"Hindi ko na to itatago pa kay Kristine, tutal umamin naman na ako kila Francis ay lulubusin ko na" yan lang naman ang iniisip ko habang nakahiga sa kama ko, ayokong lumabas dahil natatakot ako.
Hindi ko alam pero sa pagkaka-alam ko ay isa ako sa mga kinatatakutan sa paaralang ito but now, I'm afraid ti show myself in front of her. Parang anytime ay sasabog ako sa kaba, to be honest hindi ganito yung naramdaman ko kay Margaux noon. Mabilis ko lang siyang nakuha pero hindi sa madaling proseso.
"Hoy lalabas ka ba dyan? Samahan mo akong kumain dito" sambit ni Kristine sa labas ng pinto ko. Alam kong galit pa din sya sakin dahil nasigawan ko siya kanina "Saglit lang"
Agad akong nagbihis ng damit, pag nasa kwarto kasi ako ay nagtatanggal ako ng damit. Sa paglabas ko, dalawang ulam ang tumambad sa harap ko isang afritadang manok at beef stake.
"Bakit ang dami mong nilutong ulam?" tanong ko pero hindi niya ako inimik
Kumain lang kaming dalawa ng walang imikan. Hindi ako sanay, kasi pag kumakain kami nagkukwento siya sakin ng mga bagay na nasa utak niya.
"Aray!!" sigaw niya
"Ano nangyari? May sakit ba?" agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko para icheck siya
"Sumasakit nanaman yung ulo ko! Parang mabibiyak!"
Hindi na ako nagdalawang isip at binuhat siya papunta sa kwarto niya. Agad siyang nakatulog paglapag ko sa kaniya, kung hindi ako nagkakamali pangalawang beses na tong nangyari sa kaniya. Di ako umalis sa kaniya, hinihintay kong imulat ang mga mata niya
"Mom? Dad? Help me! Help me!" nagulat naman ako sa sinambit niya, na nanaginip siya. Pilit ko siyang ginigising pero hindi niya minunulat ang mga mata niya.
I grab my phone to call Moreen, but she didn't pick up her phone. Damn! I don't know what to do! I also tried to call Kate but she didn't response. Bigla namang iminulat ni Kristine ang mga mata niya at bigla akong niyakap ng napakahigpit. Umiiyak siya na parang bata, unti-unti niyang tinanggal ang pagkakayakap niya sakin.
"I'm scared, parang totoo yung nakita ko! Feeling ko nangyari talaga yun! Troy help me!" habang sinasambit niya iyon ay parang dinudurog paunti unti ang puso ko.
"Kristine, okay lang ba sayo kung liligawan kita?" out of nowhere nasabi ko yun nanlaki nalang ang mga mata ko sa katangahan ko "Gago, wag mo nga ako biruin ng ganyan. Alam mong bawal yung gusto mong mangyari"
For the first time! Narinig ko siyang nagmura, hindi ako na turn off pero mas lalo pa akong na turn on.
"Minura moko?" kunwaring seryoso ang mga mukha ko dahilan para mag iba ang emosyon niya mukha na siya ngayong takot na takot na bata
"H---hindi ah! Expression yun! Nagulat kasi ako sa sinabi mo saka hindi pwede diba?" hindi na ko na sinagot ang tanong niya at binago ko na yung topic "Ano ba kailangan gawin para kahit papano maibsan yang sakit ng ulo mo?"
"I need my medicine, but it's nit just an ordinary medicine. Hindi ko din alam pangalan ng gamot na yun, pero simula 5 years old ako iniinom ko na yun"
As usual hindi ko mahahanap yung gamot na sinabi niya kasi maski pangalan hindi niya alam. Pinahiga ko na ulit siya sa kama niya at iniwan na.
**
Nakaupo lang si Francis sa sofa habang si Kate naman ay umalis at may puountahang mahalagang bagay. Wala na ng masyadong ginagawa sa school ngayon dahil sa babaeng pinugutan ng ulo. Halos wala na rin talagang klase dahil maski ang mga teacher takot ng gumala sa paligid ng paaralan. Habang nakaupo ay napansin ni Francis na may nag pop up sa phone niya, article ito noong 2005.
A car was seen at 77 street near at trampon village. Two unidentified bodies were taken to the hospital but the bodies was declared dead in arrival
Binuksan niya na ng buo yung article para mas lalong basahin pa ang nakalagay dito.
