May naramdaman akong mabigat sa baywang ko kaya napadilat ako , at tumingin sa tabi ko , ganon pa ring ang ayos naming kagabi ,pero parang lumapit naman ata.
Hindi ko mapigilan ang sarili na hawakan ang perpekton niyang mukha, ang mahaba niyang pilik mata , ang makapal na kilay , matangos rin ang ilong at mapulang labi. Hinaplos ko iyon kaya nagulat ako ng minulat niya ang mata niya.
Mabilis akong nahulog sa kama dahil sa gulat. " Walanghiya kang ipis ka !" Sabi ko kaya kinuha ko ang tsenilas na nakita ko at pinaghahampas , kahit naman wala talaga.
"Ohh....gising kana pala , good morning babe " nakangiti kung bati sakanya pero tinalikuran lang ako at dumiretso sa banyo.
Napahawak ako sa dibdib ang lakas ng tibok dahil sa kaba , Hay muntik na ako dun , ouch! Napahawak ako sa balakang ko ang sakit dahil siguro sa pagbagsak ko kanina.
"What are you doing in my room?" Lumabas siya ng banyo , at nagulat rin sa tanong niya .
Shocks ! Kinakabahan ako "Huh?!" Maang-maangan kung sabi.
"Kasi ano, ginigising kita " yun lang ang naiisip kung palusot kay nike.
"Tsaka tatanongin sana kita kung anong gusto mung umagahan" lumawak ang ngiti ko.
Matalim niya akong tinignan , buking ba ako tinanong ko lang naman sakanya kung anong gusto niya breakfast.
"Sige magluluto na ako " turo ko ang pinto.
"Wait" napalingon naman ako sakanya ,nagulat ako ng bigla niyang binato saakin young kumot at unan ko.
Mabilis akong lumabas ng kwarto niya , hay relyn nakakahiya ka talaga , Nakakainis naman kasi si babe ang sungit sungit .
Naalala ko ito ang una ko siyang lulutuan ng umagahan , kung araw-araw sana kaso sa susunod ay may pasok na kami , kaya balik aral ako ulit.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin kami kaagad at pinuntahan si nath na gusto niyang surprisahin si zack para sa birthday nito.
Tinulungan namin si nath na nagluto para Kay Zack, pagkatapos nun at sinamahan rin namin siya ayusin ang mesa para sa surprise niya kay zack.
Ilang oras kaming naghintay , dahil wala pa si zack ayaw naman naming iwanan lang dito si nath. Pero nagulat kami ng biglang tumakbo si nath saamin.
"Nandyan na siya " bulong niya saamin .
Nang pagbukas niya ng pinto ay simigaw kami , "Surprise!!" Sigaw naming , imbes na tuwa siya ay bigla nalang nagdilim ang mukha niya.
Nagulat kami ng bigla niya hinila si nath paakyat ng kwarto. Nakarinig namin ang sigawan sa kwarto nila ng biglang tumahimik , bumaba si nath na namumula ang mata. Tumingin ako kay nike na walang reaksyon namlang sa mga nangyayari.
Pinaayos niya saamin yung pagkain , pero kinain ng dalawa ,okay na rin iyon para hindi masayang yung pagkain.
Nagpaalam siya na magpapahangin lang siya, nagkatinginan kaming tatlo at tumango tango nalang sakanya.
"Akala ko ba mabait yang si zack" parang disappointed sabi ni delia
"Makapag-judge kayo ahh, baka naman may pinagdadaanan yung tao " sabi ko sakanila.
"Matulog na nga tayo, kaysa nangingialam kayu " sermon saamin ni vena at humiga na.
Kinaumagahan ay nagpaalam na kami dahil kailangan na rin naming umalis dahil may pasok pa kami.
"Mae paano ba yan aalis na kami " paalam ni delia .
Kumaway nalang kami ni vena Kay mae at pumasok na sa van na kararating sa lang .
Ilang oras ay nakarating na rin kami sa kanya-kanyang bahay. Pagdating sa bahay ay nagbihis na rin ako ng pangbahay.
Nagluto na ako ng hapunan, "Ate!! " sigaw nang kambal lumingon ako sakanila para masalubong ng yakap. "Ate bat ang tagal mong umuwi?" Tanong ni matmat saakin.
"Wow! Miss niyo agad si ate"nakangiti kung sabi sakanila .
Bumukas ang pintuan kaya napatingin kami Kay mama , humarap ako sa stove at pinatay bago sumulyap sakanya .
"Nandyan kana pala "
"Maaga rin po kasi kaming umuwi" lumapit ako sakanya upang mag-manu.
Maaga kaming nag-hapunan para makatulog rin ako nang maaga dahil pagoda sa byahe ang katawan ko.
---
Maagang natapos ang klase namin kaya pumunta muna ako sa cafeteria dahil nandun sila vena at Delia na naghihintay saakin."Oh..Kamusta?" Abang in vena saakin .
"Grabe parang ngayon lang nagkita , " sabi ko sakanya at nakita si Delia na nasa isang table .
Tumungo ako sakanya at umupo kami dahil nasa ika-apat na lamesa kami kaya medyo tago kami.Bumili kami ng aming pagkain at tahimik na kumain saaming upuan.
"Hi girls" napatingin kami sa lalaking nasa harap namin .
"Hi Helon" nakanhiting sabi nang dalawa .
"Hi Renalia , kamusta?" Tanong niya saakin at kumuha ng upuan sa umupo sa harap ko.
Pekeng ngiti ang ginawad ko sakanya " Okay lang" sabi ko at bumalik nalang sa pagkain.
Nakangiti siyang nakatingin saakin hanggang sa tinawag siya ng kaibigan niya.
"Aalis na kami , may practice pa kasi kami" paalam ni helon saamin."Hehehe...okay " pilit na tawa ang ginawad ko sakanya.
Nang umalis na siya pati ang kanyang mga kasama ay bigla nalang akong kinurot ni vena.
"Aray!!Problema mo?" Inis kung tanong sa babaeng ito.
"Tagal nang may gusto sayo iyon"
"Ano naman " maikling sagot ko. Alam kung may gusto saakin si helon mataggal na rin siyang nagpaparamdam sakin pero , Hindi ko iyon pinapasin , dahil ang totoo lang ay hindi ko siya nagugustohan.
Napairap nalang si vena saakin , Inubos namin ang amimg pagkain saka bumalik saaming room ng nag-bell na.