Third Person's POV
Tatlong katok ang narinig ni Leo mula sa pintuan ng kanyang opisina.
"Come in."
Pumasok si Jisung mula sa pintuang iyon. Hindi na ito nagulat sa presensya ng kanyang anak sa ibang babae. Ibinaling ulit nito ang kanyang atensyon sa mga papeles na kanyang ginagawa.
"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?"
Tanong ni Leo sa kanyang anak. Lumapit si Jisung sa kanyang ama. Hindi niya gusto ang matanda. Sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala niya ang mga kalapastanganang ginawa nito sa kanyang ina.
"May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Choi Seulbin?"
Diretso sa puntong sabi ni Jisung. Nag-angat ng tingin si Leo.
"Patay na pala ang panganay na lalaki ng mga Choi? Nakakalungkot naman ang balitang yan."
Napatawa ng sarkastiko si Jisung sa sinabi ng kanyang ama.
"Come on, stop acting. Hindi bagay sa demonyong tulad mo."
Ani nito. Nag-iba ang timpla ng mukha ni Leo.
"Pumunta ka lang ba dito para insultuhin ang ama mo? Baka nakakalimutan mo dugo ko ang nalalalaytay diyan sa ugat mo."
Sabi ng matanda habang dinuro ang kanyang anak.
"And I hate myself for that. I hate myself for existing and having a father like you!"
"You are such a disgrace to this family! You bastard!"
"No, I'm not but you are! And please stop involving Lia in your shitty selfish plans. Wag mong idamay ang kapatid ko sa mga ka demonyohan mo!"
"What we are doing is right! Ginagawa lang namin kung ano ang dapat at tama."
"Ang tama? Tama saan? Tama ba ang paghihiganti? Tsaka bakit niya kailangang paghigantihan ang mga taong wala namang kasalanan? Akala mo ba di ko alam? Diba pinatay mo ang ina ni Lia? It's not suicide. You killed Celestine para ma-solo mo ang lahat ng yaman niya at ng pamilya niya!"
Sigaw ni Jisung. Walang ano ano'y binunot ni Leo ang baril sa kanyang likod at itinutok ito sa noo ng ni Jisung.
"Gusto mo bang isunod kita sa kaniya? O baka naman gusto mong si Lia na lang para makasama na niya yung nanay niya?"
Kumuyom ang kamao ni Jisung. Tila nasa sukdulan na ata ang kasamaan ng kanyang ama.
"Wag mong idamay ang kapatid ko dito kung ayaw mong isisiwalat ko lahat ng baho mo."
Tumawa ang matanda at inilagay ang baril sa mesa. Ilang sandali pa ay nagbago ang timpla ng mukha nito.
"Subukan mo lang at hindi lang ang kapatid mo ang papatayin ko kundi pati na rin ang babaeng yun."
Tumiim ang bagang ni Jisung.
"Wag na wag mong gagalawin si Suri! Wala siyang kinalaman dito!"
Tumawa ulit si Leo. Alam na alam niya talaga ang kahinaan ng kanyang anak.
"Kilala mo ko Jisung, ginagawa ko ang lahat mawala lang sa landas ko ang mga taong humahadlang sa akin. Kung gusto mo pa silang mabuhay..."
Lumapit ito sa kanya at bumulong.
"Manahimik ka."
Ani ng matanda and tapped his shoulder.
"It's not a warning my son, it's an order."
-------------------------------------
Kinakabahan man ay pumasok pa rin si Lia sa venue kung saan nagaganap ang funeral ni Seulbin. Maraming tao ang dumalo kasama na dito ang mga empleyado at malalapit na kaibigan ng mga Choi. Napatingin ang lahat kay Lia at meron pang nagbubulungan. Hindi nila inaasahan ang presensya nito.
Sinalubong siya ni Eunbin. Handa na siya kung sakali mang sasabihan siya nito ng masasakit na salita pero laking gulat niya nung binigyan siya nito ng ngiti.
"I thought that you will not pay a visit. Thank you for being here. I'm sure that my brother is happy to see you."
Ani nito. Lalo tuloy siyang na guilty. Mabait na tao si Seulbin. Ilang beses na siyang tinulungan nito. Nung na depress siya sa pagkamatay ng kanyang ina, isa ito sa mga umalalay sa kanya. Pero hindi pa rin sapat yun para mawala ang galit niya sa mga Choi.
"My deepest condolence to your family..."
Sabi ni Lia. Tumango si Eunbin at binigyan ulit siya ng simpleng ngiti. Lumapit siya sa cremate jar ni Seulbin. Gusto niyang umiyak pero ayaw niyang magpakita ng kahit anong indikasyon na nagdadalamhati siya.
Ilang sandali pa ay tumalikod na siya dito. Akmang maglalakad nung nakasalubong niya si Soobin. Mugtok ang mga mata nito na halatang kakagaling lang sa pag-iyak. Walang emosyon ang kanyang mukha at magulo ang kanyang buhok. Nagtama ang mga mata nila.
"Condolence."
Tipid na sabi ni Lia kay Soobin at nagsimulang maglakad paalis.
"Masaya ba?"
Napatigil si Lia sa paglalakad dahil sa sinabi ni Soobin. Lumingon ito sa binata.
"Masaya bang makita na nagdudurusa kami? Ang gaan ba sa pakiramdam na wala na ang kapatid ko?"
"Isipin mo na ang gusto mong isipin pero hindi ako nandito para-"
"Stop it. I don't want to hear your lies. Siguraduhin mo lang na wala kayong kinalaman ng tatay mo sa pagkamatay ng kapatid ko. Pag nalaman kong kayo ang nasa likod ng lahat ng ito, hinding hindi kita mapapatawad."
Seryoso at may pagbabantang sabi ni Soobin at umupo sa isang silya sa may gilid. Dali-daling umalis si Lia sa silid. Pagdating niya sa labas ay agad siyang sumakay sa kotse.
Agad kumawala ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Hindi niya kinaya ang sinabi ni Soobin kanina. Ang mga mata nito, kung dati ay tinitignan siya nito na para bang siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay ng binata. Ngayon, isa na lang siyang basahan na walang kwenta.
Pinaandar niya ang kanyang kotse at humarurot papunta sa kanyang condo. Pagdating niya sa kanyang unit, dumiretso siya sa wash room at kinuha ang kanyang pills sa medicine cabinet.
Nanginginig ang kanyang kamay habang kumukuha ng iilang tableta ng gamot. Sinubo niya ito. Tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin. She is a mess. She is a liar. She is definitely a monster. She don't deserve to be loved.
Napaupo siya sahig at umiyak. Bumalik sa kanya lahat ng takot, lungkot at pag-iisa dahil sa inasal at sinabi ni Soobin kanina.
She feel so scared of him and scared for being alone again for the second time. Sa tingin pa lang ng mga tao kanina sa funeral, pakiramdam niya ay kinamumuhian siya ng lahat. Mababaliw na siya, hindi niya kayang maulit ulit ang nangyari sa kanya dati.
Pumunta siya sa kusina at kinuha ang kutsilyo. Itinutok niya ito sa kanyang dibdib. Nanginginig ang kanyang kamay at tuloy sa pagbagsak ang kanyang luha. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Handa na siya. Isasaksak na sana niya ang kutsilyo sa kanyang sarili nung may narinig siyang pagsigaw.
"Lia No!!"
Agad pinigilan ni Jisung ang kanyang kapatid. Kinuha niya ang kutsilyo mula sa mga kamay nito at itinapon sa kung saan.
"What are you thinking!? Baliw ka na ba ha!?"
Napaupo siya sa sahig.
"Jisung, ayoko na... Gusto ko ng magpahinga."
Umupo rin si Jisung para mapantayan si Lia. Niyakap niya ito.
"Gwaenchanha... Gagawin ko ang lahat. Ilalayo kita dito."
Ani ni Jisung at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang kapatid. Ito na lang ang nakikita niyang paraan para mailigtas si Lia, ang lumayo.
BINABASA MO ANG
Second Best 「 Choi Soobin 」✓
Fanfiction"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw." "Iniinsulto mo ba ako?" "Hindi. Sinasabi ko lang sayo ang katotohanan na second option ka lang." SECOND BEST Choi Soobin X Reader