Chapter 10: Welcome the King

32 2 0
                                    

Halos isang linggo ng di nag papansinan sina Troy at Kate, sino ba naman ang di maiilang sa pangyayaring hindi nila inaasahan.

"Kate, mamaya na yung event. Agahan mo pagpunta" sambit ni Troy "Oo sige" walang ganang tugon ni Kate.

Mababakas sa mukha ng dalaga ang pagkadismaya sa nangyari. Hindi naman alam ni Troy ang maaari niyang gawin para ipaliwanag ang sarili sa dalaga.

6:00 pm ang simula ng event ng L&S club sa pangunguna nila Troy at Francis kasama na sila Kate at Kristine

"Everything was set, great job everyone" Pagbati ni Sir Crumpos na todo ang pag support sa first project ng kanilang club.

**

"Kristine pahinga ka muna" sambit ko kay Kristine dahil pagod na pagod na siya kanina pa siyang 10:00 am nandito sa stadium para ayusin lahat para sa event. "Ano ka ba Francis, okay lang ako. Maya maya din naman magsisimula na yung event" tugon niya sakin.

Habang tumatagal I admire her the most, she's kind and persistent woman.

"Francis we need to talk" buling na sabi ni Ms. Moreen Sebastian.

Naglakad kami patungo sa attic room, she look so serious this time. Hindi naman kami nag-uusap kasi nga busy din akong tao lalo na sa araw na to.

"Ano bang meron? Busy kami. Pwede pakibilis kung ano man yun" sambit ko

"Francis listen to me, I know how this event really means to you and also to your members. But, you need to stop this event right now. Postpone it!" litanya niya na hindi ko naman alam kung bat niya sinasabi ito kung kailan naka ayos na lahat saka babawiin? I will make Kristine really dissapointed if I postpone this event. "But why? I need a valid reason to postpone this. Alam mo kung ilang linggo namin tong pinaghandaan tapos di mo ipapatuloy! Tell me"

"This afternoon I saw this red envelope in front of my desk, you know this envelope means right? Francis baka bumalik na siya at alam mo kung ano pwede niyang gawin sayo, satin, at lalung-lalo na sa school na to"

She gave me the envelope and there's a letter inside of it short message but it gives me a goosebumps

"A head will be cut, blood will spread. The real KING is back"

Yan nakalagay sa letter. This can't be, bakit ngayon siya magpapakita? I thought everything is under control.

"See Francis, you can't just ignore this message! Mapapahamak ka at ang lahat ng taong nandito! He's really back!" ramdam ko ang takot ni Ms. Moreen sa kaniyang mata I can't postpone this event lalo na't five minutes nalang magsisimula na.

Iniwan ko na si Ms. Moreen sa attic at tumakbo na, kung di ko man ma postpone ang event na to I will make sure that nothing will happen and everyone will be safe.

**

"Asan na ba si Francis?" tanong ni Sir Crumpos sa akin, maski ako wala akong idea kung nasan siya.

"Kristine, you look fabulous tonight" napalingon ako sa likod ko ng makita ko si Troy, formal attire ang theme namin na mga officers. He wears a blue tuxedo which makes him more masculine. "You too, that blue tuxedo really suits to you"

Magsisimula na yung event at lahat ng tao ay excited sa mangyayari, kahit ako hindi maalis sa isipan ko na mangyayari to. I mean, I've been dreaming this the whole time. I have no chance to do this when I was in a real world, all I can do is to watched everyone preparing for this kind of event. In short, I was just nobody in real world only Kate knows everything about me. She's my only friend back then, but now? She can't even look me straight in the eye. She's avoiding me.

"Good Evening Ladies and Gentlemen, Welcome to the first ever beauty contest of our school. Led by L&S Club. And we are your host for today" masiglang pagbati ng mga host, Sebastians ang host na kinuha namin kasi alam naming mas makukuha nila ang attention ng mga audience. Everyone is enjoying the event.

