Masayang mag kasama ang dalawang magkasintahan. Nagluto si Kristine ng tatlong ulam para kay Troy.
"Kumain ka lang dyan ha, pakabusog ka"
"Napaka swerte ko naman sa mapapangasawa ko. Magaling mag luto at mag-alaga"
"Sus nambola ka pa, maghugas ka ng plato ha. Hindi ka prinsipe dito"
"Opo madam"
Halatang masaya sila kasi kahit papano ay magkasama sila sa loob ng tatlong araw. Kung pwede nga lang ay doon nalang sila ay gagawin nila wag lang mahiwalay sa isa't-isa. Pagtapos nilang kumain ay nagligpit si Troy, si Kristine naman ay pumasok sa kaniyang silid para uminom ng gamot.
Ngunit, nagdadalawang isip siyang inumin ito. Dahil simula pagka bata niya ay lagi na siyang umiinom nito, wala siyang maalala sa mga pangyayari noong bata pa lamang siya. Gusto niyang malaman kung bakit parang totoo ang mga visual images na nakikita niya.
"Mahal" napalingon siya sa pintuan at nandon si Troy
"Ano ba yang tawag mo. Ang corny, tapos mo na ba hugasan mga plato"
"Opo, may masama ba sa tawag ko sayo? Ang sweet nga pakinggan"
"Sweet mo mukha mo"
Lumapit sa kaniya si Troy na ngayon ay nakayakap sa kaniya.
"Teka, may naalala ako. Sabi ni Francis may kapatid siya. Alam mo ba kung sino?" tanong ni Kristine sa nobyo
"Ah, yun ba. Kasi, magkapatid kami"
Nagulat si Kristine sa kaniyang nalaman
"Pano? Hindi kayo magkaparehas ng apelyido. Hindi din naman halatang magkapatid kayo"
"I changed my last name para walang makahalata. Francis is my half brother. Remember Ma'am Moreen Sebastian? She's our older sibling. Tatlo kaming nagkakapatid"
"Woah, that's unbelievable! I thought wala kang kapatid. Na only child ka lang"
"At least ngayon alam mo na. Ikaw, mag kwento ka naman tungkol sayo"
"Actually, wala namang magandang pwede ikwento sa sarili ko. I don't even remember some of my childhood memories. Naaalala ko lang yung mga nangyari sakin since 6 years old ako. Pero yung iba? Wala talaga eh" sambit ni Kristine
"Pwede ba yun? Ano yun nagka memory lost ka?"
"It doesn't matter naman diba. Ang mahalaga masaya tayong dalawa"
Niyakap ng binata ang kasintahan. Tama nga naman ito, hindi na dapat ungkitin ang nakaraan dahil tapos na ito. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan kung saan parehas silang masaya.
Sa kalagitnaan ng kanilang yakapan ay nakaramdam ang dalawa ng tawag ng katawan, nagkatitigan sila ng ilang minuto at nagsimulang maghalikan. Wala silang pakialam kung may makakarinig sa matamis nilang paghahalikan. Tumayo si Troy para isara ang papasok ni pinto pati na rin ang pintuan ng kwarto ni Kristine
"Sure ka ba dito? Kasi kung hindi ka pa ready maghihintay naman ako"
Hindi umimik ang dalaga, walang magawa si Troy kundi ipagpatuloy ang kanilang ginagawa. Hindi ito ang unang beses ng binata, dahil sa nakalipas na limang taon ay iba't-ibang babae ang kasama niya. Walang label iyon kundi para sa kaniya ay katuwaan lang.
