Chapter 21: Traitor

20 2 0
                                    

Maayos lahat at walang palya ang mga plano ni Taewan, gusto na niya itong tapusin para makasama na ang kapatid niya. Sabik na sabik na siya tawaging 'Kuya'nito.

"Taewan, may problema tayo" sambit ni Sir Crumpos "Huh? Ano yun?"

"Nawawala si Margaux at Kate, kahapon magkasama sila pero hindi pa sila pumupunta dito. Pinalibot ko na kay Francis yung buong lugar kaso wala talaga" saad nito

"Hinahanap nyo ba kami? ang OA nyo naman" Napalingon ang dalawang lalaki ng marinig na boses mula sa pinto "Saan ba kayo galing? Usapan 8:00 am, 12 na" sambit ni Taewan "Chill, naglibot lang naman kami ni Kate. Bawal ba yun?" paliwanag nito

"Hindi naman sa bawal, kaso isang buwan nalang Margaux. Kailangan nakahanda na tayo" saad ni Taewan

Si Sir Crumpos ang nag aayos ng lahat ng gagamitin sa event kaya kontrolado nila ang lahat ng gagawin sa araw na iyon

**

"Dalawang buwan na tayo, habang tumatagal lalo kitang minamahal" sambit ni Troy habang hawak ang isa kong kamay "Lagi mong sinasabi yan, alam ko naman na mahal na mahal mo ako" saad ko

Habang tumatagal mas lalo kong minamahal ang lalaking nasa harap ko, gusto kong makasama siya hanggang sa pagtanda ko at bubuo kami ng masayang pamilya

"Pag natapos tayo dito, aalis na tayo. Magbabago tayo ng buhay, ipakilala moko sa magulang mo ha" natigilan naman si ako dahil hindi ko alam kung may paki ba mga magulang ko kung may boyfriend ako. Lagi namang busy ang mga yun at walang time para sakin

"O--oo naman ipapakilala kita bilang magiging tatay ng anak ko HAHAHA" pabiro kong sambit

"Naks naman, ang sweet ng dalawang to" nagulat kami ng biglang pumasok si Ate Moreen sa meeting room "Panira naman to ng mood! Nakakainis ka" parang bata si Troy habang sinasabi nya yun "Okay lang, okay nga yun para matigil na yang kaharutan mo" sambit ko

"Ayan Troy yari ka nananawa na si Kristine sayo humanda ka ipagpapalit ka na niyan" malakas talagang mag biro itong ate ni Troy, mabilis din kaming nagkapalagayan ng loob "Ay wait Kristine, may binili akong singsing, regalo ko sayo. Patingin ako ng kamay mo try natin sa daliri mo kung bagay" agad ko namang inabot yung kanan kong kamay, ilang minuto itong tinitigan ni Ate Moreen

"Saan mo nakuha itong peklat na to?" tanong nya habang nakatitig pa din sa kamay ko "Hindi ko nga din alam ate eh, pero sabi ng mommy ko peklat daw yan dahil sa kakulitan ko noon" binitawan nya yung kamay ko, inabot nalang niya sakin ang singsing at umalis na

**

1 new message

From: Ate Moreen

Come to my office right now

Agad akong nagpaalam kay Sir Crumpos nang mabasa ko yung text ni Ate, minsan lang to mag text sakin at kung magtetext man siya ay urgent matter lang

"Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ko "I've seen the symbol! She's alive!" halos mataranta si Ate ng bigkasin niya ito "A--ano ba nangyayari sayo? Okay ka lang ba?" nanginginig na mga kamay niya hatang takot na takot siya

Tumayo siya at may hinanap sa boom shelf niya, isang brown na notebook ang nilabas niya "This! This is the written prophecy Francis, Troy must leave Kristine" nang banggitin niya ito ay agad akong napaatras. Alam niya pala ang tungkol sa prophecy pero hindi niya ito sinabi "Ano naman nakalagay dyan?" nagkunwari akong walang alam para hindi niya mahalata "One must die, and only one will survive" kinabahan ako sa binasa niya kung hindi ako nagkakamali ay ito ang kapalaran ng pinsan ko at kapatid ko

"Wait, may maliit na papel ate" nahulog iyon mula sa libro kaya dinampot ko ito at ibinigay sa kaniya. Binasa niya muna ito bago sabihin, kung kanina ay natatakot siya ngayon ay nagkaroon ng pag-asa ang mukha niya "They can break this prophecy!" saad niya. Hindi nya sinabi ng buo sakin lahat, pero may solusyon para matigil ito.

Wala sa plano ni Taewan ang patayin si Trot o ipapatay ang kapatid niya. Gusto niya lang mabuksan ang pinto ng realidad para makapiling ang kapatid niya. At kung totoo man ang binasa ni Ate Moreen na may mamamatay, hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Ang pinsan ko o ang kapatid ko?

**

"Taewan, sigurado ka na ba dito?" sambit ni Kate habang inaayos ang ibang gagamitin nila para sa event "Sure na ako dito Kate, gusto ko na makasama kapatid ko" tugon nito "Eh pano kung hindi papayag si Troy? Ano gagawin mo?" ilang minutong hindi naka sagot si Taewan sa tanong ni Kate

"Kung mangyayari man yun, I have mo choice but to kill him" hindi naman nakasagot si Kate sa tinugon ng binata, hanggang ngayon ay mahala niya pa din si Troy kahit alam niyang wala na siyang pag-asa ay mananatiling si Troy lang ang nilalaman ng puso niya "Eh ikaw Kate, bakit nagustuhan mo si Troy despite of his attitude anf family background?" nagulat si Kate dahil hindi niya inaasahang tatanungin siya ni Taewan ng ganito

"Wala naman sa estado sa buhay o pag-uugali ang pagmamahal Taewan, kusa mo tong mararamdaman. Gaya ng nangyari sakin, hindi ko alam nahulog na ako sa taong mala demonyo ang ugali. Ganun din si Kristine, you can't define love base on what you see. You will never know the reason why you fell in love with that person"

Hindi naman nakaimik si Taewan sa sinabi ng dalaga, pero naramdaman niya ang emosyon nito habang sinasabi ito. Kaya mas lalo siyang naging determinado na matapos na itong lahat para wala ng ibang masaktan

"Teka, nasan yung tatlo?" bigla niya itong natanong kay Kate ng mapansin niyang silang dalawa nalang ang nasa loob "Ah, si Francis nagpunta kay Ma'am Moreen, si Sir Crumpos naman sabi niya pinatawag siya sa office, si Margaux naman maliligo muna daw siya at babalik din maya maya"

**

"Naka ayos na po ang lahat Boss" sambit ng nakaitim na damit na babae "Good job, all we have to do is wait for the right time" saad nito

"Hindi ba maghihinala ang lahat sa gagawin mo? Baka malaman nila at ipapatay tayo"

"Hindi mangyayari yun, dahil magiging busy sila sa araw na yun at hindi nila mamamalayan ang lahat ng kilos natin. Magtiwala ka lang"

"Siguraduhin mo lang boss, mabubulilyaso tayo nito at malalaman nilang nag taksil ka sa kanila"

"Wag ka mag-alala alam ko lahat ng balak nila. At hindi ako magkakamali sa lahat ng pinlano ko, magtatagumpay tayo at makukuha ko ang gusto ko. Isang buwan nalang ang hihintayin natin at matatapos na tong lahat"

Lusitians And SebastiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon