KATE
"Pay attention students. Hahatiin kayo sa dalawang kategorya. Ang Lusitians at Sebastians, aware naman siguro kayo kung paano ang sistema ng pagpili sa mga estudyante sa bawat kategorya. Mapapabilang sa Lusitians ang mga estudyanteng nerd, mabait, magalang, masunurin, at matalino ang pag-iisip. Habang sa Sebastians ang mga estudyante sa kategoryang ito ay mga basagulero at basagulerang estudyante kabaliktaran sa Lusitians Pero mga tuso at matatalino ring estudyante" paliwanag ni Francis sa unahan. Kaya pala iniwan nya kami ni Kristine kasi magsasalita sya sa unahan
"Kasama sa Sebastians ay Si Troy Philip Stanford"
Biglang sabi ng babaeng nakaitim ang coat hindi tulad nung kay Francis na white.
Sunod sunod ang mga tinawag na students na napapabilang sa kategorya ng Sebastians."Last but definitely not the least, Kate Hernandez"
Nanlaki sobra mata ko! Shit! Bakit dito ako sa kategoryang ito! As in gusto kong magreklamo. Hindi ako basagulerang babae takot ako makipag-away pero bakit dito?!! Grabi ang kabang nararamdaman ko ngayon. Tumayo ako at pumunta sa unahan para pumila biglang isang miyembro ng Sebastian. Hindi ako makangiti, hindi ito ang inaasahan kong mangyari.
"Let's go pupunta na tayo sa lungga natin" sambit ng babaeng nag-aanounce kanina.
At tuluyan na naming nilisan ang announcement room para pumunta sa "Lungga" namin.
KRISTINE
Si Kate!! Hindi sya bagay dun! Napakahina nyang babae para dun sya mapunta! Akala ko ba binabase sa character ang pagpili ng estudyante sa kategorya hindi basagulerang babae si Kate!
"So lahat ng naiwan dito ay Lusitians hali kayo sumunod kayo sakin" anunsyo ni Francis at sumunod kami sa kanya
"Uy okay ka Lang?" tanong ni Francis sakin
"Medyo, nag-aalala ako Kay Kate. Hindi nya kaya sarili nya baka Ano mangyari sa kanya dun" mangiyak-ngiyak kong sagot kay Francis
Kate is more than just a friend to me she's a sister for me at hindi ko mapapatawad sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.
"Don't worry she'll be fine. Trust me" nakangiting sambit ni Francis sakin
Napakagwapo ni Francis. Mala-anghel na mukha, magandang pangangatawan, matangos na ilong, matangkad at higit sa lahat nakakaattract yung ngiti niya. Hayyyy kung hindi lang ako matibay na babae baka naglaway nako sa lalaking to HAHAHAHA.
"By the way ito pala magiging room natin" bigla nyang sabi
"A-anooooo?!!! Room natinnnnn!!! Siraulo ka din noh? Nakikita mo bang babae ako at lalaki ka!!!!? Mamaya—" hindi ko na natuloy sasabihin ko ng bigla syang sumingit
"Excuse me, ganito patakaran dito. Mukhang Hindi mo binasa lahat ng information na binigay ko sayo"
"Information?" taka kong tanong sa kanya
"Ako nagsend ng link sayo sa email, kaya dapat binasa mo yun. Saka tumigil tigil ka nga hindi ako manyak gaya ng iniisip mo safe ka dito Kristine Celestine Go" seryosong sabi nya sakin
"Don't you dare say that Celestine again! I hate that name!" nakakunot noong pagwawarning sa kanya
"Ok fine! Pwede bang pumasok na tayo sa loob?"
Hindi nako nagsalita at pumasok kami sa room malawak to parang bahay na din kung tutuusin may dalawang pinto na magkahiwalay at may nakasulat kung para kanino yung bedroom na yun .
"Dyan ka sa kanan dito ako sa Kaliwa. Heto susi mo" sabay hagis nya ng susi ng Kwarto ko
"Dalawa yan yung kulay gold para sa pintuan papasok dito sa room at yung pink naman para diyan sa Kwarto Mo" dagdag na Sabi ni Francis
"Sige Salamat" pagkasabi ko ay agad nakong pumasok sa kwarto ko.
Malaki to kumpara sa bedroom ko at nandito na din yung gamit ko. Parang panaginip lahat ng to, nakakalokong araw at nakakapagod napatingin ako sa salamin halatang Inaantok nako kaya inayos ko ang gamit ko nagpalit ng damit pantulog saka inayos ang kama upang matulog.
