Tatlo kaming hindi mapakali saming kinatatayuan dahil na rin sa pangamba kung ano nang nangyari sakanila. Ang kambal naman ay nasa kanilang kwarto at tulog pa.
Alas sais nang umaga, ng tumunog ang cellphone ni vena at mabilis na sinagot ito niloud speaker, Laking pasasalamat namin ng narinig ang boses ni Nath sa kabilang linya.
"Hello nath ayos kalang?/Are you fine?/ Nasaktan ka ba?" sabay sabay namin tanong namin sa kanya. Narinig naman namin ang halakhak niya sa kabilang linya at gumaan ang loob namin dahil mukhang ayos lang naman siya.
"Guys , I'm fine Nandito na kami ngayon kay zack" nagkatinginan kaming tatlo.
"okay pupunta kami dyan" mabilis kung sinabi, at mabilis na ginising na ang dalawa.
Kumuha na rin ako ng gamit nila. Tumayo sila at pumunta sa kusina at bumalik uli sa kwarto.
"ate bat wala pang almusal?" tanong ni tamtam.
"Hindi muna kayo papasok may pupuntahan tayo" sabi ko sakanila. At mabilis din nagbihis saaking kwarto.
Kaya bumili nalang ako sa drive thru para sa almusal ng kambal para hindi sila malipasan ng gutom, nauna na ang dalawa kaya nakita ko nalang ang dalawang nakapark na kotse, kaya doon ko nalang din pinark ang kotse ko at lumabas ng sa sasakyan , sumabay na din ang kambal.
Nang nakita ko si nath ay lumapit ako sakanya at niyakap siya. At napansin kung may pasa siya sa pisngi. But I'm also glad that she is okay.
"Si zam " tanong ni delia kay nath, nakita parin namin ang takot sa mata dahil sa nangyari siguro kay zam, subrang bata niya pa para maranasan iyon.Huminga ito ng malalim.
"He is fine, Nakatulog siya sa kwarto ngayon" napatango-tango na rin kami.
"Salamat naman" sabi ni delia, napatingin naman kami kay Nath na nagpipiggil ng tawa. Habang nakatingin saamin.
"Anong nangyari sainyo ,para kayong zombie" napasimangot nalang kami dahil sa sinabi niya.
"Hindi kaya kami nakatulog dahil sa pag-alala sayo " tumiggil naman siya sa pagtawa at tumingin saamin.
"Thank you sainyo" ngumiti niyang sabi.
"Matulog muna kaya kayo" Sabi niya saamin na nakakaramdam na ng antok. Kaya pumayag na rin kami dahil hindi na rin kaya ng aming mga mata. Naiwan naman ang kambal kay Nath.
Tumungo ako sa kwarto na itinuro ni Nath saakin. Pabagsak na din ang mata ko hindi ko na pinansin ang tao na nasa harap pinihit ko na ang doorknob at ibinagsak ang katawan sa kama.
Nagising ako ng 12'o clock kaya lumabas na ako ng kwarto kinusot-kusot ko ang aking mata.
"Gising kana pala" Napatingin ako kay nath na may hawak na juice.
"Yung kambal nga pala" tanong kay nath dahil hindi ko sila nakikita.
"Kumain ka muna " tumango ako at narinig ko naman si vena at delia na masayang nagkwekwentuhan.
"Nagbabasket ball sa labas ang dalawa" sabi niya saakin kaya napatango nalang ako.
"Buti naman at okay na kayo ni zack " sabi ko sakaniya.
"Kayo ba ni nike?" aniya umiwas naman ang tingin ko sakanya . "Sorry" sabi niya at napagpasyahang ihatid ang mga jiuce na hawak niya.
Tumungo ako sa kusina para makisabay sa dalawa at nakisali sa mga kwentuhan nila.Nang natapos na kaming kumain ay tumungo na kami sa likod ng bahay nila kung saan ang basketball court nila. Nakita ko ang kambal napatingin din ako kay nath na katabi si zam na nasa walking niya. Kaya umupo nalang kami sa damuhan.