Nagising ako dahil biglang tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko iyon sa mesa na malapit sa kama.
"Hello?"
"Ate si matmat to " napabangon ako ako sa higaan.
"Bakit kayo napatawag?" Tanong ko.
"Si mama nagagalit ang pinaalam mo sakanya ay dalawang araw kalang dyan?" Freak...oo nga pala.
"Sige sabihin mo na pauwi na ako" mabilis kung pinatay ang tawag, tumayo ako para mag-impaki ng gamit ko.
Tumayo si nike at napatingin sa direksyon ko kaya lumapit ito saakin.
"Aalis kana?" Aniya
"Hinahanap na ako ni mama , ang pinaalam ko kasi ay dalawang araw lang ako"
Tumango naman ito sa sinabi ko wala na rin akong time para maligo kaya nagbihis nalang ako.
Nakita ko rin si Nike na nagaayos na run ng gamit niya.
"Akala ko ba tatlong linggo kapa dito" tanong ko sakanya at zinipper ang bag na dala ko.
"Wala akong kasama eh. Tsaka wala ka dito " oh...haba nang sinabi niya first time.
Napakibit balikat nalang akio sa sinabi niya kahit na feeling ko ay namumula ako.
Tahimik kami sa boung byahe ni walang gustong magsalita saamin, hanggang sa nakarating na kami sa bahay.
"Salamat sa paghatid " sabi ko ng lumabas ng kanyang sasakyan.
Nakita ko ang kambal na ginagawa ang mga assingment nila. Kaya nang nakita nila ako ay tumakbo sila saakin.
"Ate!" Sabay nilang sinabi at niyakap nila ako kaya gumanti nalang ako ng yakap.
"May dala ako " pinakita ko ang dala Kong chocolate sakanila nakita ko ang mata nila na lumuwang at tuwang tuwa sila dahil sa nakita. Napatingin naman ako kay mama na lumabas galing sa kusina.
"Ma sorry po kasi marami pong ginawa duun kaya ngayon lang ako nakauwi" kinuha ko ang pera sa bag ko " Ito po yung sweldo ko para daw po sa pagtulong ko" at inabot ko sakanya.
Kinuha ni mama ang pera " salamat" ngumiti lang ako sa sinabi , atleast hindi galit si mama saakin.
Maaga akong pumasok para makahabol ako sa ibang mga subject.
"Relyn!" Napaatingin ako kay vena at delia na tumatawag saakin.
"Kamusta ?" Tanong ni delia.
"Okay lang naman" sabi ko sakanila at tumahimik ang classroom dahil biglang dumating ang prof.
Nang natapos and klase at tumungo kami sa cafeteria. Napatingin ako sa kabilang table kung nasaan si helion at ang mga kabarkada niya.
Nang nakita niya ako ay kinuha niya ang isang mineral water na hindi niya pa nagagamit at lumapit saakin.
"Water baka nauuhaw ka" nakangiti nitong sabi saakin.
"May pera siya kaya naman niyang bumili ng tubig " pambabasag ni delia.
"Kaya nga " pag sang ayon naman ni vena. Pinanlakihan ko sila ng mata at inirapan.
Napatingin kami sa entrance ng cafeteria , tumayo kami upang batiin si nike.
"Magandang umaga po" bati lahat ng studyante.
Mariin naman itong napatingin saakin at sa katabi kung si helion at bumalik ang tingin niya saakin na matalim. Tinaasan ko siya ng kilay .
"Mukhang may naamoy kami " nagkatinginan si vena at Delia kaya tinitigan ko sila ng masama.
"Anong amoy?" Takang tanong ni helion.
"Amoy mo" napasinghap nalang siya dahil sa sinabi ng dalawa
"Sige alis na ako"
"Pasensya kana , ikaw pa ang napagtripan ng dalawa" ngumiti lang ito saakin .
"Okay lang iyon" at bumalik na siya sa mga kabarkada niya.
"Ano ba naman kayo , pati si helion pinag-tritripan niyo" sabi ko sakanila.
"Oyy , pinatatanggol niya ano wala na ba si papa nike " pang-aasar saakin delia kaya nakisabay na rin si vena .
"Tumiggil nga kayo" inirapan ko nalang sila.
Hindi ko alam baka naoffend na si helion ng mga baliw kung mga kaibigan hindi ko ba alam bakit ang lakas ng mga tama ng utak nila ngayon.
Sumulyap ako sa direksyon kung nasaan si nike na matalim pa rin na nakatingin saakin. Na para bang may nagawa akong mali. Tinaasan ko siya ng kilay wala naman akong ginawang masams sikanya pero yung mata niya ay nakakamatay dahil sa subrang talim nito.
*******