Soobin;
Naglalakad kami ni Suri palabas ng campus. May duty siya sa coffee shop ngayon. May bibilhin naman ako sa Bookstore malapit sa pinagtatrabahuan niya. Tahimik lang kaming naglalakad. Then suddenly bigla siyang huminto kaya napahinto rin ako.
"Suri..."
I looked in front and saw Yeonjun hyung. Naglakad ulit si Suri but hyung stopped her.
"Please hear me out, I didn't mean to-"
Hindi na natapos ni hyung yung sasabihin niya when Suri slapped him. She gave him a glare.
"Don't ever touch me again kung ayaw mong masampal ulit."
She said and walked away. Lumapit ako kay hyung.
"I'm sorry hyung, this is all my fault."
Yeonjun hyung tapped my shoulder.
"No it's not. Just tell her I'm really sorry okay? If ever she will cry again because of me, please comfort her Soobinie."
I nodded at yumuko. Hyung tapped my shoulder again at umalis. I will tell Suri everything. I will tell her the truth.
Suri;
Napaupo ako sa bench at hindi na pinigilan pa ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hajima... Akala ko ba tapos na yung pagdadrama ko kanina. Bakit umiiyak na naman ako?
"Ang panget mo talaga pag umiiyak."
Inangat ko yung ulo ko at nakita si Soobin. Nakapamulsa siya habang nakatayo sa harap ko.
"Ano naman ngayon?"
Lumuhod siya sa harap ko at pinahid ang luha ko gamit ang thumb niya. I sniffed. Binigay niya sakin yung panyo niya.
"Ugly or not, a woman's tear must not fall from her eyes because of pain. She should cry out of happiness."
Ani niya.
"Sino namang philosopher ang nagsabi niyan? Si Confucios? Lau Tzu? Aristotle?"
"Ani... That's what a man said to her woman who is suffering because of him."
Tumayo siya at inabot yung kamay niya sakin.
"Tara inom tayo suju."
Soobin;
"Alam mo, matatanggap ko naman na mahal pa niya si Mara unnie eh, ang aking lang. Sana di na niya pinagsamantalahan yung feelings ko at ginawa akong rebound diba?"
Suri said and drink another shot. She is drunk already but still she keeps on babbling about Yeonjun hyung.
"Akala ko talaga makakajackpot na ako ng gwapo eh. Hayuf! Akin na sana kaso may mahal pang iba."
Ani niya at uminom mula mismo sa bote ng suju. Naubos niya yung laman ng bote.
"Tama na yan, lasing ka na. Iuuwi na kita."
I said but she stopped me.
"Hindi pa ako lasing okay? Nasa tamang katinuan pa ako. Pero kahit naman nasa katinuan ako maling tao pa rin yung napipili ko. Ang galing nga eh. Pakiramdam ko malalagay ako sa Guiness World of Records bilang "Pinakatangang babae sa mundo" o di kaya "Second Option of the Century". Ano sa tingin mo?"
I went over to her at binuhat siya palabas. Nag-iwan ako ng pera sa mesa namin bilang bayad sa suju. Nagpupumiglas si Suri pero di ako nagpatinag. Ibinaba ko siya nung nakalabas na kami. Pagewang gewang siya kaya inalalayan ko siyang tumayo.
BINABASA MO ANG
Second Best 「 Choi Soobin 」✓
Fanfiction"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw." "Iniinsulto mo ba ako?" "Hindi. Sinasabi ko lang sayo ang katotohanan na second option ka lang." SECOND BEST Choi Soobin X Reader