"Ate dito!" Sigaw ng dalawa dahil nakatayo pa rin ako, kaya tinulongan ko si nike at tumungo sa lamesa kung nasaan ang kambal.
"Diyan kana sa tabi ni kuya nike, ate" turo ni matmat.kaharap ko si matmat at kaharap rin ni nike si tamtam.
Tahimik kaming kumain tinignan ko ang kambal na busy sa, pagkain minsan ay ang napatingin ako sa katabi ko .
Kinuha ko ang panyo sa bag ko at agad dinikit dalawang kambal dahil na rin sa sauce ng spaghetti sa labi nila.
Kita ko sa gilid ng mata ko kung paano tignan ni Nike yung ginagawa ko kaya bumaling ako sakanya.
Napatingin ako sa mukha sa labi niyang may matsa rin ng sauce, tsk Padang bata.
"Pffft.."pinilit ko ang sarili wag lumabas ang tawa dahil baka mabeastmode pa.
"What's funny?"nakanot ang noo niyang tanong saakin at halata na rin ang boses niya ang pagkakairita.
"Para kang bata" asar ko sakanya ,kaya nilapat ki ang panyong harap ko sakanyang labi.
Nagulat ako sa ginawa ko , at nahiya kaya napatingin nalang ako sa kambal na humahagikgik.
Matapos iyon at hinatid niya kami sa bahay. " Salamat nga pala, tsaka babayaran kita pag-maypera na ako" ngiti kung sabi sakanya.
Tumango lang ito saakin at lumingon siya saka tumingin sa likod ko, kaya napalingon din ako dun ,nakita ko ang kambal na kumakaway sakanya.
"Sige , pasok na ako" ngumiti ako sakanya.Kumaway ako ng bigla niyang buhayin ang makina. Kaya pumasok na rin ako ng bahay.
"Ma, sorry po natagalan" sabi ko kay mama. Nilapag ko ang mga pinamili sa mesa.
Hindi na ako nagtanghalian sinabi ko naman kay mama na busog pa ako. Pero sigurado akong ang kambal ay kumain ulit , ang tatakaw talaga ng dalawang yun.
Mabilis ang paglubog ng araw kaya ,tumungo ako sa kusina para tumulong . " Sino pa ang naghatid sainyo kanina?"
"Si Nike po iyon kaibigan po ng asawa ni nath "sabi ko Kay mama at tumango lang ito at hindi na nasundan ng iba pang tanong.
Ako na ang naghugas nang mga pinggan at pagkatapos kung ginawa ay dumiretso ako sa kwarto ko. Mabilis kung hinagip yung phone ko.
At mabilis na pinindot ang number ni nike.
"Salamat ulit kanina " agad kung bungad ng sinagot niya ang tawag.
"Okay"
Napasimangot ako bakit ba ang tipid tipid nitong magsalita.
"Nasaan ka ba?" Tanong ko rito , at humiga habang nakatingin sa kisame ng ating kwarto.
"Work" napakunot naman ang noo ko.
"Work?gabi na ah"
"Dito sa bahay" sabi niya.
Kahit nasa bahay trabaho pa rin ang ini-isip niya , hindi niya ba iniisip yung kalusugan niya.
"Hindi ka pa ba naaantok?" Tanong ko dahil gusto na tumagal ang usapan namin.
Naghintay ako pero wala pa rin siyang reply siguro ay busy siya o nakatulog na dahil sa pagod kaya napagpasayahan ko nang matulog.
Nagising ako ng maaga para makapagluto na rin ng umagahan. Naalala ko tuloy na may programa pala sa school.
Maaga rin akong nakarating sa school , at nakita ko maaga rin nagpalinis ang mga teacher.
"Balita ko darating daw ang anak ng may-ari ng school" sabi ng katabi ko ring studyante.
"Oo tsaka ,gwapo daw yun" hagikgikan nilang sabi kaya napa ngiwi nalang ako.
Ng natapos na ang paglilinis at pinapunta kaming lahat na studyante sa hall para programa. Dahil na harap ako kita ko ang buong stage.
Ilang sandali ay lumabas na ang emce upang sa paguumpisa ng programa.
"Student, good morning!" Blah blah blah..hindi na ako nakinig sa intro dahil naiinip na ako.
"Are you ready" napatakip ako ng tenga dahil sa hiyawan , "Lets welcome our visitors, Nike David Alvares!!" Napatunganga ako ng lumabas ang lalaking iyon.
Nakasuot siya ng formal attire na lalo lang nagpa--gwapo sakanya , siya pala ang may-ari ng school na ito.
Tumabi ito sa maputing babae na mukhang modelo , at tinignan ko siya kung paano niya kausapin yung babae.
"Girlfriend niya ba iyo?" G1
"Oo ata ang ganda niya , bagay sila " G2 napairap nalang ako .
Napasimangot din ako dahil sa naririnig , ganyan pala ang mga type niya sa isang babae.
Tinignan ko ang kilos ng babae, mahinhin ito pero lantad ang dibdib may makapal na make-up pero ang sexy ng hugis ng katawan.
Napatingin ako sa katawan ko , hindi kalakihan and dibdib pero may pwet ako at may shape din kunti , tsk ano bang iniisip ko.
"Simpleng malandi" I mumbled
Inilapat ko ang tingin Kay Nike na nakitang , nakatingin ito saakin kaya ngumiti agad ako. Pero ini-snob lang niya ako tsk.