Chapter 8: Fall

31 3 0
                                    

3:30 pm palang ay nasa gymnasium na si Kristine ayaw niyang malate dahil baka pagbuntungan siya ni Troy. Mas okay na siya nalang maghintay para naman makita na gusto niya ang posisyon na naibigay sa kaniya.

"Kristine, bat ka nandito? Ano yang hawak mo?" tanong ni Francis na pawis na pwais halatang katatapos lang maglaro ng basketball. "Ito na kasi yung flow ng sa pageant na naisip ko, hinihintay ko lang si Troy para madiscuss to sa kaniya. Ididiscuss ko din to sayo mamaya. Pero sa ngayon magpahinga ka muna" tugon niya na may ngiti sa labi, napangiti naman si Francis sa ngiti ng dalaga mala-anghel kasi kung ngumiti ito.

Pinaghandaan ni Kristine ang lahat ng nasa folder na hawak niya, hindi siya natulog para lang maging maayos lahat ng nakalagay sa event na gagawin nila. Unlike sa school niya noon, kailangan pang ipacheck sa mga admin ang project proposal pero dito ibang-iba kung gusto nyo ng event pwedeng pwede. Minsan pa nga ay walang teacher kaya free ang buhay ng mga students dito.

4:00 pm na halos 30 minutes ng naghihintay si Kristine kay Troy

"Nandito na ako" hingal na sambit ni Troy, halatang galing pa siya ng ibang floor at tinakbo papuntang gymnasium. "Hoy! Bat ngayon ka lang?! Alam mo bang 3:30 palang nandito na ako? Ang tagal ko naghintay sayo!!!" halos marindi ang tainga ni Troy sa sigaw ni Kristine pati na rin ang ibang tao ay nakatingin sa kanilang dalawa. "Teka, sa pagkakaalam ko ang sabi ko 4:00 pm hindi ko sinabing agahan mo. Kaya wala akong kasalanan sayo, ginusto mong maghintay kaya dapat di ka nagrereklamo sakin" sambit ni Troy na siya namang kinatahimik ni Kristine, Tama nga naman ang binata dahil nauna si Kristine kaya ito naghintay at wala siyang kasalanan.

**

"Simulan na natin ang usapan. Nandito sa folder lahat ng kailangan at iba pang gawain para sa gagawing event, inayos ko na din pati yung flow ng program at magiging emcee sa araw ng event. Ang gagawin nalang natin ay magawa ng maayos at sundin yung timeline na nakalagay dyan oara wala tayong problema" sambit ko kay Troy at inabot ang folder kung saan lahat ng detalye ng event ay nakalagay. "Good! All set! May theme, may exact date and time, decoration, and even the program. Great job Kristine. Pero sure kana ba sa date na nilagay mo? I mean hindi to weekend baka magkagulo sa mismong event" tugon ni Troy at halatang ayaw niya sa date na nilagay ko sa event.

"Yes, sure na ako dyan. At wag ka mag alala nakausap ko na yung ibang members ng club natin tungkol sa safety ng bawat isa." sambit ko na may biglang umupo sa tabi ni Troy

"Hi Babe" si Margaux, ang ex ni Troy na makulit "What's this? A beauty pageant? Interesting! Can I join?" dagdag pa niya na may ngisi sa labi. "You can join! It's for everyone kung gusto mo ilalagay ko na yung pangalan mo sa listahan" ako na sumagot sa tanong niya kay Troy dahil hindi na ito nagsasalita at tahimik nalang "Awesome!" at umalis na to at nagpunta sa labas ng gymnasium

"Ikaw na mamahala sa registration. Si Kate naman sa Decoration, at kami na ni Francis sa mga materials na gagamitin" walang ganang sambit ni Troy at umalis na ng gymnasium.

Ewan ko pero hindi siya komportableng nasa paligid niya si Margaux, halatang hindi pa siya nakakamove-on sa ex niya. Kawawang lalaki, ang ginawa niya lang naman ay magmahal pero sa huli sinaktan pa din siya. Kaya ayoko ng love eh kasi sakit sa ulo.

"Nandyan kana pala Kristine" napalingon ako sa likod ko ng marinig iyon, si Francis pala akala ko natutulog na siya pero hindi pa pala. "Gising ka pa pala. Sasabihin ko na pala sayo yung plano sa event"

Lusitians And SebastiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon