CHAPTER:10

213 8 0
                                    


Habang nandito kami sa cafeteria ay nakita ko si Nike na naglalakad , kaya mabilis kung inaayos ang gamit ko tsaka nagpaalam sakanila vena at hinabol si nike.

"Nike!!! Este Sir nike!!!" Sigaw ko hinabol ko siya dahil tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko kahit alam ko naman kung saan.

"Office " simpleng sagot niya tumango-tango naman ako. Hindi niya talaga ako pinapansin.

"Ay...snobber si kuya " asar ko sakanya kaya napatungin siya saakin saglit at pumasok sa kanyang office kaya sumunod ako sakanya.

Umupo siya sa kanya swivel chair at napatingin ito saakin kaya ngumiti ako ng napakaluwang yung kita ang gilagid. At iniwas ang tingin saakin bago tinuon ulit ang sarili niya sa mga papel na NASA kanyang harap.

Naghanap ako ng mga magazine ng naka-display ,tungkol ito lahat sakanya. Nagbasa ako tungkol sakanya.

"Wala kang klase ?" Malamig nitong sinabi kaya napatingin ako sakanya mabilis na lumapit at umupo sa harap ng kanyang mesa.


"Sikat ka pala sa ibang bansa " pamamalit kung sabi sakanya.

"Don't change the topic"

"Ahmmm ...kasi..." Buti nalang ay nakaisip agad ako ng dahilan. "Kasi sumasakit ang ulo ko " nilikut ko ang mukha para mas mukhang totoo.

"Enough your drama " kaya napaupo ako nang matuwid at napabusangot nalang.

"Babe , sorry na kasi " pa cute kung sabi dito.Napahawak nalang siya sa bridge nang ilong niya.

Walang nagawa kaya mabilis siyang sumagot "fine " napangiti ako.






"Okay, bye babe " mabilis akong tumakbo palabas nang office niya at pumunta sa klase ko. Masaya akong pumasok sa aking room.

"Ms. Herminez your late "

"Sorry ma'am "at umupo sa tabi ni vena ,tinanong niya ako kung among nangyari at kung saan pa ako pumunta ,pero ngumiti lang ako dito.


Mabilis akong lumabas nang huling klase namin nang tapos na. "Mauna kayo " sabi ko sakanila delia at vena at mabilis na tumakbo .

"Saan ka pupunta!!? " sigaw na tanong ni vena saakin.

"Babye !" Kumaway ako sakanila mabilis akong tumungo sa office ni nike.


Tinignan ko mula ang sarili sa salamin na dala ko , at pinunasan ang pawis sa aking noo , inayos rin ang nakusot-kusot na damit dahil sa pagtakbo bago kumatok sa pinto.

"Come in" kaya sumulyap ako nang tumingin siya at napatuwi ako ng tayo bago lumapit sakanya.

"Tapos na ang klase namin kaya tumungo na ako rito " nakangiti kung sabi , suminghap naman siya at tinuon ulit ang tingin sa papel na hawak niya.

Naintriga ako kaya lumapit ako para tignan rin iyon , Napaka-importante namang papel na ito pati ako ay binabaliwala lang.

"What are you doing ?" Tanong niya ramdan ko ang hinga niya sa pisngi ko .

"Huh?" Sumulyap ako sakanya hindi sinasadya nang  naramdaman ko ang malambot na bagay sa saaking labi.

Nagulat ako sa nangyari mabilis akong tumayo , feeling ko ay pumunta lahat ng dugo sa pisngi ko, ang init!!


Tumuwid ako ng tayo at dumiretso nalang sa malaki niyang sofa sa tabi ng kanyang mesa , nahihiya akong tumingin sakanya dahil sa nangyari. Freak !!



Napatingin ako sa babaeng biglang pumasok sa office ni Nike , nakasuot siya ng fit na dress hanggang gitna ng hita nito, sexy , maganda at makinis .

"Ohh! May bisita ka pala , hi " ngumiti itong sumulyap saakin at tumango lang ako , sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumapit siya sa mesa ni nike.

Tumingin si nike saakin na para bang walang nagyari kaya napairap ako sakanya. Tsk! Sana pala hindi nalang ako pumunta rito may bisita naman pala siya, nag-sayang lang ako ng oras , siguro ay kailangan ko ng umalis.

Pero nagulat ako nang niyakap niya si Nike mula sa likuran ,parang may kumurot sa dibdib ko , suminghap nalang ako at iniwas ang tingin sakanila.


"Ahmm...a-aalis na po ako SIR " i emphasize themm sir , yumuko akong lumabas ng kanyang office.

Nang naisarado ko na ay tumuwid ako sa pagkakatayo at para bang may bumababara sa aking lalamunan.

Sana pala hindi na ako pumunta para hindi na rin ako nagsayang ng oras sakanya , kaya ba hindi niya ako malingon-lingon dahil dun sa babaeng yun. Sexy ba ang gusto ng lalaking iyon, bakit sexy naman ako ah...dahil sa inis ay natadyakan ko ang pintuan ng office niya kaya mabilis akong tumakbo paalis.


"Tapos ng halik na iyon, makikipag-halikan ulit " inis kung sabi habang tinatadyakan ang mga batong nasa daan.

Pakasaya ka Nike, napakababaero mo ,tapos ako hindi mo namlang malingon-lingon bat ba napaka-unfair mo.

Napatalon ako ng may biglang bumusina saakin kaya mabilis akong tumabi para makadaan dun, dahil sa inis hindi ko sinasadyang sumigaw.



"Mabangga ka sana!!! " sigaw ko at mabilis akong sumakay ng jeep para makauwi. Nakasimangot akong humiga sa aking kama , ano kayang ginagawa nila.


Napaupo agad ako sa kama dahil hindi mapakali sa iniisip ko , kaya tinipa ko ang numero niya upang tawagan pero nakapatay ang phone niya. Tsk bahala siya sa buhay niya!!

.
.
.
.
.
.
.
.
.
Thanks to support 😍

THIS MAFIA Where stories live. Discover now