Pero sa nangyayari sa kanila ngayon ng kanyang nobya ay alam niyang pagmamahal ito at hindi biro lang
**
"Francis, bakit nandito ka?" nagulat ako ng biglang pumasok si Francis sa pinto, sa pag kakaalam ko ako at si Sir Crumpos lang ang nakakaalam nito bukod kila Margaux at Taewan
"Nasan si Taewan?" sambit nito "Wait mo lang siya, may kinuha lang saglit" tugon ni Margaux
Mga ilang minuto lang ay dumating si Taewan kasama si Sir Crumpos
"Kumpleto na tayo, kaya let's discuss my plan" sambit ni Taewan
Hindi ako makapaniwala na kasama si Francis dito, ang buong akala ko kasi ay loyal siya sa mga kapatid niya
"Here's the plan, 3 months from now magkakaroon ng december party ang school. Sa araw na iyon ay ibubulgar lahat ang baho ng paaralang ito. At si Kristine ang susi natin para matupad lahat ng yon" litanya ni Taewan
"Di ki gets, bakit napasama si Kristine dito? Eh sa pag kakaalam ko hindi siya miyembro" sambit ni Margaux
"Because, Kristine is the Heir of Salvador Family" saad ni Sir Crumpos
"Me and Kristine are siblings, magkapatid kami. But unfortunately hindi niya ako matandaan dahil sa nangyari sa kaniya 5 years old pa lang siya. She has an amnesia right now kaya wala tayong magiging problema" sambit ni Taewan
"What?!! That bitch is your sister? What the heck Taewan! Bakit hindi mo ti agad sinabi?" pasigaw na litanya naman ni Margaux, alam naming lahat na gusto niya pa din si Troy
"Salvador? Tama ba ko ng narinig Taewan?" biglang sumingit si Francis
"Yes Francis, Salvador. I guess your father really hide the truth to you. We are relatives"
Nagkatinginan nalang ang lahat pwera lang kay Sir Crumpos at Taewan. Halatang gulat na gulat ang lahat sa mga narinig.
"Alam kong bago lang to sa inyo, lalo kana Francis pero totoo lang ng sinabi ni Taewan. Yung tatay ng mama ni Taewan ay lolo mo, which means tita mo si Monette ang mama nila Taewan. Tinago ito ng mahabang panahon para maging lihim lang ang propesiya na sinaad" sambit ni Sir Crumpos
"Hindi ko pa din ma gets" saad ni Francis, maski kami ni Margaux ay walang maintindihan
"Ganito kasi yan, our mother Mrs. Cecilia Delos Reyes Salvador is the last bloodline of Salvador, kung naaalala nyo ang totoong history ng paaralan na ito. Si Lusita Javier ay nagmahal ng isang hardinero sa paaralan na to, at yun ang ninuno ng pamilya natin Si Carlito Salvador. Si Jose Sebastian, ginawa niya lahat para mawala sa landas nila si Carlito nagtagumpay siya na mawala sa landas nila ito. Pinilit ni Jose na pakasalan siya ni Lusita, wala tong nagawa kundi ang sumunod kay Jose dahil sa takot na naramdaman ang hindi lang alam ni Jose ay buhay si Carlito sa tulong ni Lusita. Ilang taon ang lumipas nakahanap si Carlito ng kaniyang kabiyak na si Epipanya Rosmos. May propesiyang nakatakda na sa huling babaeng anak ng mga Salvador ay isisilang ito sa taong 2000 at ito ang tatapos sa kasakiman ni Jose, bubukasan niya ang pinto ng realidad ng paaralang ito para makilala ng mundo at pabagsakin ang huling bloodline ng mga Sebastian. At yun ay si Troy, huling anak na lalaki ng mga Sebastian. Nalaman yun ng nanay nila Francis at nagsisisi siyang nakipag-apid sa tatay ni Francis na si Policarpio Salvador. Pero hindi naman niya magawang ipalaglag si Francis dahil para sa kaniya dugo't laman niya to. Napagpasiyahan nilang patayin si Kristine para manatiling sikreto lang ang paaralang ito at hindi na din mapahamak si Troy. Kaso nalaman ng mga Go ang balak nila kaya naisahan nila ito at pinasabog ang sasakyang gagamitin" paliwanag ni Sir Crumpos
"So ibig sabihin magpipinsan kami nila Kristine? At ikaw Sir isa kang Salvador?" tanong ni Francis
"Oo ako ang panganay na anak, tinago din ang identity ko katulad ni Taewan. Kaya Francis, samin ka umanib. Hindi ka naman nila tinuring na kapatid. Samin, mamahalin ka namin" pag aya ni Sir Crumpos
Ngayon, mas naunawaan ko na ang lahat. Kaya pala hindi ako mabigyan ng kongkretong sagot ni Troy noon kasi hindi niya alam agnbuong detalye.
"Your family is such a mess" saad ni Margaux
BINABASA MO ANG
Lusitians And Sebastians
RandomMakakahanap si Kristine ng panibagong pinto na magbubukas sa kaniya mula sa panibagong mundo, sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala niya si Troy na magbibigay kulay sa kaniya sa mundong ito. Magmamahal siya at darating ang pagsubok na di niya i...