Chapter 9: The Kiss

28 2 0
                                    

"Please wake up Kristine, magising ka lang aalis na ako dito sa tabi mo." Ito lang ang mga katagang nasa utak ko, hindi ko alam pero alalang-alala ako. Maybe because she's a kind person kaya ganito pero I shouldn't take care of her besides she's a Lusitians. I shouldn't be here.

Tatayo na sana ako kaso may humawak sa kamay ko. "Dito ka muna please" hindi ko alam kung susundin ko siya pero mali to, hindi ko dapat inaalagaan ang isang tulad niya "Hintayin lang natin si Francis, pag nandito na siya pwede ka ng umalis. But please, don't leave me." Her teary eyes makes my heart ache, I've never been felt this way before. Sinunod ko ang utos niya at nanatili sa tabi niya.

"Ano ba nangyari sayo? Pinag-alala mo kaming lahat!" sambit ko sa kaniya "I'm sorry, kahit ako hindi ko alam nangyari" tugon ni Kristine sa tanong ko.

"Hindi mo alam? Really? That's Impossible! Nahulog ka ba sa hagdan?" muli kong tanong, nakita ko sa kaniya ang pagkunot ng kaniyang noo "Nahulog? Hindi ako nahulog sa hagdan. Someone hit me kaya ako nawalan ng malay." Hindi muna ako umimik ng ilang minuto sa sinabi niya, pero kitang kita namin nila Kate na nasira yung hagdan na pinagtayuan niya bago siya maaksidente "Are you sure? Hindi ka nahulog sa hagdan?" pagkaklaro ko sa sagot niya para malinawan ako "Oo, I'm 101% sure na hindi ako nahulog sa hagdan"

Napalingon kami sa pinto ng bigla itong bumukas. Dumating na si Francis kaya naman umalis na ako. At tinahak ko ang stadium kung saan nangyari ang aksidente

"Kate?" tanong ko sarili ko ng may nakita akong babaeng nasa harap ng stage, kahit malayo ay alam kong si Kate yun. "Troy, ikaw pala. Kumusta na si Kristine? Okay na ba siya? Wala na bang masakit sa kaniya?" sunod-sunod na tanong ni Kaye sakin, halata sa mukha niya ang pag-aalala sa dating kaibigan "She's fine, nagising na siya. Bakit ka nandito?" taka kong tanong sa kaniya dahil mukhang hindi siya umalis doon magmula kanina. "Iniisip ko lang kung pano naaksidente si Kristine."

Bigla kong naalala ang sinabi ni Kristine na hindi siya nahulog sa hagdan. Hinanap ko kaagad yung hagdan pero wala na daw tinapon na dahil sira na at delikado kung gagamitin pa ng iba.

"Bakit mo hinahanap yung hagdan?" napatigil ako sa paghahanap ng magtanong si kate. Oo nga naman bakit ko nga ba hinahanap ang hagdan na yun? Eh hindi naman din makakatulong iyon. "Ah wala, tara na umalis na tayo dito."

**

"Okay na ako Francis, malayo sa bituka to" sambit ni Kristine "Ano ba kasing nangyari ha? Bigla nalang nagkausok sa stage at di ka na namin na kita!"

"Ganito kasi yan, diba nga nasa hagdan ako at inaayos yung ibang decoration para sa event. May narinig akong naglalakad sa may back stage kaya pumunta ako don kaso pag pasok ko may pumukpok sa ulo ko ng matigas na bagay kaya ayun napadapa ako nawalan ng malay. Hindi naman ako nahulog sa hagdan" paliwanag niya habang ako biglang lumalim ang iniisip sa mga sinabi niya "Kung hindi ka nahulog eh bakit nasira yung hagdan? Saka kung may pumukpok man sayo makikita yung mga yapak niya kasi nabalutan ng abo yung buong stage" pagtataka kong sambit, hindi ko alam pano nangyari sa kaniya yun. Kitang kita ng dalawa kong mata na sira yung isang hakbangan ng hagdan.

"Gusto ko na umalis dito Francis, puting puti tong lugar na to nakakatakot ayoko dito" sambit ni Kristine na akala mo'y batang gustong maglaro sa labas. "Hindi ka pa pwedeng umalis dito, mamaya pupuntahan ka ng nurse baka pagalitan ako pag inalis kita dito. Teka, lalabas muna ako may kukuhain lang ako kaya dapat dito ka lang" tumango lang siya bilang tugon sa sinabi ko.

