. Pero alam nating dalawa na mali yung ginagawa niyo. Walang sekreto na hindi nabubulgar, Soobin."

"Alam ko, kaya nga gumagawa na ako ng paraan para maging karapat dapat para sa kanya. Para pag dumating na yung araw na papipiliin siya saming dalawa, wala na siyang rason para manatili pa sa kuya ko."

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya.

"Alam mo kung may award lang ang katangahan siguro ang dami mo ng nahakot."

Saad ko. Ngumiti naman siya. Expose na expose tuloy yung pinagmamalaki niyang dimple. Buti na lang di ako marupok sa tukmol na'to. Wala eh, loyal ako kay Yeonjun bebe.

"Talaga? Pano ba yan, mukhang mapapalitan na ata kita sa trono mo."

Napangiti na lang din ako sa sinabi niya.

"Oo, tanga ako pero mas malala yang sayo no. Bopols to!"

Nagtawanan kaming dalawa pero agad ring naputol yun nung lumabas ng room si Mrs. Ong. Tumayo naman kami ni Soobin. Salubong yung dalawang kilay niya habang nakatingin samin.

"The next time na mag-iingay pa kayong dalawa during my class, detention na yung aabutin niyo. Nagkakaintindihan ba tayo Mr. Choi and Ms. Nam?"

"Nae."

Sabay naming pagsang-ayon ni Soobin. Tumalikod na si Mrs. Ong at umalis. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Ang dami ko ng pinoproblema sa buhay dumagdag pa to. Bigla namang may nagpatong ng libro sa ulo ko.

"Anong ginagawa mo? Tapos na yung punishment."

Sabi ko sabay kuha nung tatlong libro. Ipinatong naman ni Soobin yung braso niya sa balikat ko. Hayop! Porket mas matangkad siya sakin ginagawa niya na lang akong sandalan.

"Nagugutom ako, punta tayong canteen. Libre mo ko."

Ani niya. Napangiwi ako. Sa yaman niyang yan siya pa talaga ang may ganang magpalibre.

"Nagtitipid ako tsaka bat kita ililibre? Di tayo close."

Sabi ko at naglakad paalis. Hinawakan niya yung wrist ko at ipinaharap niya ako sa kanya.

"Samahan mo na lang ako."

Sabi niya at hinila ako. Ang bilis niyang maglakad kaya medyo napatakbo ako. Bigla namang tumunog yung bell kaya nagsimula ng magsilabasan yung mga estudyante. Napadaan kami sa classroom ng mga seniors namin. Nagulat ako nung biglang lumabas si Yeonjun oppa sa pinto. Ang gwapo niya hayuf! >.<

"Oh Soobin, sasabay ka ba saming maglunch?"

Tanong niya. Kinilig naman ako deep inside. Kung pwede lang sanang ilabas yung feels ko ngayon, eh di sana sumayaw na ako ng gimme gimme dito. Yung boses niya, ang sexy hshshshs.

"Hindi muna siguro hyung, ililibre kasi ako ni Suri ng lunch. Kakain kami sa labas."

Napatingin naman ako kay Soobin. Anong pinagsasabi nito? Aalma na sana ako nung biglang nagsalita si Yeonjun oppa.

"Okay sige, sasabihin ko na lang kina Beomgyu na di ka sasama samin."

Ani niya sabay ngiti samin. Teka wait, di ako prepared. Did he just smiled at me?? Natulala ako bigla. Bigla namang sumulpot yung mga petals ng roses na nahahawi ng hangin. Nagliwanang yung lahat kasabay ng ngiti niya. Naririnig ko yung boses ni Soobin pero di ko siya pinansin. Titig na titig lang ako kay Yeonjun oppa.

"Hoi Suri!"

Agad akong napabalik sa tamang katinuan. Nagdi day dream na naman ako. Hayuf! Nakakahiya. Napatingin ako kay Soobin.

"Ha?"

Tanong ko sa kanya. Kinurot niya yung cheeks ko. Yung klase ng kurot na may kasamang diin.

"Sabi ko, halika na. Magpaalam ka na kay Yeonjun hyung."

Sagot niya at tinantanan yung cheeks ko. I gave him a glare. Binigyan niya ako isang ngiting aso. Inirapan ko siya at nagsmile kay Yeonjun oppa.

"Alis na po kami sunbae."

Sabi ko at nagbow. Tumango lang siya bilang sagot. Umalis na kami ni Soobin. Napansin ko namang nakahawak pa rin siya sa wrist ko.

"Wow chansing!"

Sabi ko sabay tingin dun sa nakahawak niyang kamay sa may pulsuhan ko. Napatingin din naman siya dun. Bigla niya namang hinawakan yung kamay ko. As in yung holding hands talaga. Huminto ako sa paglalakad at pilit kumalas sa pagkakahawak niya.

"Yah! Anong ginagawa mo? Baka may makakita satin, sabihin pa na may namamagitan satin hayop!"

Tumawa lang ang tukmol. Okay kuul! Please help me find his eyes kasi biglang nawala.

"Sabi mo kasi chansing ako kaya ayun, nilubos ko na. Pakipot ka pa, eh gustong gusto mo naman."

Siniko ko yung tiyan niya. Napahawak naman siya dun habang yung isang kamay niya eh napakapit sa balikat ko dahil sa sakit.

"Oh ano? Ang sakit no? Subukan mong tsansingan ako ulit at bugbog na aabutin mo."

Bigla naman siyang umayos ng tayo at ngumiti sakin.

"Siyempre acting lang, ang hina naman ng pagsiko mo. Di man lang tinablan yung abs ko."

Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Bat ko ba kasama tong taong to? Wala siyang dulot. Naglakad na lang ako pabalik ng room. Mas mabuti pang kainin ko na lang yung baon kong niluto ni mama.

"Oi, san ka pupunta?" tanong niya at hinabol ako.

"Sa lugar kung saan wala ka."

Sagot ko at hindi na nag aksaya ng oras para lumingon sa isang tukmol na si Choi Soobin.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon