Suri;
Patay na ba ako? Bakit wala akong maramdamang sakit? Ganito ba talaga pag namatay ang isang tao? Wala ka ng mararamdaman...
Someone is hugging me. Niyayakap ba ako ni kamatayan? O baka naman ng guardian angel ko? I feel so relieved. His scent is so familiar though.
Iminulat ko ang aking mata at bumungad sakin ang mukha ni Jisung. Nakapikit siya. Natutulog ba siya?Teka? Bakit siya nandito? Bakit siya nakayakap sakin?
Nanlaki ang mata ko nung narealize ko ang lahat. Napansin ko ang pag-agos ng pulang likido mula sa ulo ni Jisung. Kumawala ako mula sa pagkakayakap niya at napaupo. Tinapik ko ang pisngi niya.
"Yah! Han Jisung."
Bakit di siya nagigising? Tinapik ko ulit ang pisngi niya. Nagsimula ng tumulo ang luha ko.
"Yah!"
Dun ko lang napansin na pinalilibutan na pala kami ng mga tao. I'm not dead. Niligtas ako ni Jisung. Nung mga oras na akala ko katapusan ko na, agad siyang tumakbo palapit sakin at niyakap ako para di ako direktang matamaan ng kotse.
"Han Jisung gumising ka."
Umiiyak kong sabi sa kanya. Ilang sandali pa narinig ko ang tunog ng ambulansya. Agad ipinahiga si Jisung sa stretcher. Iyak pa rin ako ng iyak.
Lumapit yung isang rescuer sakin at pinasakay rin ako sa ambulance car. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kasalanan ko to. Kung di dahil sa kapabayaan ko, eh di sana hindi kami na aksidente ngayon. Ang tanga tanga ko.
"Miss, magiging okay rin ang lahat okay? We will reach the hospital anytime soon."
Comfort sakin ng rescuer. Tinignan ko si Jisung na nakahilata sa stretcher. Binibigyan siya ng paunang lunas ng dalawang rescuer. Hinawakan ko ang kamay niya.
Mian. Mianhe...
Sabi ko sa aking isipan habang tuloy pa rin sa pag-agos ang aking luha.
---------------------------
Ginamot na nila ang galos ko sa katawan. Pinuntahan ako nila mama kanina. Pwede na naman daw akong umuwi since galos lang namang ang natamo ko. Pero pinili kong bantayan muna si Jisung. Kasalanan ko kung bakit siya nakahilata ngayon.
Naalala ko dati, ayaw na ayaw niya sa ospital. Takot na takot kasi siya sa injection. Sa tuwing magpapa medical check up kami nung high school, nagtatago siya sa likod ko. Ayaw pa nga niyang lumayo sakin kasi natatakot siya. Natatawa nga ako sa kanya kasi kalalaki niyang tao ang duwag duwag niya.
But it was just a memory from the past. A memory nung meron pang kami. But just like the world, feelings do change. People do fall to someone else and cheat. Dati, I thought he is the right one for me. But it turns out, isa pala siya sa mga wrong choices ko sa buhay. Well, I'm never been right especially when it comes to love.
Tinignan ko ang natutulog na si Jisung. Sabi ng doctor, nasugatan yung ulo niya dahil tumama ito sa gilid ng kalsada nung tumilapon kaming dalawa dahil sa impact. Pero hindi naman daw siya critical injury. Once na magising na siya, magiging okay na daw ang lahat.
Lumabas muna ako ng kwarto para bumili ng maiinom. Naglalakad ako sa hallway nung nakita ko si Soobin sa may nurse desk. Para siyang nagmamadali at tagaktak ang pawis niya sa noo. Sa tingin ko, tumakbo siya papunta dito.
May tinanong siya dun sa nurse tapos nagmadali siyang tumakbo papunta sa direksyon ko. Napatigil siya nung makita niya ako. Nagtama ang mga mata namin. He suddenly ran to me at bigla akong niyakap ng mahigpit.
"Oh god! I thought I'm gonna lose you."
Ani niya. Waeyo? Ang lakas ng tibok ng puso ko. I'm relieved. Being on his arms relieved me. I feel so safe. Gusto kong umiyak.
BINABASA MO ANG
Second Best 「 Choi Soobin 」✓
Fanfic"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw." "Iniinsulto mo ba ako?" "Hindi. Sinasabi ko lang sayo ang katotohanan na second option ka lang." SECOND BEST Choi Soobin X Reader