Mr. and Mrs. Go was suspected to be the killers of those unidentified bodies. But there's no enough evidence to prove that they are the killers, the case was being closed after the investigation
Bigla siyang tumayo at may hinanap sa kaniyang silid. Mga documents about sa mga student ang nakalagay sa drawer niya, agad niyang hinanap ang documents ni Kristine para tingnan kung tama ang hinala niya
Name: Kristine Celestine A. Go
Age: September 1, 2000
Father's Name: Cristoffer J. Go
Occupation: Businessman
Mother's Name: Monette A. Go
Occupation: BusinesswomanHabang binabasa ang mga dokumento tungkol kay Kristine ay may taong sumagi sa kaniyang isipan kaya hinanap naman niya ang student files noong taong 2015
Name: Taewan Cristoff A. Go
Age: January 13, 1995
Father's Name: Cristoffer J. Go
Occupation: Businessman
Mother's Name: Monette A. Go
Occupation: BusinesswomanAgad na nabitawan ni Francis ang mga dokumento. Hindi niya alam kung dapat ba niya itong sabihin sa mga kapatid niya. Kinuha niyang muli ang telepono niya dahil may message siyang natanggap
I guess you already read the article. Come to 6th floor last room. I want to tell you something.
Sinubukan niyang tawagan ang numero pero hindi ito sumasagot. Wala oras na sinabi kaya naman agad-agad siyang pumunta.
--
"You're here, finally" agad niyang nabosesan ang lalaking nagsalita. Umiinit ang dugo nito dahil alam niyang hindi magandang makipag usap sa taong ito "Anung kailangan mo Taewan? Bakit mo pinadala sakin yung article na yun? Anung kinalaman ko sa pamilya mo?" tanong niya
"Malaki kinalaman mo, ni Troy at Moreen sa pamilya ko. Those two person? They are Troy and Moreen's parents. The last heir of this school"
Biglang nagulat si Francis sa narinig niya
"A--ano? Pa--no? Bakit pinatay ng pamilya mo ang nanay ko at tatay ng mga kapatid ko?"
"Simple lang, balak nilang patayin si Kristine. Dahil siya ang magbubukas ng pinto mula sa realidad ng paaralang ito. Di ko alam but the prophecy says the truth. And thanks to you we are able to do our plans here, dahil sayo nakapasok si Kristine because she's the girl you desperate to see again. Your childhood friend, but something happened to her that's why she doesn't recall your face"
Hindi pa gaanong nag sink in lahat kay Francis, inabot ni Taewan ang isang lagayan ng gamot.
"You have to give this to Kristine, hindi niya pwedeng maalala lahat ng nangyari sa kaniya noon. She's been traumatized on what happened to her"
"Bakit ko naman susundin inuutos mo? Wala ka namang hawak na alas para sakin"
Bigla nalang ngumisi si Taewan, at ibinigay nito ang telepono kay Francis
"Tulong!! Tulungan nyo ko! Parang awa nyo na!"
Isang boses ng matandang lalaki ang narinig niya, biglang nanghina ang mga tuhod niya ng marinig ang boses ng ama na halos sampung taon na niyang hindi nakikita
"Hayop ka!! Pakawalan mo tatay ko! Demonyo ka!!" nagpupumiglas si Francis dahil hawak siya ng mga tauhan ni Taewan
"Chill, hindi ko pinapabayaan tatay mo. Nasa maayos siyang kalagayan, kumakain siya ng tatlong beses sa isang araw. Nakakaligo, yun nga lang hindi siya pwedeng lumabas. Kung gagawin mo lang yung pinapagawa ko, wala tayong magiging problema" litanya nito
Kinuha nya ang gamot at nilagay sa kaniyang bulsa Wala namang magawa si Francis kundi ang sundin ang utos ni Taewan kahit na labag sa loob niya.
"Susunod ka din pala eh, don't worry. Hindi ko pababayaan ang tatay mo basta lahat ng iuutos ko gagawin mo. Madali akong kausap Francis, kilala moko. I can kill everyone even you"
BINABASA MO ANG
Lusitians And Sebastians
RandomMakakahanap si Kristine ng panibagong pinto na magbubukas sa kaniya mula sa panibagong mundo, sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala niya si Troy na magbibigay kulay sa kaniya sa mundong ito. Magmamahal siya at darating ang pagsubok na di niya i...