Dalawang araw ang nakalipas at ngayon ang balik ni nike galing sa France.Pero hindi ko alam kung saan siya hihintayin.Kada oras ay tinatawagan niya ako at kinakamusta ako ,minsan ay natatawa ako sakanya, pero ngayong umaga ay hindi siya tumawag saakin.
"Hay! Nako bes tama na yang kaka-tingin mo sa cellphone mo" sabi saakin ni delia .
"Wag kang mag-alala may iba na yun"napasimangot naman ako sa sinavi ni vena kaya natawa nalang siya saaking reaksyon dahil sa pang-aasar niya.
"Timiggil ka nga !" Sigaw ko sakanya at inirapan.
"Bahala ka na dyan , mauna na kami ni delia sa klase namin " tumango nalang ako sakanila at saka na sila umalis.
Naiinip na ako sa kahihintay sa text o tawag ni Nike saakin , kaya naisipan ko munang pumunta sa likod na room at tinatamad na akong pumasok sa isa kung subject.
Nakasimangot at nagulat dahil sa biglaang pagtunog ng cellphone at mabilis ko iyong sinagot.
"Hello " bigkas ko na hindi halata ang pagkamiss sakanya.
"Hello babe where are you?"
"Sa likod ng room ng mga Agri."
"Pumunta ka rito sa office"sabi niya "Okay" kasabay nun ang pag-end ng call ko sakanya .
Nagmadali kung inayos ang gamit ko at mabilis na tinahak ang opisina ni Nike.
Kumatok muna ako ng pino . narinig ko ang tawag niya kaya pumasaok na ako agad.
"Miss me?" Tanong niya habang nakangiti , ang gwapo-gwapo talaga ng lalaking ito .
Tumango ako sakanya bilang pagsang-ayon .
"Kamusta naman ang france?" Tanong ko bago umupo sa malaking sofa niya.
"Its fine" biglang bumalik ang itsura niya sa pagkaseryoso.
"At bakit wala ka sa klase mo ngayon?"
"Wala tinatamad lang ako " napasimangot nalang ako.
Mahaba ang kwentuhan namin ni nike. Inihatid niya na ako sa bahay.
Bago ako magpaalam kay nike ay biglang bumama si matmat .
"Ate papasukin mo daw si kuya nike sabi ni mama" sabi ni tamtam saakin
Tumingin ako kay nike na nakataas ang kilay saakin.
"Pasok ka daw" naka ngiti kong sabi.
"Dito ka nalang mag-hapunan" ani ni mama.
Tumango naman siya bilang pagsang-ayon kay mama, bago tumingin ito saakin at napangisi ang loko.
Iniwan ko siya sa sala dahil kailangan kung magpalit ng damit, nag madali ako bago bumaba.
"Kuya nike punta ulit tayo ng mall " naabutan ko si matmat na sinabi iyo kay nike.
"Sige ba kailan niyo ulit gustong pumunta !?"tanong ni nike sa kambal dahilan na nagtatalon ang dalawa dahil sa saya.
"Kambal tumiggil kayo , nakakahiya sa kuya Nike niyo" sabi ko sa dalawa kaya napasimangot nalang sila.
"Ate naman" nakangusong sabi ni tamtam.
"Hayaan mo na " sabi naman niya kaya napangiti ulit ang dalawa ,ayst! Bahala siya
Mamaya-maya at tinawag kami ni mama sa kusina kaya dumiretso ako dun.
"Hijo, ano nga palang buong pangalan mo?"nakangiting tanong in mama Kay Nike habang nilalapag ang ulam.
"Nike David Alvares po" tugon niya at ngumiti.
"Alvarez?" Pagtatakang tanong ni mama " anak ka ni Laurito Alvares at Monic Alvares?"
"Opo , sila nga po mga magulang ko " nakangiti pa rin si nike na nakaharap kay mama.
Tumitig ako kay mama na biglang tumahimik na pa kunot ako ng noo kaya tinitiggan ko si mama na unti -unting bumabagsak ang mga ngiti sa labi nito habang titig na titig kay nike.
"Sa kwarto nalang muna ako " sabi ni mama at umalis.
Nang natapos ang haponan at hindi pa lumabas ang mama kaya umalis na rin si Nike , pagkatapos nun ay naghugas ako ng mga pinggan at pumasok sa aking kwarto.
Habang ng rereview ay narinig ko ang pagkatok sa pintuan ko , kaya madali ko iyong binuksan nakita ko si mama na nakatayo.
"Pwede ba tayong magusap?"
"Opo naman po ma" ani ko at pumasok si mama at umupo sa aking kama kaya napaupo ako sakanyang tabi.
"Makipag hiwalay ka na sa Alvares na iyon" malamig ang boses ni mama.Tinitigan ako ni man's sa naging reaksyon ko ng sinabi niya iyon.
Nagulat rin ako sa sinabi ni mama hindi makapaniwala , Kanina ay okay lang bakit ngayon ayaw na niya. Nagtataka ang mata kung nakatingin kay mama ,Takot ,sakit , at kaba ang nararamdaman ko nagyon. Hindi ko rin alam ang gagawin ko. Nanunuyo rin ang lalamunan ko parang walang Boses na lalabas dito.
***********