Ngayon at sabado , hay!! Salamat namimiss ko na talaga si babe ko , ako kaya namimiss niya . tsk as if naman .
Inutusan ako ni mama na bumili ng groceries dahil wala ng supply , Pagkatapos namin kumain ng umagahan at binigay saakin ni mama ang listahan.
Isasama ko nalang ang kambal para may katulong akong magbuhat ng ibang ipapamili. Dahil mabigat iyon kung ako lang magisa.
Sumakay kami ng tricycle at pinatiggil namin sa palengke . sinabi ko rin sa kambal na kumapit na mahigpit saakin.
"Salamat po"sabi ko sa pinagbilhan namin ng gulay.
Bumili rin kami ng mga delata, sabon ,at iba pa.kaya mabigat na ang aking dala .
Napatingin ako sa malayo upang maghanap ng tricycle , pero naaninag ko ang isang gwapong lalaki char...
"Nike!!"sigaw ko dahil sobrang lakas ay narinig niya.tumingin -tingin siya sa paligid ,kaya kumaway -kaway ako sakanya para makita niya ako.
Nang nakita niya ako ay ,tumingin lang ito at kumumot ang noo saakin tsaka inis-snob lang ako. Napasimangot nalang ako. Napatingin nalang ako sa relo.
Naalala ko kulang pala ang pamasahe namin , kaya wala akong chance na sabihin sa kambal na kailangan naming maglakad.
"Magaan lang naman " sabi ko sakanila at binuhat ang isang box.
Nagulat aki ng biglang may tumiggil na isang kotse sa harap namin at bimukas ang pintuan ng driver seat.
"Nike?" tanong at unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ko.
Lumapit siya sakin at kinuha ang hawak ko na naka-box at inilagay niya sa likod ng kotse niya.
"Ate sino ba siya ?"tanong ni tamtam saakin.
"Siya si kuya nike niyo" sabi ko kaya tumango-tango naman ang dalawa.
"Pauwi na kayo diba?" Malamig na boses ang ginawad niya.Ngumiti ako sakanya at tumango tango nalang at nakangiti ng malapad ng sakanya . tumakbo naman ang kambal patungo sa kotse.
"Ang ganda po ng kotse niyo" manghang mangha sabi ni matmat ,kahit si tamtam dahil alam ko namang laruan lang sila nakakahawak.
Binuksan niya ang pintuan sa backseat at pumasok ang kambal kaya sumunod ako. Nang nakita niya ako ay biglang kumunot ang noo niya nakatingin saakin.
"I'm not your driver " kaya agad akong bumaba at sumakay sa harap. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok na rin siya. At bunuhay ang makina.
Habang nasa gitna kami ng byahe hindi ko mapiggilan ang sarili na magtanong sakanya kung anong ginagawa niya sa ganitong lugar.
"Ahmm.....ano nga palang ginagawa mo rito?" Tanong ko sakanya.
"May kinausap lang" maikling sagot niya saakin. Kaya napatango-tango nalang ako,Habang fucos siya sa pag-dra-drive.
"Ate nagugutom na ako " nakasimangot na sabi ni tamtam saakin.
"Oo nga ate " sang-ayon naman ni matmat.
"Sige, pwede bang paki-tabi nalang muna sa tindahan " sabi ko habang nagkakalkal ng pera sa bag ko,para makabili ako ng biscuit at softdrinks.
Pero tila walang narinig itong sungit na ito hanggang sa tumiggil ang sasakyan niya sa isang mall.
"Huh?"
Bumaba siya at binuksan ang backseat kung nasaan ang kambal, kaya lumabas rin ako.
Pumasok siya sa mall at lumingon ito saakin, nakita ko ang pagkunot niya kaya agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sakanya. At kailangan na rin namin kasing umuwi .
"Kakain"simpleng sagot niya saakin at pumasok sa jollibee.
Napatingin ako sa kambal masayang sumabay kay nike papasok, kaya wala akong chioce na sumunod sakanya.
Habang nakapila siya at ang dalawang kambal naman ay hilig nilang kulitin si nike , nakita ko ang pagkakairita sa mata niya pero ,pilit lang niya ang ngumiti para sa dalawa.
Nakita ko na napasulyap siya saakin kaya ngumiti nalang ako at kumindat sakanya , nakita ko ang pagkunot ng noo niya kaya, binaling ang mga paningin sa dalawang kambal.
Sus!! Pogi talaga ng lalaking ito kahit nakasimangot , seryoso o nakangiti pero iba pa rin pagnakangiti mas lalo siyang pumupogi dapat pala ay lagi kong dalhin ang kambal para lagi siyang nakangiti kahit na pilot lang.
Hindi ko alam na may ganito palang side so sungit na Nike.
*****
Short update!!!!!