Suri;
Ang bigat ng loob ko. Kaninang umaga lang pumasok si Soobin. May party daw siyang pupuntahan ngayong gabi kaya aabsent siya ngayong hapon. Siguro yun na yung engagement party. Kasama ko si Yeonjun. Kumakain kami ng lunch dito sa canteen.
"Suri, okay ka lang? Balisa ka ata?"
Tanong ni Yeonjun.
"Masama lang yung pakiramdam ko."
"Ihahatid kita sa clinic."
"Wag na, magiging okay rin ako. Kamusta na pala kayo ni Mara unnie?"
"Ganun pa rin. But I'm doing my best to reach out to her. I just hope that she will give me a chance."
"Bibigay din yan. Magtiwala ka lang."
Ani ko at ngumiti ko. Pagkatapos naming kumain eh bumalik na kami sa kanya-kanya naming classroom. Kamusta na kaya si Soobin? Sana magiging okay lang siya sa mangyayari ngayong gabi.
Soobin;
"Binnie tara na, we will be late."
Sigaw ni Seulbin hyung sa labas ng kwarto.
"Mauna ka na hyung, susunod na lang ako."
I shouted back at kinuha yung tuxedo ko sa closet.
"Okay sige. I'll go now."
Paalam ni hyung. Isinuot ko na yung tuxedo at humarap sa salamin. I styled my hair. Hinati ko lang naman yung buhok ko. Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako ng kwarto ko.
I run downstairs. Kinuha ko yung susi ng kotse at lumabas ng bahay. I looked up in the sky. Bakit walang bituin sa langit? Uulan ba ngayong gabi? Sumakay na ako sa kotse at pumunta sa venue ng party.
Pagdating ko sa party, ang daming tao. Most of them are prominent persons in business industry. Nandito yung mga business partners namin. Hinanap ko si hyung and there I saw him talking to my parent's friends. Lumapit sa kanila si Lia. She looks elegant in her black dress.
Kumuha ako ng champaigne. Bakit kaya ako pinapunta ni hyung dito? Minutes later, hyung went on the stage. Nagpalakpakan ang lahat.
"I'm so glad seeing all of you here. Tonight, I have a big announcement. But before that, let me call in my gorgeous girlfriend, Choi Lia."
Lumapit si Lia kay Seulbin hyung. Nagbulungan ang mga tao na para bang may ideya sila sa mga mangyayari.
"I am honored to announce to you that me and Lia are now engaged."
Tumigil ang mundo ko. No, it can't be. Napaatras ako. No... No... It can't be... Nagpalakapakan ang mga tao. Hyung and Lia kissed.
Tumakbo ako palabas ng hall. Nag-uunahan sa pagpatak ang luha ko. Sumakay ako sa kotse at pinaharurot yun paalis. My heart keeps on breaking into pieces. Ang sakit. Mamamatay na ata ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Suri;
Ang lakas ng buhos ng ulan sa labas. Di ako makatulog. Hindi ako mapalagay. Kanina pa ako kinakabahan. Lagpas 10 pm na. Kinuha ko yung phone ko. Kamusta na kaya si Soobin? Siguro alam na niya yung tungkol sa engagement party.
Dinial ko yung number ni Soobin. Napakagat ako sa kuko ko nung nagring yung kabilang linya. Pero pagkatapos ng ilang ring, wala pa ring sumasagot. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero wala pa rin.
Tinawagan ko ulit siya sa for the third time. Pagkatapos ng tatlong ring, sumagot siya. I feel relieved.
"Soobin?? Nasan ka? Okay ka lang ba?"
BINABASA MO ANG
Second Best 「 Choi Soobin 」✓
Fanfic"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw." "Iniinsulto mo ba ako?" "Hindi. Sinasabi ko lang sayo ang katotohanan na second option ka lang." SECOND BEST Choi Soobin X Reader