Chapter 12: Switched

22 2 0
                                    

Nandito na kami ni Francis sa meeting room namin, pinatawag kami ni Sir Crumpos para sa mahalagang task na gagawin namin.

"Oh Troy nandito kana pala, Where's Kate?" tanong ni Sir Crumpos na di naman pinansin ni Troy, halatang wala siya mood ngayon.

"Well, I guess we can start this meeting even if Kate is not here. So as you can see everyone was afraid and scared. Me and Ms. Sebastian made an agreement, we will be having a partner switch" sambit ni Sir Crumpos, partner switch? Ano kaya yun?

"Partner switch is a --" hindi natapos ni sir yung sasabihin niya dahil biglang pumasok si Kate namumulat pa mukha nito ng pumasok "I'm sorry sir, I'm late" umupo na siya sa upuan niya pero di siya mapakali at parang takot na takot.

"It's okay Kate, So tulad nga ng sinabi ko magkakaroon ng partner switch. Si Kate mapupunta sa Lusitians at si Kristine naman mapupuntang Sebastians"

"That's nonsense" tumingin kami lahat Kay Troy ng sabihin niya yun, mukhang di siya sang ayon sa sinabi ni Sir.

"Nonsense? Do you think it's nonsense? Let me tell you the reason why we decided to do the partner switch. It was for transparency, maglilibot kayo sa nasasakupan niyo but we think na magiging bias kayo sa pagbibigay ng information sakin. This is not a joke, someone died and we don't have any idea what will happen next. Mag oobserba yung dalawang nagpalitan ng lugar kayong mga lalaki you just have to stick to your position. Guide, protect, and make sure that everything is under control. Girls, kayo magrereport sakin ng kahina-hinalang estudyante and list their names para mapatawag ko. It's a simple task and I know the four of you can do it properly. I don't accept any violent reaction about this task"

Lumabas na si Sir Crumpos after nya magsalita. Parang may dumaang anghel sa harap namin na bumalot sa katahimikan sa loob ng meeting room.

"Kailan kami magpapalitan?" tanong ni Kate, wala kaming idea kung kailan pwede kaya wala kaming nasagot sa tanong niya "Today" nanlaki mga mata ko ng sabihin yun ni Troy, hindi naman sa tutol ako pero may mga bagay pa akong dapat ayusin sa kwarto ko. Mamaya mapahiya ako kay Kate kasi may mga kalat sa room ko.

"Ang bilis naman ata di ba pwed--" hindi na natapos si Francis ng pagsasalita ng sumingit si Troy "So ano? Kung kailan sila ready dun lang sila magpapalitan? Mas maaga mas maganda diba? Bakit ipagpapabukas pa kung pwede naman ngayon. 4:00 pm pa namam may time pa sila para mag asikaso. Magkita nalang tayo sa hallway mamayang 6:00 pm"

--

"Okay ka lang ba Kristine?" tanong ni Francis sakin habang iniimpake mga gamit ko "Ano kaba, okay lang ako wag ka mag-alala. Tsaka may kasama naman ako. Please Francis, alagaan mo si Kate gaya ng pag-aalaga mo sakin"

5:30 pm na may 30 minutes pa kami bago mag switch, I don't have any idea on how Troy and Kate used to live in their room. Basta ang alam ko lang dapat matapos namin tong task na to at mahuli yung gagong sumira sa event na ginawa namin.

"Are you ready?" tanong ni Francis

I was born to be brave and I'm always ready in any situation that I have to face, I need to be strong in this battle. And whoever that jerk looks like, if it is a boy or a girl I will make sure to get them the punishment they deserve for ruining my event and for killing that innoncent student.

"Let's go"

**

Maaga kaming dumating ni Troy dito sa hallway, hindi niya ako pinapansin simula pa kanina maybe because of what happend earlier. Hindi ko naman talaga sinasadyang marinig lahat ng usapan nila, kung pwede lang tanggalin yung tainga ko kanina edi sana ginawa ko na para hindi siya magalit sakin.

"Sorry, kanina pa ba kayo?" tanong ni Kristine, "Hindi naman" tugon ni Troy sa tanong niya.