KATE
Nandito na kami sa place namin. Ang creepy kasi pure black lahat ng makikita mo. Kasama ko pala dito sa room yung Troy Philip Stanford, mapaka tahimik nya lang at ito yung pinaka ayaw ko kasi sanay ako kay Kristine na pag magkasama kami talagang maingay at tawanan pero dito Ibang iba ang atmosphere ang ingay sa labas maririnig mo yung bugbugan ng mga lalaking estudyante. Ganito ba rito sa Sebastians? Gulo lagi mong makikita? Maling mali talaga na nandito ako eh.
"Hoy, kumain kana ba?" bigla akong napatingin sa sofa nakita ko si Troy na kumakain
"I'm not hungry"
"Really? You're lying iba ang sinasabi ng mga mata mo sa sinasabi nyang bibig mo. Minsan lang ako magtanong kaya maswerte ka at ako kasama mo dito sa kwartong to" mayabang sambit ng lalaking 'to
Gwapo na sana kaso ang yabang.
"You know what, I'm not lucky to be here hindi ko deserve dito sa lugar na 'to. Dapat dun ako sa Lusitians kasama ang best friend ko! Hindi ako katulad ng ugali nyo! Hindi ako basagulerang tao!" inis na sambit ko kay Troy
"Alam mo kung hindi ka nga basagulerang tao eh bat ka Nandito? Dumaan sa masusing proseso ang pagpili sa mga estudyanteng napupunta sa bawat kategorya. Kaya wag mong sasabihin sakin na hindi mo deserve dito kasi pare-parehas lang tayong lahat dito sa Sebastians mga demonyo tayo!" Nanlilisik ang mga mata nya pagtapos nyang banggitin ang mga katagang iyon
"So tell me, bukod sa ugali bakit tinawag na Sebastians ang lugar na to!?" Pasigaw kong tanong sa kanya
"Gusto mong malaman? Come here sa sofa at ikukwento ko diyan sa makitid mong utak kung pano nagsimula lahat" mahinahon nyang sambit sakin at tinungo ang sofa at umupo upang makinig
"May magkaibigang Lusita Javier At Jose Sebastian ang nagkaroon ng negosyo, at yun yy ang paaralang ito sila ang founder ng school na 'to hindi Mysterious Place Academy ang unang naging pangalan ng paaralang ito kundi Heaven and Hell Academy. Maraming mga tao ang nahumaling sa paaralang ito kaya mabilis na kumita ang dalawang magkaibigan. Si Lusita ay may busilak na puso kaya sa kanya nanggaling ang Heaven"
"Pero kay Jose ayaw nya ng tahimik gusto nya nagpapatayan at nagsasakitan kaya sa Kanya naman nanggaling ang Hell, lumipas ang ilang taon napuno ng galit si Jose dahil isang hardinero sa paaralan ang nagustuhan ni Lusita gusto ni Jose si Lusita kaya ang nangyari madaming sekreto ang nabalot sa lugar na to. Pinatay lahat ni Jose ang mga Heavens tanging tinira nya lang ay si Lusita."
paliwanag nya sakin na bakas sa mukha nya ang poot Hindi ko alam pero kulang yung detalye"Asan na Sila?"
"Walang nakakaalam sa mga sumunod na nangyari. Kaya ikaw wag na wag kang makikipag-ugnayan sa mga Lusitians, dahil pag ginawa mo yun masisira lahat ng gusto mong mangyari sa buhay mo. This is between heaven and hell this is just a beginning of your horrible life"
"Whatever diyan ka na nga" inis na Iniwan ko sya sa room at naglibot sa paligid.
Sobrang ingay may mga estudyanteng naninigarilyo at yung iba naghahalikan na para bang wala silang taong nakikita bigla akong napatigil sa gawing kanan dahil may vacant seat doon at umupo ako para makapag-isip ng mataimtim
"Bakit Bitin yung kwento nya? Parang may kulang Saka pano nya nalaman yung ganung kwento. Affected sya habang nagkukwento, ano ba talagang meron sa paaralang ito? at kay Lusita Javier at Jose Sebastian. Super nahihiwagaan ako sa Lusitians at Sebastians pano nagkaganito yung sistema ng paaralang ito? Haysss ang gulo!" sambit ko habang kinakausap ang aking sarili.
Hindi na ako nagtagal sa kinauupuan ko at babalik na sa room dahil gabi na at first day of classes bukas kaya dapat maaga Akong magising para mahanap ko din si Kristine.
BINABASA MO ANG
Lusitians And Sebastians
RandomMakakahanap si Kristine ng panibagong pinto na magbubukas sa kaniya mula sa panibagong mundo, sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala niya si Troy na magbibigay kulay sa kaniya sa mundong ito. Magmamahal siya at darating ang pagsubok na di niya i...