KATE
Halos two weeks na kami dito pero hindi pa din ako sanay lalo na't kasama ko tong lalaking to sa mwarto na to feeling ko anytime pwede nya akong gahasain. Hindi naman sa pagmamayabang pero may itsura ako, kaming dalawa ni Kristine. Lamang lang siguro ko sa pag-aayos ng mukha si Kristine kasi hindi sya nag-aayos sa sarili nya hindi tulad ko na mahal na mahal ang make up.
"Hoy! Kate!" napalingon ako sa mesa ng makita si Troy na naghahain
"Bakit?"
"Samahan moko kumain" pag-uutos nya sakin
"Ayoko!"
"Edi wag, ang Pabebe mo tumatanggi ka sa Katulad Kong Gwapo" pagmamayabang nya
Di nako makipagbangayan pa. Sobrang yabang nya talaga, pero totoo namang gwapo sya pero it doesn't mean na kailangang sundin ko sya.
Ang di ko lang talaga alam eh pano sya ganito ka concern? Nung nakaraan nagkalagnat ako kaya di ako nakapasok two days yun at sya nag-asikaso sakin, tinulungan nya din ako sa mga na missed ko na lesson. I thought he's a kind of man na kasusuklaman mo talaga just like other boys here in Sebastians but Troy is different from them.
"Aalis muna ko. Wag kang lalabas at make sure na nakasara tong pinto" sambit nya sabay kinuha yung coat nya.
May kung ano akong naramdaman biglang tumibok ng pagakabilis-bilis yung puso ko, napaupo nalang ako sa sofa at ramdam kong namumula ako.
Kate gumising ka! Labanan mo! Ilang linggo mo palang kasama yung lalaking yun! Tumigil ka!!
Sambit ng utak ko ewan ko this past few days pag nakikita ko si Troy kinakabahan ako at mabilis na tumitibok yung puso ko, nakakalimutan ko na nga si Kristine pag magkasama kami dito sa loob ng Troy.
Speaking of Kristine, kumusta na kaya sya? Galit na sya sakin? Ginagawa ko to dahil Sabi ni Troy lumayo ako sa mga Lusitians at yun yung ginagawa ko. But she's my friend not just a friend she's more like a sister to me, I don't want to lose her. Tumayo ako at kinuha ang coat ko para lumabas hahanapin ko si Kristine para makapag-usap kami.
Habang naglalakad ako nagkukumpulan yung mga tao at parang may away nanaman, lagi naman ganito but this time talagang mabigat ang tension at hinala ako ng paa ko papunta sa mga nagkukumpulang tao.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa isang babae na nakatayo
"Ah bumalik na kasi ang tinaguriang Queen of Sebastians" sagot nya
"Huh? Que—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng may biglang humila sakin palayo sa mga nagkukumpulang tao
KRISTINE
Teka? Si Kate na yun? Bat nandun sya? Eh may gulo dun!. Bigla akong lumapit at hinila si Kate palayo sa lugar na yun at Baka mapano pa sya
"Kri-kristine?" pagtatakang sambit nya sa pangalan ko
"Bat ka nandun? Alam mo bang Delikado?! Bakit mo ako iniiwasan? Kate naman! Para na tayong magkapatid! Bat bigla kang lumayo?" galit na tanong ko kay Kate.
Hindi nyo ko masisisi dahil talagang iniiwasan nya ko
"Ah. Eh. Ano kasi bawal kami makipag-usap sa inyong mga Lusitians"
"Huh? Bakit?"
"Because we're opposite. Don't you see Kristine ibang lugar na tong kinalalagyan natin kaya dapat hindi na tayo laging magkasama! Hindi na ako bata para protektahan mo! May paa at kamay ako kaya ko sarili ko Kristine! I don't need your help!" sigaw sakin ni Kate.
BINABASA MO ANG
Lusitians And Sebastians
RandomMakakahanap si Kristine ng panibagong pinto na magbubukas sa kaniya mula sa panibagong mundo, sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala niya si Troy na magbibigay kulay sa kaniya sa mundong ito. Magmamahal siya at darating ang pagsubok na di niya i...