The candidates are being introduce together with their partner. Ginawa na naming by partner yung event para mas mapabilis yung flow ng program. Pero pag dating sa Q&A maghihiwalay na.

"Kristine, sorry late ako" napalingon ako sa likod ko ng makita ko si Francis na hingal na hingal pa. "Francis you looked exhausted" sambit ni Troy habang nakatingin kay Francis

"San ka ba kasi galing?"
"May pinuntahan lang ako, urgent kasi kaya di nako nagsabi sayo"

Umupo na si Francis sa reserved seat para sa kaniya. Magkatabi lang kaming dalawa, mukha siyang bagong ligo dahil sa pawis niya. I grab my face towel to clean his face oily na kasi at mukha siyang nakipag habulan sa isang hayop. He looked me in the eye, and smiled at me. The fuck! I hate this feeling, he's smile is really killing me.

"Wag kayo maglandian dito. Focus on the contestants" sambit ni Troy kaya napapiglas ako ng tingin kay Francis. Landian ba yun? Panira naman tong lalaking to!

Announcing na ng Top 5 candidates ng mapansin kong nag bi-blink yung mga ilaw. Ako lang naka pansin nun dahil lahat sila naka focus sa sasabihin ng mga host. Ibinaling ko na din ang pansin ko sa mga candidates maybe it's because we used too much electricity for this event kaya nagblink yung mga ilaw.

Pero sa isang iglap nawala tuluyan yung ilaw. Ang lahat ay nagsisigawan pero nanatili pa din sila sa mga upuan nila. We grab our phone and turn on the flashlight.

"Nasira ba yung ilaw?" sambit ni Kate "I don't know hindi naman nawawalan ng ilaw dito eh. Maayos lahat ng maintenance. Chineck ko yun kanina" sambit naman ni Troy.

Lahat kami ay naghiwa-hiwalay para alalayan ang mga students na bigyan ng flashlight pati narin ang mga contestants.

Habang busy naman kami, si Francis na ang tumingin sa circuit ng school baka daw kasi may nabunot lang na wire kaya nawalan ng ilaw.

"Ano ba yan, naantala pa yung top 5"
"Si Margaux na panalo kahit wag na to ituloy"
"Sayang oras tuloy kainis naman"

Mga naririnig kong bulungan ng ibang students sa upuan nila. Tama sila, sayang yung oras imbis na patapos na nagkaroon pa ng aberya.

"Have you checked the circuit?"
"Yes sir, okay naman lahat walang damage na wire akong nakita" narinig kong usapan nila si Sir Crumpos at Francis

Lahat kami natigilan sa mga ginagawa ng biglang nagkaron ng ilaw pero sa center stage lang. Everyone is now screaming in fears, habang ako naman nanlambot ng husto mga tuhod ko na halos mapatumba na ako pero nasalo ako ni Troy

"Okay ka lang?" tanong niya
"What's that Troy? Bat ang daming dugo sa stage?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya but he didn't reply.

Napalingon naman kami sa taas at mas lalo akong nanghina di ko namalayang lumuluha na ako. Isang pugot na ulo ng isang babae ang nakabitin sa taas ng stage, halos di na mamukhaan ito dahil punong puno ng dugo ang ulo nito. If this is a nightmare I want to wake up in this fucking dream!! Everyone is crying and panicking at this moment. Hindi namin alam kung ano nangyayari.

And then, may isang red na bagay nalang ang lumabas sa stage na may nakasulat na

"This is the start of the new era. Welcome the king or you will die"

Halos lahat ay magwala sa sobrang takot hindi rin kami maka alis dahil sobrang crowded at nakasara yung pinto. Tumingin ko kay Troy, nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang galit at namumula na din siya. Tumingin ako ulit sa nakasulat at lalong bumalot ang takot sa katawan ko.

Lusitians And SebastiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon