Suri;
Alas kwarto na ng hapon. Lumabas na ako ng coffee shop at laking gulat ko nung nakasalubong ko ang kakarating lang din na si Yeonjun. Ang gwapo niya. Bumagay sa kanya yung ayos niya ngayon. Nginitian niya ko. Yung puso ko, nagwawala na naman.
"Tara na?"
Ani niya. Tumango ako bilang sagot. Sabay kaming naglakad. Natigilan ako nung bigla niyang pinagtiklop yung kamay namin.
"May problema ba?"
Tanong niya nung napansin niyang naninigas ang kamay ko. Napakamot ako sa batok ko at ngumiti ng pilit.
"Pasensya na, naninibago lang ako sa tuwing hinahawakan mo yung kamay ko. Hindi kasi ako sanay."
Sagot ko. Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Humarap siya sakin at tinignan ako sa mata.
"Well, simula ngayon lagi ko ng hahawakan ang kamay mo kaya dapat masanay ka na."
Sabi niya. Nginitian niya ako at ginulo ang aking buhok. Ang cute niya pag ngumingiti. Nahuhulog ako lalo sa kanya. Naglakad uli kami at napunta sa isang parking area ng isang department store.
"Hintayin mo ko dito. Kukunin ko lang yung kotse."
"Sige."
Nakatayo lang ako sa may gilid ng entrance ng parking lot. Agad namang nagvibrate yung phone ko sa bulsa. Si Beomgyu, tumatawag. Sinagot ko yung tawag niya.
"Yobosaeyo?"
"Noona, kasama mo ba si hyung?"
"Oo, kasama ko si Yeonjun. Bakit?"
"Ang ibig ko pong sabihin ay si Soobin hyung."
"Hindi eh. Si Yeonjun lang yung kasama ko. Wae?"
Nakarinig naman ako ng isang buntong hininga mula kay Beomgyu. Bahagyang kumunot yung noo ko.
"May problema ba?"
"Tinawagan po kasi ako ng kuya ni Soobin hyung kanina. Hindi pa daw siya umuuwi sa kanila. Nagpaalam daw po si hyung na pupunta sa inyo. Eh hindi niya naman po kayo kilala kaya ako na lang yung pinaki usapan niyang tawagan kayo."
"Maaga siyang umalis ng bahay kanina. Ang sabi ni mama umuwi na daw siya. Loko loko talaga yung lalaking yun. Saan na naman kaya yun pumunta?"
Beeeeeeep!!
"Jusmiyo marimar!"
Nagulat ako sa tunog ng busina ng isang sasakyan. Tumingin ako sa likod at nakita si Yeonjun sa loob ng kotse. Lumabas siya mula sa driver seat.
"Tatawagan kita mamaya."
Paalam ko kay Beomgyu at pinatay ang tawag. Pibagbuksan ako ni Yeonjun ng pinto. Pumasok ako sa loob ng kotse. Isinara niya ang pinto ng kotse at pumasok na rin. Pinaandar niya ang makina at nagsimulang magnaneho.
"Sino yung kausap mo kanina?"
"Si Beomgyu. Hinahanap niya si Soobin sakin di pa kasi siya umuuwi sa kanila."
"Bakit niya naman hinahanap si Soobin sayo?"
"Pumunta kasi si Soobin sa bahay namin kagabi. Nakitulog siya samin. Kailangan niya daw ng peace of mind kaya nakitulog siya sa ibang bahay."
Pagdadahilan ko. Tumango naman si Yeonjun.
"Close talaga kayo ni Soobin no? I envy him."
Ani niya sabay tingin sakin.
"Hindi kami close. Sadyang may mga bagay lang talaga na sakin lang niya nasasabi kaya siya dikit ng dikit sakin."
Bahagya namang kumunot yung noo ni Yeonjun sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Second Best 「 Choi Soobin 」✓
Fanfiction"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw." "Iniinsulto mo ba ako?" "Hindi. Sinasabi ko lang sayo ang katotohanan na second option ka lang." SECOND BEST Choi Soobin X Reader