10

619 41 35
                                    

Suri;

Lumalalim na ang gabi pero heto kaming dalawa, gising na gising habang nakatitig sa kisame. Yung lampshade ko sa mini table ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto.

Tumagilid ako at saktong tumagilid din siya. Nagkaharap kami. Natigilan ako dahil sa gulat. He looked at me intently. May sinasabi yung mga mata niya na hindi ko alam kung ano. His eyes is full of sorrow.

"Now speak."

Utos ko sa kanya. Naguluhan naman siya sa sinabi ko.

"What do you mean?" tanong niya.

"Sabihin mo sakin yung rason kung bakit ka nandito."

Paglilinaw ko. He became silent. At base pa lang sa pagblink ng mata niya alam kong nagdadalawang isip siya. Sa tinatagal tagal kong kasama si Soobin, alam ko na yung ibig sabihin ng bawat pagkilos niya. If he blinked a couple of times, it means na he is hesitating.

"Sabihin mo na. Hindi naman kita huhusgahan eh. Tsaka kailan pa ba kita nilaglag?"

I assured. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. Tumingin ulit siya sa mga mata ko.

"I thought it wouldn't hurt me but seeing Lia and my brother kissed, it pains me a lot... They were so happy... and it fucking hurts... Ang daming tanong na nagpop out sa isipan ko. Bakit di namin yun magawa? Bakit sa tuwing hinahalikan ko siya o di kaya niyayakap bakit kailangang patago? Bakit kailangan ko pang makihati? It fucking hurts knowing that I am not the only man for her. I hate myself. I hate myself for being a second best... Mababaliw na ako kakaisip."

Sabi niya. I can see the tears around his eyes. Pinipigilan niya ang sarili niyang umiyak. Naaawa ako sa kanya. Ewan ko pero kumikirot ang puso ko. I pity him. I pity his situation.

Kusang bumukas yung bisig ko sa kanya.  The next thing I knew, I am hugging him. He hugged me back.

"Don't hold back your tears. Rinig na rinig ko ang pag-iyak ng puso mo."

Ani ko. Bigla naman siyang umiyak. I tapped his back. He is sobbing. Hindi ko inalintana yung t shirt kong nagsisimula ng mabasa.

"Gwaenchana..."

I whispered to his ear trying to comfort him. Ito yung unang beses na nakita kong umiyak si Soobin. Ito rin yung unang beses na umiyak siya sa bisig ko. I admit, I don't like him. Sinasagad niya yung pasensya ko minsan. Pero seeing him this way made me think na he is a good man. He deserves a woman to love him to the fullest, but I don't think it's Lia.

Soobin;

Nagising ako sa tama ng sikat ng araw sa aking mukha. I opened my eyes at bumungad sakin ang natutulog na mukha ni Suri. Dun ko lang napansin na nakayakap pa rin pala kami sa isa't isa. I slowly move my arms around her.

I looked at the clock on her mini table. It's already 7:15 am. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Kinuha ko yung uniform ko na nakasampay sa labas ng bintana. Nilabhan to ng nanay ni Suri kagabi. Dumiritso ako sa CR at nagbihis.

I walked towards the dining area at nadatnan ko si mama Saeron na naghahanda ng breakfast habang si papa Jim naman ay nagbabasa ng diyaryo.

"Oh Soobin gising ka na pala, anong gusto mo? Kape, gatas o choco?"

Tanong niya. I smiled at her.

"Di na po ako magtatagal aalis na po ako. Maraming salamat po sa pagpapatuloy sakin dito." I said at nagbow.

"Mag-agahan ka muna, breakfast is the most important meal of the day." ani ni mama Saeron.

"Mag-aagahan na lang po ako sa bahay. Kailangan ko na po talagang umalis."

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon