47

423 29 8
                                    

Suri;

"Nak, okay lang ba si Soobin? Pansin ko lang,  kanina pa siya nakatulala jan sa may bintana."

Sabi sa akin ni mama habang naghahanda kami ng almusal. Tinignan ko si Soobin. Mukhang ang lalim ng iniisip niya.

"Hindi ko nga rin alam ma eh. Hindi pa siya nagkukwento sa akin tungkol sa mga nangyari sa kanya kagabi. Siguro hayaan po muna natin siya."

Tumango si mama bilang sagot. Pagkatapos naming maghanda, lumapit ako kay Soobin at umupo sa tabi niya.

"Nagugutom ka na ba? Tara na, kakain na tayo."

Ani ko. He looked at me. Nagtama ang mata namin. His eyes were full of sorrow and loneliness. Binigyan ko siya ng ngiti.

"Ang ganda ko diba?"

Pagbibiro ko para gumaan yung atmosphere sa pagitan naming dalawa. Hindi siya umimik. Wala pa ring ka emosyon-emosyon ang mukha niya.

"Sakit sa bangs ha! No reaction talaga? Oo na, tanggap ko ng panget ako sa paningin mo."

Pagdadrama ko sabay yuko. Pero siyempre peke lang yun.

"You are beautiful... You are beautiful in my eyes..."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nagsalita siya! Binigyan ko siya ng ngiti.

"Akala ko talaga di mo na ako kakausapin eh."

Sabi ko. Inipit niya sa tenga ko ang buhok kong nakaharang sa aking mukha. Tinignan niya ako sa mata.

"Ikaw ang pinakamagandang babae para sa'kin."

Kahit na emotionless pa rin yung mukha niya masaya pa rin ako. He never fails to make my heart flutter.

"At ikaw naman ang pinakagwapong lalaki para sa akin."

Ani ko. This conversation may sound cliche and cringe but still, the kind of emotion it brings is still the same.

"Suri..."

"Hmm?"

"Do you love me?"

"Oo, mahal na mahal kita."

"Then always stay with me even if fate gives you a million reasons to leave."

------------------------------

Nagtutupi ako ng mga damit sa kwarto. Pumunta muna si Soobin sa mini garden namin sa likod ng bahay. Magpapahangin daw muna siya.

Napansin ko ang phone niya sa ibabaw ng study table ko. Kinuha ko to at binuksan. Wala naman akong intensyon na galawin ang phone niya, kaso na-curious lang ako sa inasal niya ngayon. Tsaka hindi pa siya umuuwi. Siguro may nangyari sa bahay nila.

Pagkabukas ko ng phone niya, bumungad sa akin ang 153 missed calls niya galing kay Eunbin unnie. I was about to press something nung biglang tumawag ang ate niya. Sinagot ko ito.

"Yobosaeyo?"

"Wait. Who is this? Where is my brother?"

Tanong ni Eunbin unnie. Napakamot ako sa batok ko.

"Si Suri po ito, classmate ni Soobin."

Pagpapakilala ko.

"Oh? So ikaw pala yung Suri na napupusuan ng kapatid ko. Manang is right, nasa sa inyo nga si Soobin. I'm Eunbin, Soobin's old sister. I'm glad na nakilala na kita. You're his girlfriend right?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ako maka-imik. Ano daw? Girlfriend? Napa-isip ako. Hindi ko pa pala sinasagot si Soobin. Pero kung maka asta kaming dalawa para na kaming mag-jowa.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon