34

525 31 28
                                    

Suri;

Malapit na mag 8 am pero nandito pa rin ako sa kwarto. Nakatitig lang ako sa puting box na ibinigay ni Lia kagabi.

Pupunta ba ako? Ano namang gagawin ko dun? Papanuorin yung katangahan ni Soobin ganun? Ginulo ko yung buhok ko.

"Aish jinja! Mas mabuti pang pumasok na lang ako sa school."

Akmang tatayo nung biglang bumukas ang pinto. Bumungad sakin si Sura.

"Ano?"

Tanong ko sa kanya.

"May extra ballpen ka ba jan? Pahiram naman."

Ani niya. Napairap ako at kinuha yung extra ballpen ko sa bag.

"Oh ito."

Sabi ko sabay abot ng ballpen. Napatingin naman siya sa likod ko.

"Ano yan?"

Tanong niya sabay turo ng nguso niya sa box. Kinuha ko yung box at ibinigay sa kanya.

"Ibigay mo na lang yan sa girlfriend mo. Kung wala kang girlfriend, ibenta mo na lang."

Ani ko at naglakad papalabas ng kwarto. Nagkibit balikat lang si Sura at tinignan kung ano ang nasa loob. Nagpaalam na ako kay mama at lumabas ng bahay. Papasok ako. Bahala na yung walang kwentang si Soobin. Mabulok na sila ni Lia.

Soobin;

Umakyat si Seulbin yung sa stage. Everyone turn their attention to him. He looked at me and nodded.

"Good morning to our partners, respected guest and friends..."

Simula niya. Some greeted him back.

"Today I am going to announce a lot of things to you. I know, you heard the rumors about me and my condition. And yeah it's true, I'm dying..."

Nagbulungan ang lahat.

"May taning na ang buhay ko and with the little time I have I came up with a decision. I already chose the next CEO who will handle the Choi Group o Companies."

Mas lumakas ang bulung bulungan. They were gossiping kung sino ang magmamana ng kompanya. Some looked at me pati si Lia. She gave me her sweet smile.

"Ladies and Gentlemen, I am honored to announce to you the new CEO of Choi Group of Companies..."

The hall became quiet. They are anticipating kung kaninong pangalan ang lalabas sa bibig ni hyung.

"Choi Eunbin!"

Lia;

"Choi Eunbin!"

Natigilan ako sa sinabi ni Seulbin. The smile on my face vanished as he called her sister's name. Wait, did I hear it right? Si Eunbin unnie ang bagong CEO? Hindi si Soobin??

A woman came in to the hall. With her beautiful face and intimidating aura, I can say that she is really Eunbin unnie. The ran away girl. The girl who I was once my role model when I was a kid.

Nagpalakpakan ang lahat. She came on the stage and smiled.

"Good morning. I'm Choi Running the new CEO of the Choi Group of Companies."

Eunbin unnie said. Nagpalakpakan ang lahat.

No... It can't be. Soobin should be there. Dapat si Soobin ang maging CEO!! Tumingin ako ako kay Soobin. Hindi man lang siya nagulat.

So he knew??

Umakyat siya sa stage at may ibinigay na white folder sa kapatid niya.

"Also, I have an important announcement."

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon