04

700 47 8
                                    

Suri;

9:30 na at kailangan ko ng isara tong coffee shop. Tinignan ko si Soobin na abalang abala sa pagkalikot ng cellphone niya sa may sulok. Siya na lang ang katangi tanging costumer dito.

"Excuse me sir, magsasara na po kami. Baka naman po may balak kayong umuwi."

Sigaw ko sa kanya. Bumaling yung tingin niya sakin pero ibinaling niya ulit yun sa cellphone niya.

"Magsara ka na, tatapusin ko lang tong laro ko."

Inayos ko muna yung mga dapat tapusin sa may counter at nilinis yung mga dapat linisin. Pagkatapos nun pumunta na ako sa staff room para magbihis.

"San ka pupunta?"

Tanong ni Soobin nung napansin niyang aalis ako.

"Magbibihis lang ako sa staff room. Bakit bubusuhan mo ko?"

Hindi lang siya umimik at kinalikot ulit yung phone niya. Pumasok na ako sa staff room at dumiretso sa locker ko. Nagbihis ako ng damit at kinuha yung bag ko. Pagkalabas ko ng room, nakita ko si Soobin na nakasandal sa pader.

"Oh? Bat andito ka pa? Akala ko ba tatapusin mo lang yung laro mo."

Tanong ko. Sabay kaming naglakad palabas.

"Nagugutom ako, tara kain tayo ng ramyeon. Ililibre kita."

Pag-iiba niya ng topic. Nilock ko muna yung pinto ng coffee shop bago bumaling sa kanya.

"Gabi na, tsaka bakit mo iniiwasan yung tanong ko? Umamin ka nga sakin, may nangyari bang di maganda?"

Sabi ko pero umiwas siya ng tingin sakin.

"Ang ginaw."

Ani niya at kiniskis yung dalawa niyang  kamay sabay buga ng hangin dito. He then cupped his own face. Napabuntong hininga na lang ako. Isa lang ang ibig sabihin nito, ayaw niyang pag usapan kung ano man niyang iniiwasan niyang sabihin.

"Tara, libre mo na lang ako."

Sabi ko at na una ng maglakad. Sumunod naman siya sakin. Nasa likod ko siya. Nagulat ako nung bigla niyang pinisil yung cheeks ko.

"kyeoooooooooooopta~"

Ani niya habang pinaglalaruan yung cheeks ko. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Pero deep inside nag iisip ako, ano kayang problema ng tukmol nato? Ang weird. Parang ayaw niyang umuwi.

Pumasok kami sa isang convenience store at kumain ng noodles. Tahimik lang kaming dalawa.

"Aray!"

Napatingin naman ako kay Soobin. Natapon yung noodles sa damit niya. Pero hindi naman lahat. Yung kinuha lang niya galing sa chopstick yung natapon. Kumuha ako ng tissue sa bag.

"Oh."

Inabot ko sa kanya yung tissue. Kinuha niya naman yun at pinunasan yung natapon na noodles.

"Ewan ko lang ha pero may something talaga sayo eh. Tapos lutang na lutang ka pa. Sana ayos ka lang."

I said at kumuha ulit ng tissue. Ibinigay ko yun sa kanya. Napansin ko na mas lalong kumalat yung noodles sa damit niya.

"Ako na nga, para kang bata."

Sabi ko at kinuha yung noodles sa damit niya bago ito pinunasan ng tissue. Nakatingin lang siya sa labas. Wala ng masyadong dumadaan na tao at mabibilang mo na lang yung mga kotseng dumadaan.

"Kung ano man niyang iniisip or pinoproblema mo, magiging maayos din yan. Alam kong di tayo ganun ka close pero kung kailangan mo ng kausap, handa akong makinig sayo. Pasensya ka na, hindi ako magaling magcomfort. Wala akong maitutulong para pagaanin yang loob mo."

Sabi ko at inilagay yung tissue sa mesa. Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan yung kamay ko ng napakahigpit na para bang natatakot siya.

"Manatili ka lang dito okay na ako dun. I'm so lonely, kailangan ko lang ng kasama ngayon."

Ani niya sabay tingin sa'kin. Binigyan niya ako ng ngiti. Yung klase ng ngiti na may halong pait. Somehow, I pity him. Yung mga mata niya, punong puno ng kalungkutan.

"Ikain na lang natin yan."

Pambara ko sa sitwasyon namin. Napangisi naman siya at binitawan yung kamay ko.

"Kahit kailan talaga panira ka ng drama. Mag eemote na sana ako eh."

Reklamo ni Soobin. Napatawa na lang ako.

"Ang oa mo kasi eh. Ang dami mong kabalbalan sa buhay."

Natawa na lang kaming dalawa. Somehow, seeing him smile relieved me. Atleast diba, tumawa siya kahit ilang seconds lang.

Pagkatapos naming kumain eh umuwi na kami. Nagpart ways kami sa pedestrian lane malapit samin. Hindi niya ako hinatid pauwi. Oh diba! Ang gentleman. Pero hindi naman ako nagtanim ng grudge sa kanya dahil dun. Sana nga lang dumiretso na siya pauwi. Pero sigurado naman ako na may pupuntahan pa siya. Ang tanong, saan naman kaya?

-------------

Papasok pa lang ako ng room nung biglang nagsitakbuhan yung mga classmates ko sa kung saan.

"Ron, anong nangyayari?"

Tanong ko kay Ron na papunta din sa direksyon ng senior department.

"May nagsusuntukan daw sa Confucious. Nandun si Soobin, isa siya sa mga umaawat."

Sagot ni Ron at tumakbo na paalis. Confucious? Section yun ni Yeonjun oppa ha. Tumakbo na rin ako papunta sa Section Confucious.

Ang daming estudyante sa hallway. Sumiksik ako sa kumpulan ng mga tao. Nakita ko si Soobin at yung isang taga Confucious na inaawat si Yeonjun sunbae. Inaawat naman nung dalawang estudyante yung isang lalaki. Teka, pamilyar yung mukha ng lalaki. Hmmm naalala ko na. Siya yung binansagang "playboy" sa senior department dahil sa dami ng naging babae niya.

"Ano? Hanggang jan na lang ba kaya mo? Eh weak ka pala eh."

Sabi nung lalaki. Pinapagalit niya si Yeonjun oppa.

"Hayop ka!"

Susugod na sana si oppa kaso todo awat sila Soobin at yung classmate niya.

"Putangina mo! Mapapatay kitang hayop ka!"

Sigaw ni Yeonjun sunbae. Nakakatakot si oppa. Ito yung unang beses na nakita ko siyang galit na galit. Kung nakakapatay lang ang tingin matagal na sigurong patay yung lalaking kaaway niya.

Naagaw ang atensyon ng lahat nung may pumito. Si Mrs. Lee, yung school disciplinarian. Agad namang nagsitakbuhan yung mga estudyante pabalik ng mga kaniya kaniya nilang classroom. Hinila naman ako ni Ron.

"Suri, tara na."

Naiwan sila Soobin doon.

Takbo kami ng takbo ni Ron. Hingal na hingal kami nung nakarating kami sa tapat ng classroom namin.

"Ano ba talagang nangyayari?"

Tanong ko kay Ron. Huminga muna siya ng malalim bago siya sumagot.

"Ginalaw daw ni Taeron sunbae si Mara noona kaya ayun galit na galit si Yeonjun sunbae."

Kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

"Mara? Sino si Mara?"

"Jung Mara, yung ex ni Yeonjun sunbae na nag enroll dito a week ago."

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon