CHAPTER: 7

194 7 0
                                    

"Relyn" napatingin ako sa katabi ko si helon pala may inabot siya saaking tubig.

"Mukhang nauuhaw kana kasi" nakangiti niyang sabi kaya ngumiti rin ako.

"Salamat " at tinanggap nalang iyon at tinuon ulit sa kumakantang studyante ,napasulyap naman ako Kay Nike na matalim na nakatingin saakin.



Pagkatapos iyon ay nagpaalam na rin siya dahil may practice pa raw sila ng basketball.

"Ms. Herminez pwede bang ikaw muna ang maghain ng makakain ng ating bisita" tumango naman agad ako sa principal.

"Saan po ba?" Tanong ko Kay ma'am
"Saaking opisina " tumango naman ako at magalang na nagpaalam ,sumulyap ako saglit Kay Nike bago umalis.



Tinali ko ang aking buhok ng maigi at inayos ang lamesa kung saan kakain ang mga bisita , nagtataka kayo siguro kung bakit ako kilala ni ma'am principal , dahil ako ang lagi sinasali sa mga contest ng cookery at bread and pastry.

Napatayo ako agad dahil sa biglang pagbukas ng pinto kaya mabilis kung inayos ang upuan na nagulo ko dahil sa pagtayo.


"Oo nga pala si Ms, Herminez ang nag-ayos into " sabi ni maam principal kaya napayuko nalang ako .



"Aalis na po ako " paalam ko Kay ma'am principal.


"Nako wag muna hija , dito ka Mina baka may ipautos pa sila " kaya napatango nalang ako at tumungo sa isang maliit na lamesa.




Sumulyap ako kay nike na nakataas ang kilay na nakatingin saakin,tumingin naman ako sa kamay niyang nasa baywang ng babae, sumimangot ako at tinalikuran nalang sila.


"Tsk ...ang landi" bulong ko nakakainis bakit hindi siya ganon saakin. Siguro sexy gusto lang manantsing ng mokong to.

Sexy naman ako ah!!...tsk lalaki nga naman bahala siya dyan .


Nakaupo lang ako at nakikinig sa pinag-uusapan nila nakakaboring medyo kumakalam na rin ang tyan ko sa gutom.


"Ms. Herminez kung nagugutom ka kuha kalang dyan" sabi ni maam saakin kaya tumango nalang ako bilang sagot.


Kumuha ako ng ilang putahe at nilagay iyon sa plato ko , sa gilid ng mata ko ay nakita ko si nike na mariing nakatingin saakin.



Kukunin ko sana ang isang pineapple pero may tumusok dito , napatingin ako kay nike na nakataas ang kilay , kaya tinusok ko rin ang tinidor ko at mabilis na inagaw ito at agad na nilagay sa plato ko ,nakaawang ang labi nito , inirapan ko nalang siya at umupo.



Nilantakan ko ang pagkain sa harap ko , buti nalang talaga ay nakatalikod ako sakanila. Narinig ko ang pagbukas ng pinto siguro ay lumabas sila dahil wala akong narinig na ingay , hindi na rin ako lumingon dahil busy ako sa pagkain.



Kukuha sana ako ng softdrinks nang may naglapag nito sa lamesa , umangat ang tingin ko dito.Kinuha ko yun at ininom pero hindi pa rin siya umalis sa tabi ko, kaya tumayo ako at nilagay ang plato sa lababo.



Nakatitig lang ito saakin , kaya napakunot noo naman ako,napatingin ako sa kanyang labi kaya kumuha ako ng tissue at pinunasaan ang gilid ng labi niya na may ketchup pa.


"Kalalaking tao , para talagang bata " kumunot ang noo niyang tingin saakin.



Nagulat ako at naitulak ko siya dahil sa biglang pagbukas ng pintuan kaya lumapit ako sa mesang pinagkainan nila at kinuha ang mga pinggan dun.



"Herminez , maari ka nang umuwi "



"Salamat po " at kinuha ko ang bag ko nakayuko ako ng dumaan sa harap ni nike. Napakagat labi nalang ako dahil sa kahihiyan kanina.


Tinignan ko ang orasan naalala ko ang kambal , tsk walang dumadaang sasakyan.
Nang may humintong kotse sa harap ko at bumukas ang tint na bintana , nakita ko si nike ,kaya inirapan ko nalang siya.


"Sakay" Bossy ang boses niya at malamig kaya sumakay na ako.


Tinuro ko ang daan patungo sa school ng kambal .

"Hindi ko alam na ikaw pala may ari ng school na iyon"


Hindi siya sumagot naka-fucos lang siya sa pagdra-drive at hinito sa tapat ng isang elementary school kaya bumaba na ako.


"Ate bat ang tagal mo" tumakbong sabi ni matmat saakin at sumunod din si tamtam .


"Kasama mo pala si kuya nike" sabi ni tam kaya napatingin ako sa likod ko na lumabas siya sa kotse niya.





"Oo , pero paalis na rin ang kuya nike niyo " sabi ko at bumaling kay nike na nakatingin ng matalim saakin.



"Bye, kuya nike!" Sabay nilang sabi


Pinat ko ang ulo ng kambal at tumingin sila saakin na nakangiti . Sinundan ko ng tingin ang sasakyan niya hanggang sa mawala na sa paningin ko.


Nagpara ako ng jeep , at mabilis rin kaming nakarating sa bahay . Nadatnan namin si mama . "nandito na po kami " at nagmano bago ako tumungo saaking kwarto.




Ano kayang iniisip ni babe nike ngayon ,siguro kasama niya yung babaeng maputi kanina.



THIS MAFIA Where stories live. Discover now