Paglabas ko ay nakita ko si Troy na nakasandal sa pader

"Mauulit nanaman ba ang nangyari noon Francis? Bumalik ako dito para kausapin ka" tanong niya na magkatitigan ang aming mga mata "Nakaraan na yun Troy, siguro naman nadala na tayong dalawa at hinding hindi na mauulit yun" 

"Really? I don't think so, ganitong ganito yung nangyari noon Francis. We are saving one person from a demon" bakas sa mga mata niya na seryoso siya "I don't have time for this shitty thing of yours. Kung ayaw mo maniwala edi wag! It's up to you kung gagawin mo ulit yung nangyari sayo noon. Ikaw lang naman ang nagpalala ng lahat! Hindi ako!" bago pa man siya mag salita ay iniwan ko na siya. Hindi ko kasalanan ang nangyari noon pero ako pa din ang sinisisi niya, hindi ko alam kung kailan ko matatakasan ang nakaraan.

**

"Ikaw lang naman ang nagpalala ng lahat! Hindi ako" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang salitang iyon pabalik na sana ako sa room namin ng makita ko si Francis at Troy na nag uusap. Halatang hindi sila magkasundo sa pinag-uusapan nila, dinaanan lang ako ni Francis at biglang napatingin lang si Troy sakin.

He grab my hand without hesitation, bumilis ang takbo ng puso ko hindi ko namalayan na maraming tao na pala ang nakatingin samin.

"I want you to stay here!"
"But why? Is there something wrong?"
"Nothing, just stay here and don't you dare go around on the school rooms!"

Hindi naman mahinahon pagkakasabi ni Troy pero palinga linga lang siya sa paligid na akala mo may hinahanap na tao. I felt strange, di ko alam ano nangyayari eh. Una si Kristine, tapos iba kinikilos ni Troy ngayon.

Ilang oras na din simula nung iniwan ako ni Troy dito sa room namin, nakakabored and at the same time ang lungkot ko. Balak ko kasing bumisita kay Kristine para makipagbati na pero di ko naman nagawa kasi nga nakita ko sila Troy at Francis na magkausap. Nagluto na din ako ng dinner namin ni Troy pero wala pa din siya, kung saan saan sumusot yung taong yun -_- . Oo na, aaminin ko na may gusto ako kay Troy pero hindi yun LOVE I swear! Hindi naman ako makikipagrelasyon sa lalaking sa school ko lang nakilala ni family background nga nya di ko matanong eh. Crush lang talaga tong nararamdaman ko, what did you expect? Babae ako Lalaki siya nasa iisang silid lang kami at araw araw nagkikita kaya may possibility talagang magustuhan ko siya

7:30 pm tinignan ko yung orasan ko gabi na, hindi ako sanay na di kumakain ng 7:00 pm pero ito ako ngayon naghihintay kay Troy. Ang tagal naman ng mokong na yun!!! Gutom na ko.

"Oh, nandyan kana pala" sambit ko ng makitang bumukas ang pinto at pumasok si Troy "Nagluto na ako ng pagkain natin, tara kain ka muna bago ka pumunta sa kwarto mo" pag aya ko na mukhang di naman niya pinansin. Lumakad siya papalapit sakin at heto kami ngayon mahkatapat ang mukha sa isa't-isa.

"You're so beautiful Kate. If I am your man, I will kiss that red lips of yours right now" sambit ni Troy habang nakatingin sakin

Tangina mga beeee!!! Ano to landian portion ba to? O nag aassume lang ako? Mukha naman kasing nakainom siya dahil naaamoy ko yung alcohol sa katawan niya.

"Alam mo Troy lasing ka lang, kung ayaw mo kumain edi pumun--" bago pa ako matapos magsalita ay dinampi niya ang napakalambot niyang labi sa aking labi.

It's a passionate kiss, di ako makaresponse kasi wala akong experience sa ganito para akong statue hindi magalaw. Then, hindi siya bumitaw sa pagkakahalik sakin ginalaw niya labi niya dahilan para makapagresponse ako, di ko alam kung tama to pero shit!!! Para akong bomba na sasabog anytime! Ito na ba yun? Totoo ba tong halik na to? Sana hindi panaginip at kung panaginip man to, ayoko ng magising.

He grab my waist, push me to his room at patuloy na naghahalikan. He place his hand on my cheeks, kiss me down to my neck. Then suddenly, I felt something bad while we are doing this

"Stop Troy, This isn't right" sambit ko at tinulak siya palayo sakin "Why? Isn't fun?" takang tanong nya. So laru-laro lang pala to? Wtf! This is my first kiss and yet he's making this shit as a fun thing? Damn! "You're just drunk Troy, you can't push me here and do some unnecessary stuff"

I walk out from his room and run to my room. I'm crying asf! This is my first kiss and yet it's just taken for granted. I thought that kiss is sincere but it turns out to be the saddest kiss I have.

"Why did you do this to me Troy? I'm not a toy that you can just play around anytime you want"

Lusitians And SebastiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon