Chapter 22: Hide and Seek

20 2 0
                                    

Dalawang araw nalang bago ganapin ang December Event ng paaralan. Lahat ay nasa maayos na, pati na rin ang napakalaking gymnasium na gagamitin. Mahigit isang milyong estudyante ang dadalo sa napaka engradeng event ng paaralan

Nasa cr si Kristine para sukatin ang damit na binigay ng nobyo. Kulay pula ito na kumikinang dahil sa maliliit nitong dymante. Mahahalata sa disenyo nito na mamahalin talaga ito, at magandan din ang telang ginamit para dito.

Halos tatlong buwan na sila Troy at Kristine, kahapon ang pang pangatlong buwan nila ng kaniyang nobyo. Sa tatlong buwan nila ay nakita niya ang improvement nito sa kaniyang sarili, hindi na mainitin ang ulo nito at lagi ng nakangiti.

"Uy alam mo na ba?"
"Huh? Alam ang alin?"
"May pasabog daw na magaganap sa event"
"Pasabog? Ano yun? Bomba?"
"Tanga hindi! May malalaman daw tayo na sure daw na magpapagimbal sating lahat"
"Oh talaga, nakaka excite naman"

Narinig ni Kristine ang usapan ng dalawang babae na kaaalis lang. Kinabahan siya bahagya sa narinig niya. Tiyak na may hindi magandang mangyayari sa araw na iyon, lumabas siya ng cr at doon ay nakita niya si Kate

"Oh, Kristine. Kumusta kana?"

"Okay lang naman, ikaw? Tagal na nating di nakapag usap"

"Ito, moving forward sa pagmomove-on. Teka, parang may nagbago sa katawan mo"

"Huh? Anung bago? Wala naman. Ngayon lang kasi tayo nagkita kaya siguro naninibago ka"

"Hmm oo nga baka tama ka. Oh sya aalis na ako ha may pupuntahan pa ako"

Pumunta sa gawing kaliwa si Kate at si Kristine naman sa kanang bahagi para pumunta na sa room nila

"Kristine, bakit ka nandito?" nagulat siya ng may biglang sumupot na lalaki sa harapan niya

"Ikaw pala yan Francis. Sinukat ko kasi tong damit na binigay ni Troy sakin para sa event"

"Ah ganun ba, sige na bumalik kana kaagad ha. Delikado na pagala-gala ka lang na walang kasama"

Sinunod naman niya ang sinabi ng kaibigan at naglakad na papunta sa room nila. Nakaramdam siya sa kaniyang likuran na parang sumusunod sa kaniya, binilisan nya ang paglalakad at hindi lumilingon sa likod niya para hindi magtaka ang taong nasa likod niya. Malapit na sana siya ng harangin ng tatlong malalaki at makikisig na lalaki

"Padaanin nyo ko" akmang lalakad na sana siya ng biglang mag spray ang taong nasa likuran niya dahilan para mawalan siya ng malay

--

"Malapit na matapos ang lahat ng to, makakapiling ko na din ang kapatid ko" sambit ni Taewan habang kausap ang tiyuhin "Onting tiis nalang at magiging maayos na ang lahat"

"Hindi kana din magtatago sa pangal mo tito"

"Ilang taon din akong nagpapanggap sa napakaraming taon"

"Patrick Salvador Avello" saad ni Taewan

Halos 15 years na ding nagtatago sa pangalang Jonathan Crumpos ang tito nila Taewan. Ginawa niya ito upang makapasok sa paaralan at walang maghihinala sa kaniya. Malaki ang paniniwala niya na matatapos na ito at hindi na niya kailangan pang magpanggap sa napakaraming tao.

"There you are Kate!" sambit ni Taewan ng biglang bumukas ang pinti at inikuwa si Kate

Ibang iba na ito kumpara noon, mas naging agresibo at matapang ito kung noon ay takot humawak ng mga armas ngayon ay paboritong laruan na niya ito. Nagsusuot na din ito ng mga revealing na damit gaya ng Croptop at Sports bra. Halos magkatulad na sila ni Margaux

Lusitians And SebastiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon