Relyn POV
"Relyn hindi pa ba tapos iyang niluluto mo!" Sigaw ni mama sa sala habang akoy nandito sa kusina nakikipaglaban sa mantika.
"Malapit na ho!!" Sigaw ko at pinatay na ang stove at dali daling pumasok sa kwarto ng dalawang kambal.
"Kambal gumising na kayo " yugyug ko sa dalawa pero si tamtam lang ang tumayo at kinukusot pa ang mata niya.
"Tamtam gisingin mo na si matmat baka malate na kayo sa school niyo " tumayo na run so matmat ng narinig niya ang pagsigaw ng kapatid.
Kaya lumabas na ako ng kwarto para makapaghain na rin ng umagahan, buti nalang ay nakaligo na ako , magbibihis nalang ako mamaya ng uniform.
Kumain na ang kambal at ako ay inaayos ang kanilang nga damit sa kwarto nila. "Kambal mauna na ang ate " sabi ko sakanila tumango naman , baka late naman ako sa school nito .
Buti nalang ay may jeep akong nakita kaya mabilis akong nagpara. Napatingin ako sa relo ko.
Shook ayaw ko kung malate siguradong aasarin nanaman ako ng dalawa kung kaibigan sa school kasi yung si nath nasa maynila.
"Hoy! Vixen buti nakahabol ka pa " bungad saakin ni Delia , buti nalang talaga kung hindi nasaraduhan na siguro ako ng gate.
"Buti nalang " sabi ko at tumungo sa aming klase.
Mabilis ang oras kaya , pumunta kami ng cafeteria upang magmeryenda bago pumasok saaming klase , umaga lang ang klase namin ngayon dahil may gagawin ang mga teacher.
Alas kwatro nang hapon ay sinundo ko ang kambal sa kanilang school. Dumaan na rin kami sa palengke upang makabili ng pang-gabihan.
Nang nakarating kami sa bahay ay inayos ko na ang mga pinamili upang makapag-luto na ako. Dahil alam kung pagod si mama sa katratrabaho ito lang ang maitutulong ko sakanya.
"Eh...ikaw ba renalia may boyfriend na?" Napatingin ako kay mama dahil sa bigla niyang tanong sa gitna ng hapag kainan.
"Wala po ma "sabi ko.
"Mabuti naman ,kung mag-aasawa ka naman yung may pera yung kang buhayin " nakikinig ako sa parating sabi ni mama iyan saakin ...hayst ! Diko alam ang advance magisip ni mama.
Pagkatapos kumain ay ako na ang nag hugas ng mga plato, nang natapos na ay pumasok na ako sa kwarto ko , nakita ko ang picture ni papa .
"Pa .. Kamusta na po kayo dyan ? Kami okay lang po " nakanigiti kung sabi habang nakasulyap sa langit.
Simula ng namatay ang papa at walang ginawa ang mama kundi ang matrabaho...naalala ko nong 12 years old ako nakita ko ang dalawang kambal sa basurahan sa tapat ng bahay namin kaya walang ginawa ay kinukop namin sila.
Nagulat ako ng biglang nagtext si vena. Napangiti rin ako sa huli , Nabigyan kami ng ilang araw na bakasyon dahil daw may ganap na mangyayari dun.
"Renalia!!" Umagang -umaga ang boses na iyo ang naririnig ko , kaya lumabas ako ng bahay nakita ko si Delia na sumisigaw at si Vena .
"Ano bang problema niyo...Kaaga-aga nabubulabog kayo"
"Shunga! Nabalitaan kasi nami na umuwi si nathasia" masayang sabi nila.
"Talaga!"
"Oo nga wag nang makulit" mabilis akong pumasok ng bahay para makapagbihis.
Masaya kami na nakita namin ulit si nathasia hindi niya sinabi na may asawa na ang bruha , okay na rin iyon ng maging ninang na ako .
Habang naguusap-usap kami ay may sumingit na dalawang lalaki at nagpakilala kay delia at vena , Napatingin naman ako sa likod nila .
Isang Poging lalaki , Matangos ang ilong ,makapal na kilay , maganda ang mga mata, maganda rin ang kurba ng labi at malinis ang ayos ng kanyang buhok.
"Ako hindi mo namlang tatanungin?" Nakangiti kung tanong , gumagana naman yang pagka-bitch mood mo relyn,
"Why would I" wow! Englishero si Kuya, napangisi nalang ako .
Hindi nagtaggal ay palubog na ang araw kaya nagpaalam na rin kami, at ang malungkot ang dalawa kung kaibigan ay hinatid samantalang ako naiwan , kaya naisip kung hilain nalang si nike.
Naglakad lang kami dahil malapit lang pero nakatakot sa daan madilim na , Narinig ko nalang ang pagsinghap niya sa likod ko.
Crush ko na talaga itong lalaking to kahit anong gawin niya ang pogi pa rin.
"May girlfriend kana?" Nabigla ata siya sa tanong ko. Siguro hindi niya inaasahan ang sinabi ko dahil babae ako.
"Tsk " yan lang ang tanging sagot niya saakin , sungit sungit talaga nitong lalaking ito.
Napangisi nalang ako sa naiisip ko. "Paano ba yan babe , dito na ako bye" ngiti kung sabi sakanya , hindi na ako lumingon para hindi makita ang namumula kong mukha dahil sa kahihiyan na ginawa ko .
Pero kahit mukha naiinis at ang gwapo pa rin niya ,sayang ngalang dahil hindi siya magandang kausap.
Hayst!!