Hindi naman ako makatingin ng deresto sa mata ni Kristine, nahihiya pa din ako sa kaniya dahil sa nangyaring bangayan namin. Gusto ko man makipag ayos pero parang may pumipigil sakin na hindi pa dapat ito yung tamang oras para makipag bati sa kaniya. May kailangan pa kaming tapusin at yun muna ang mas kailangan kong pagtuunan ng pansin sa ngayon.

"Oh sya, magpapalit na kami" sambit ko.

Ngayon naglalakad na kami ni Francis papunta sa room niya, kung ikukumpara amg lugar na to sa lugar namin mas gusto ko dito. Maaliwalas at tahimik ang paligid hindi tulad sa Sebastians puro ingay, away, at higit sa lahat sobrang dilim. Pero dito? Magkakaroon ka ng peace of mind.

"Nandito na tayo, ito yung susi sa magiging kwarto mo" iniabot ni Francis sakin yung susi. Pag pasok namin sa loob maganda lahat at naka ayos yung mga gamit, parang hindi lalaki makakasama ko dito. Malinis lahat, hindi naman ako magtataka doon dahil malinis tingnan si Francis sa katawan palang malalaman mong maingat siya tao

"Upo ka muna dyan, magluluto ako ng makakain natin. Feel at home, at wag kang mailang sakin" sambit nya habang kinukuha yung apron "Hindi ka ba maiilang sakin? Hindi ako si Kristine magkaiba kami ng ugali"

"Maiilang? Ngayon nga naiilang ako eh, pero sabi ni Kristine alagaan kita kaya ayun ginagawa ko. Masasanay din naman ako sayo, hindi ka masamang tao base sa kinukwento ni Kristine sakin tungkol sayo" hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya, hindi man lang pala nag tanim ng sama ng loob sakin si Kristine at mas inalala niya pa ako.

**

"Hmm mukha namang komportable dito" sambit ni Kristine habang nag lilibot sa paligid ng room namin ni Kate "Nagugutom kana ba? Gusto mo bang kumain?" pag aya ko sakanya "Busog pa ako, kumain ako bago umalis. Ikaw? Kumain kana ba? Kung gutom ka gusto mo pagluto kita?" hindi naman siya maldita gaya ng inisip ko she's approachable and friendly hindi naman ako humindi sa alok niya dahil hindi pa talaga ako kumakain simula kaninang umaga

"Saglit lang ha, titingnan ko yung ref nyo kung ano pwede ko maluto"

Napangiti nalang ako ng wala sa oras habang tinititigan siyang kumuha ng mga kailangan niya sa ref. Simula nung nakipag usap ako at nag kwento sa kaniya hindi na siya maalis sa utak ko. Curious ako sa kung ano ba talaga siya at kung anong ugali meron siya, pero base sa mga nakita ko hindi siya mahirap makasama sa loob ng silid na to.

"Ito na, chicken curry lang yung naluto ko. Wala na kasing ibang pwedeng gawin sa manok pag adobo naman for sure akong sawa kana sa ganun kasi ako sawa na ako dun" sambit niya habang nakatayo lang sa harap ng lamesa "Okay na to, salamat ha. Umupo ka kaya mangangawit ka nyan"

As I taste her food she cooked for me I was amazed. She's a good cook, a wif material indeed swerte mapapangasawa ng babaeng to.

"Is it good? Tama lang ba timpla? O kulang sa powder? Pangit ba lasa?" I laugh, she really looks like a student who's not ready for graded recitation "It's fine, masarap wag ka mag alala. Magaling ka pala magluto" she smile at me, those smile is one of the precious smile I've ever seen hindi ko ata magagawang magalit sa babaeng to.

"Natuto lang ako magluto through online, wala naman kasi akong kasama sa bahay kaya ayun natuto ako mag luto" sambit niya "Kumain ka lang ng kumain ha. Dun na ko sa magiging kwarto ko para maayos ko din tong mga gamit ko"

She's a precious girl, no wonder why Francis want to keep her on his side. I want to know more about her. She really caught my interest.

Lusitians And SebastiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon