"Kate sige na, parang awa mo na oh" pilit akong nagmamakaawa sa kaniya pero hindi niya talaga ako pinapansin
Masakit sakin na makitang ganito na siya, dati sobrang hinhin niya at halos ayaw nya ng gulo. Pero sa isang iglap naglaho lahat, parang abo na tinangay ng hangin yung pinagsamahan namin
"Bakit mo to ginagawa? Hindi ka ganito dati. Balik na tayo sa kung anung meron noon"
"Pano mo mababalik yun? Iba na to Kristine, sa tingin mo ba bubuhayin ako ni Maragux kung palalayain kita"
"Edi tayo, tayong dalawa aalis dito"
"Ito na kapalaran ko Kristine, wala ng magbabago"
Mas lalong dinudurog ang puso ko ngayon, sabay kaming pumasok dito pero hindi parehas naging epekto ng pagpasok namin sa aming dalawa. She's more like a demon right now
**
Naglilibot si Francis sa pinaka dulong floor ng paaralan. Sobrang layo na nito at wala ng ibang nag isip na humanap kay Kristine dito 10:00 pm na pero di pa din siya nawawalan ng pag-asa kay Kristine. Mas mainam na magdamag siyang gising at naghahanap kaysa naman tumunganga na walang ginagawa
Napansin niya ang dalawang lalaki na pumasok mula sa isang silid sa pinaka dulong bahagi ng floor na ito. Puro props at medical equipment ang nandito kaya wala talagang ibang umaakyat dito kundi mga staff lang ng paaralan. Kapansin pansin na nakasuot ang mga ito ng bonnet at may hawak na baril ang isa, wala siyang dala na kahit ano kundi ang sarili niya. Akmang kukuhain na niya sana ang kaniyang telepono ng bigla siyang nakaramdam ng matalim na bagay sa may tagiliran niya
"Subukan mong tumawag at mamamatay ka ng wala sa oras"
"Si--sino ba kayo? Bakit nyo kinuha si Kristine?"
"Napag-utusan lang kami pasensya na"
Nawalan ito ng malay dahil pinupok ito ng baril. Binuhat siya ng isang lalaking makisig ang katawan at pinasok sa silid at itinali ng mahigpit ang mga kamay niya gamit ang lubig
"Bakit niya nalaman na nandito tayo?" tanong ng isang babaeng gulat n gulat ng makita ang mukha ni Francis
"Hindi din namin alam, tatawagan na muna namin si Boss"
"Huwag, wag nyo siyang tatawagan. Tiyak na mas abala siya ngayon, ako na bahala sa kaniya pwede na kayong umalis"
Sinunod naman siya ng dalawang lalaki at bumalik na sa kanilang mga pwesto. Ilang minuto ring walang malay si Francis
"See Kristine, maraming buhay ang mawawala dahil sayo" sambit ni Kate
"Na--nasan ako?" halos nahihilo pa si Francis ng imulat nya ang kaniyang mga mata. Medyo madilim ang paligid
"Bakit ka pa kasi nangingialam Francis?" tanong ni Kate na ngayon ay hawak ang isang matalim na kutsilyo
"Teka, Kate? Ikaw may pakana nito?" tanong niya
"Hindi, nagulat nalang din ako sa ginawa ni Margaux"
"Ba--bakit ka nakikinig sa kaniya? Diba may plano tayo nila Taewan?"
"Si Margaux lang nakakaintindi sakin!! Ni isa sa inyo hindi nyo inisip nararamdaman ko! Sunud-sunuran lang ako sa mga gusto nyo!!"
"Alam mong hindi yan totoo"
"Yun ang totoo! Kaya itong si Kristine" hinablot niya ang buhok ng dalaga na kanina pa namumulat dahil sa gutom at uhaw "Mamamatay siya ayon sa nakatakda sa kaniya! At ikaw naman mananatiling tahimik ka lang!"
BINABASA MO ANG
Lusitians And Sebastians
RandomMakakahanap si Kristine ng panibagong pinto na magbubukas sa kaniya mula sa panibagong mundo, sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala niya si Troy na magbibigay kulay sa kaniya sa mundong ito. Magmamahal siya at darating ang pagsubok na di niya i...