Chapter 7: Officers

27 3 0
                                    

Pinili ko yung L&S Club, since yun naman na talaga yung club na sinalihan ko kaya di na ako nagdalawang isip na mag sign at isulat ang pangalan ko ganun din si Kate. She's like a younger sister to me, clingy siya at kahit di niya pinapakita sakin yun dahil takot siya.

"Ayan, okay kana ba?" tanong ko dahil hanggang ngayon di pa din siya mapakali. "Oo salamat ha"

Nagtungo na kami sa room sa room ng L&S Club pagpasok namin ay nagulat ako sa dalawang taong bumungad sakin. Si Francis at Kristine, may kung ano akong naramdaman na di ko maintindihan. Siguro ay dala na rin ng pagkagulat ko dahil nasa iisang club lang kami ni Francis

"I guess everyone is here, this is the least club na sinasalihan ng mga students. Meron lang tayong 10 members sa club na to kaya naman dalawang president, at dalawang vice president ang kukunin ko. Isa para sa Lusitians at isa din para sa Sebastians para patas" sambit ni Sir Crumpos na magiging taga payo sa club namin.

Hindi na nag botohan dahil si Sir na mismo ang namili ng officer. Ako at si Kate para sa team namin at sa hindi inaasahang pangyayari si Francis at Kristine naman sa Lusitians.

"Now that we have a new officers, the rest of you may go to your respective places. Kayong mga officers mag usap kayo sa mga projects na pwedeng gawin ng club natin. Kailangan manguna tayo para kahit papano ay makilala ang club natin"

After ni Sir magsalita ay naiwan na kaming apat dito sa room, walang gustong magsalita kaya naman ako na ang nanguna.

"Magtititigan lang ba tayo dito? O mag uusap tayo? Hindi naman siguro kayo pipe at marunong kayo magsalita" litanya ko. "I have an idea, what if magkaroon tayo ng pageant for all genders? I mean masaya yun kasi I've seen so many pretty faces here. Mas mapapaganda kung may activity na ganun" suhestyon ni Kristine, hindi lang siya maganda kundi matalino rin. Wala pang beauty pageant ang nangyayari sa school na to.

"Great Idea Kristine" nakangiting sambit ni Francis, mababakas sa ngiti nya na close sila ni Kristine. Habang si Kate, hindi umiimik at bigla nalang umalis ng room. Weird pero di ko na masyado inisip yun.

"Alright, yun nalang muna siguro for today. May next meeting tayo, sasabihin ko nalang. Francis mauna kana may pag uusapan lang kami ni Kristine"

"Huh? Hindi pwede roommate ko siya kaya dapat sabay kaming babalik sa room namin" kunot noong sambit ni Francis. "It's okay Francis, mauna kana kaya ko naman na sarili ko. Saka alam ko naman na yung daan pabalik" pagtugon ni Kristine.

Nilisan na ni Francis ang room tanging kami nalang ni Kristine ang naiwan sa loob. Wala naman akong mahalagang sasabihin sa kaniya, sa katunayan nga ay gusto ko lang muna siyang titigan ng matagal. Wala akong gusto sa kaniya dahil hanggang ngayon si Margaux pa din ang nasa puso ko, sinabi ko lang sa kaniya na di ko na siya mahal pero deep inside I want her to comeback in my arms again. But not this time.

**

Nakatitig lang si Troy sakin ngayon, hindi ko alam pero habang pinagmamasdan ko siya ngayon ko nakikita ang kagwapuhan niya. Hindi ako pervert ha pero kung ako tatanungin, mas gwapo siya kaysa kay Francis lamang siya ng 1/2 na paligo.

"Ano bang dahilan at pinaiwan mo ako dito?" binasag ko na ang katahimikan dahil di ko na din maatim na tititigan nya lang ako dito. "Wala naman, gusto ko lang makipagkwentuhan sayo. Katulad nung nakaraan, nakinig ka sa kwento ko." sambit niya habang nakatingin pa din sakin.

Naiirita akong natatawa, dahil sa mukhang ipinapakita niya sakin. Kung kanina para siyang demonyo ngayon ay naging maamong tupa na hindi mo pwedeng baliwalain.

"Gusto ko lang naman ng may makausap ako. Si Kate kasi this past few days tahimik lang" naging seryoso ang tingin ko sa kaniya ng banggitin niya ang pangalan ni Kate. "Roommate kami, at alam kong magkaibigan kayo. I saw her holding a photo and I believe kayong dalawa yun. To tell you honestly, ako nagsabing iwasan ka kasi magkaiba na kayo ng mundong gagalawan maybe sa lugar nyo close kayo pero dito hindi. Kailangan niyong magtunggalian, walang mabait dapat wise ka. I have to do it kasi minsan na akong nagkamali kaya ayoko lang maulit ang nangyari noon. Kaya Kristine, be brave wala kang kakampi sa mundong ito lahat kaaway mo" mahabang litanya niya. Gusto ko siyang awayin pero di ko magawa, dahil alam kong sincere ang mga sinabi niya. I felt a bit strange dahil nag flashback lahat ng nangyari samim ni Kate, maybe he's right I have to trust myself dahil wala na akong kakampi sa lugar na to wala na akong malalapitan at tanging sarili ko lang ang kasama ko.

"Tomorrow, meet me at gymnasium 4:00pm sharp. Pag uusapan natin yung sa pageant na sinabi mo. Ayoko ng late hindi ako sanay maghintay" sambit niya at iniwan na ako ng tuluyan.

Hindi pa masyado nag sink in ang lahat sa akin, akala ko okay na ako. Okay na akong wala si Kate sa tabi ko pero hindi pala, I know hindi na kami same ng kinatatayuan but we have to be close again para mapaayos ang club na to. The only responsibility I have right now is doing my very best to be a good leader. 

Lusitians And SebastiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon